MATA

726 5 1
                                    

"Mata"
Masyado ng mapanghusga ang mundo. Masyado ng maraming tinatapakan dito.
Masakit.
Masakit ang husgahan.
Masakit ang iwasan.
Pero dahil lamang ba sa hindi ka sikat? Dahil lamang ba sa hindi ka masayang kasama iiwasan ka nila? Huhusgahan ka na nila? Na sasabihin pa ay para kang birhen pero nasa loob ang kulo na kapag lumabas ang totoong kulay nawawala ang pagkasanto. Hindi ganun. Wala kang karapatan. Wala kang karapatan na patuloy ako, sila, kaming husgahan.
Hindi ba naituro sayo ng magulang mo na tayo'y pantay pantay lang?
Na kahit gaano ka pa katalino o kagaling sa iba't ibang bagay, meron ka pa ring kahinaan. Meron ka paring hindi kayang gawin na kayang gawin ng mga taong hinusgahan mo ng pagkadiin. Masakit.
Sa bawat salita na lumalabas sayong bibig na akala mo hindi ko naririnig, nagkakamali ka. Dahil sa bawat kibo, sa bawat sambit. Lahat ng salitang iyon nakatanim na sa aking isip.
Na sa tuwing gabi kapag naaalala ko, meron akong hindi namamalayang tumutulo. Na sana minsan naman makakatulog ako ng dahil sa antok ko, at hindi sa pag iyak ko. Na sana minsan naman maluluha ako ng dahil sa sobrang saya ko at hindi sa panghuhusga mo. Kasi oo. Akala mo manhid ako. Oo manhid lang pero hindi ako tanga.
Oo nananahimik lang ako. Kinikimkim ko lang, pero bawat pag ulit mo sa mga masasakit na salitang binibitawan mo. Durog na durog ako. Para na kong sinasaksak patalikod. Na sa sobrang sakit, takot na akong magtiwala. Takot na akong magsalita. Kase naabuso nako. Kase nasaktan mo na ako.
Oo Wala kang pakialam. Oo wala kang pakialam pero hindi mo na kailangang ulit ulitin at sabihin dahil matagal ko ng ramdam. Matagal ko ng ramdam.
Pero teka nga? Ako ba talaga ang manhid? O ikaw na patuloy ang pananakit?
Sana magising ka sa katotohanan. Katotohanan na ang Mata ay isang sanhi ng pagkakasala. Na ang mata ang minsang nagiging dahilan kung bakit ka nagkakaroon ng kasalanan.
Oo sige, Sikat ka.
Oo sige, masaya kang kasama.
Oo sige, may mga kaibigan ka.
Oo sige, maswerte ka kasi sayo lahat ang tingin, oo ikaw na yung taong gustuhin, lingunin.
Pero hindi 'yun ang basehan.
Kundi sa iyong kalooban.
Oo sikat ka. Sa fb, sa twitter, sa instagram na marami kang followers at likes sa picture mo. Pero wala akong pakielam dahil ako? Sikat ako. Sikat ako sa puso ng panginoon ko.
Oo sige, masaya kang kasama.
Pero ako? Masaya kong kasama ang panginoon ko dito sa puso ko.
Oo sige, may mga kaibigan ka.
Pero ako? Sapat na sa akin ang iilan. Dahil hindi sukatan ang dami ng kaibigan dahil basta may totoo pwede ka ng makaranas ng kasiyahan.
Oo sige, maswerte ka na kasi sayo lahat ng tingin, ikaw na yung gustuhin at lingunin. Pero ako? Sapat na sa akin ang isang taong darating upang ipadama sa akin na mahalaga ako. Upang ipagtanggol ako sa bawat husga ng mundo, sa bawat pagtapak sa akin ng mapangmatang tao, sa bawat salita na nakasaksak sa likod ko sapat na ang isang tao. Dahil dun ko malalaman kung gaano ako kahalaga na hindi dapat ako hinuhusgahan gaya ng ginagawa ng iba.

- Rconpash :)

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon