Pasensya na. Iiwan muna kita.
Hindi pa kasi ako sigurado sa mga bagay bagay.
Pasensya na kung agad kong hinawakan ang iyong kamay.
Pasensya na. Iiwan muna kita.
Ayoko ng makita kang naiirita sa yakap ko. Na nasasakal ka na kahit di ko na hinihigpitan to.
Ayoko ng makita na unti unti kang nawawalan ng gana sa kamay ko kaya ako na ang magkukusang bitawan to.
Ayoko na. Ayoko ng makitang nag aantayan nalang tayo kaya ako na, ako na ang kusang lalayo.Walang kung ano mang salita ang nanggagaling sayo pero kitang kita ko sa kilos mo at sa iyong mata na Ayaw mo na.
Pero nakakapagtaka.
Diba dapat bumibitaw kana?
Pero bakit kumakapit kapa?
Kase naaawa ka.
Hindi. Wag mo kong isipin.
Hayaan mo na ang pag ibig natin ay kusa ko ng limutin at lisanin.
Eto na papalapit nako sayo.
Sasabihin ko na ang nararamdaman ko.
Pasensya na. Iiwan muna kita.
Pero teka nagpupumiglas ka.
Sabi mo ayaw mo.
Pero hindi, kita at ramdam kita.
Alam kong may kulang pa kaya pupunan ko muna.
Pupunan ko muna ang bawat salita. Na hindi dapat lahat puro lambing dahil mas maganda kung seryoso kaysa ikaw ay laging kiligin.
Pupunan ko muna ang bawat titig. Na hindi dapat lahat puro may ningning dahil mas maganda kung kumislap ng seryoso, kaysa maamo ang tingin.
Pupunan ko muna ang bawat patawad. Na hindi dapat laging mabilis, na isang yakap, isang halik lang maayos na ang lahat, yung parang walang nangyari at balik nanaman sa dati. Gusto ko ng spasyo, para mapagisipan kung lahat ba ng ito ay totoo.
Pupunan ko muna.
Para wala na ang pagkairita at wala ng kulang pa.
Ibabalanse ko hindi tulad ng ating simula.
Ang yakap, ang halik, ang lambing at ang kilig.
Pupunan ko muna.Tumahan ka, babalik ako.
Hindi pa ako masyadong buo.
Masyado tayong mabilis.
Ako muna. Ako muna ay aalis.
Ramdam ko kailangan mo ng oras at ng pag iisa kaya magpapaubaya nako.
Pasensya na. Iiwan muna kita.
Parehas pa tayong hindi buo.
Ipaghiwalay muna natin ang ating mundo.
Pero sana sa pagbabalik ko,
Mahal mo pa ko.
Pero kung ang dadatnan ko ay may iba kana,
Pasensya na. Hindi tayo para sa isa't isa.- Rconpash ❤
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.