Kulang ang salitang paalam, para umalis ka.
Kulang ang salitang Di na kita mahal, para bumitaw ka.
Kulang ang salitang pagod na ako, para umiwas ka. Nakakatawa. Kulang pa ba ang luha ko, Para bumalik ka?Ikaw nalang ata ang makakagamot sa puso kong ito. Ikaw nalang ata ang makakapag pabalik sa mga ngiti ko. Ikaw nalang, ikaw lang ang minahal ko ng ganito. at Ikaw lang, ikaw lang ang patuloy na mamahalin ko.
Pero, paano ko magagawa kung umiiwas ka, Paano ko magagawa kung Lumilisan ka, Paano ko magagawa kung ayaw mo na, At Paano ko pa magagawa kung ipinamumukha mo sa akin na mayroon ka ng Iba. Nakakatawa. Nakakatawa kasi kahit anong gawin mong pangloloko Minamahal pa din kita. kahit anong gawin mong paglayo, Sinusundan pa din kita. Pero bakit, Kahit anong gawin ko, wala lang ako sayo.
Hindi malilimot ng isipan ko ang pusong sinaktan mo. Hindi malilimot ng mga salitang binatawan mo dahil nakakapit ako sa pangako. Hindi Makakaya ng mga mata ko, ang bigat na luhang pinipigilan kong tumulo. Hindi ako makakakain ng pag ibig mo kung di ako naniniwala sayo.
Bakit ka lumayo. Bakit ka nangako. Bakit mo ko minahal. Bakit mo ako iniwan.
Sabi ko dati, tama na, pero umiyak ka.
Sabi ko dati, Ayoko na, Pero kumapit kapa.
Sabi ko dati mahal kita, Di ka naniwala.
Sabi ko dati di kita iiwan, Pero ikaw ang lumisan.
Pero sabi mo dati, ako lang ang mahal mo, Pero parang sumuko ka na sa sinabi mo.
Pero sabi mo dati, tayo hanggang dulo. Pero bakit nilimot mo ang matatamis na salitang ito.
Pero sabi mo dati, Walang iwanan. Pero bakit ganito, Nakakatawa. Kung sino pa ang nagsabing walang iwanan, siya pa ang nangiwan. Nakakatawa. Sinubok ko ang sarili ko Na pumasok sa isang katawa tawang pag ibig na inakala kong matatapos sa masasayang alaala. Pero mali ako. At nagsisi kung bakit ikaw ang minahal ko.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PuisiPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.