DAHAN DAHANIN MO LANG

1.5K 12 3
                                    

Kung pipilitin mong ilabas ang sakit.
Kung pipilitin mong Ikawala ang lahat ng galit.
Kung magtatanong ka parasa kasagutang iyong Pinipilit.
Kung sasabihin mo ang lahat ng iyong hinanakit.
At Kung magmamahal ka para sa taong pilit ipinagkakait, Ang puso niyang maaaring umabot ang pag ibig hanggang sa langit.
Dahan dahanin mo lang ang lahat ng bagay.
Huwag mong ilabas ang daan daan mong sungay dahil lang sa iyong mga kaaway. Dahil lang sa galit na di mo na maitago. Dahil lang sa sakit na patuloy mong pinipigil pabalik sa puso mo dahil ayaw mong kumawala sa mga bagay na ito. Dahan dahanin mo lang. Paunti unti mong baguhin lahat ng iyong nakasanayan. Hayaan mo ang mga taong may inis at galit sayo, dahil di mo sila kaano ano, Dahil di nila alam ang iyong pag katao at ang lagi lang nilang nakikita ay ang mali mo. Dahan dahanin mo lang, ilabas ang iyong luha, Dahil maaaring maubos nalang sa isang iglap ng dahil sa kanila.
Dahan dahanin mo lang. Lahat lahat ng mga sinasabing mali tungkol sayo, ilabas mo lang huwag mong damdamin dahil hindi totoo yan. tanging ang lumikha lang ang nakakaalam at ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang tunay mong pagkatao't nakasanayan. Dahan dahanin mong ilabas ang lahat ng pait, pero huwag na huwag kang mag aalaga ng galit, dahil pag ibinuhos mo ang lahat, Ikaw ang talo, Ikaw ang kawawa, Ikaw ang mali, Ikaw ang masasawi. kayat dahan dahan lang. At ikaw ay tumahan sa iyong pag iyak. Ikaw ay gumayak at ayusin ang lahat lahat. Dahan dahanin mo lang. Sa lahat ng taong galit at naiinis sayo, Hayaan mo lang. Pigilan mo lang, at mag pasalamat ka nalang, At ipagdasal nalang ang lahat lahat. Dahan dahanin mo lang. dahil sa oras na ikaw ay masobrahan, Ikaw at ikaw ang uuwing luhaan.

- Rconpash ❤❤

Vote. Comment. Share. :)
Thanks! 😘😘

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon