AKO NA ANG BIBITAW

550 5 0
                                    

Tapos na ba ang paglalaro?
O nasasarapan ka pang libangin ang sarili mo?
Tapos na ba ang kasinungalingan? O sadyang gustong gusto mo lang talaga akong saktan?
Pasensya na, Mali! Hindi talaga ako ang dapat humingi ng pasensya, IKAW.
Kaya sa ngayon ako na ang bibitaw.
Ako na ang bibitaw, Kase natuto na ako.
Natuto na akong mapagod sayo, mapagod sa patuloy na pananakit mo. Natuto na ako. Natuto na akong wag pahalagahan pa ang katulad mo. at Natuto na ako, Natutong tigilan ng mahalin ang tulad mo.

Pero Alam mo ba kung bakit nakapagtiis ako?
Kasi minahal kita ng totoo at NAPAKA TANGA KONG TAO.
Inisip ko, Napakatapang ko nga talaga. Kasi ginago mo ako.
Yung tipong naglalakad ako sa talim ng kutsilyo tapos hindi mo pinapansin ang mga tumutulong dugo.
Pero Alam mo yung katangahan?
Yung tipong nagbabangka ako sa daan habang pinagtatawanan tapos ikaw? WALANG PAKIELAM.
Nakakapagod ka.
Ako nalang ang bibitaw. Kesa pilitin ko pa ang sarili ko na sumigaw. Sumigaw sa sobrang sakit. Na sa bawat paglayo mo pilit padin akong lumalapit.
Na sa bawat pambabalewala mo pag kailangan mo ako nandito padin ako sa tabi mo.

Pero para sayo, at para sa puso nating unti unti nang naliligaw.
MAHAL, AKO NA ANG BIBITAW.

- Rconpash ❤

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon