CHAPTER 1

150 4 0
                                    

"ANO? Diretso na tayo sa bar?" tanong ni Shin pagkarating namin sa parking lot ng mall kung saan nakaparada ang mga kotse namin.


Napatingin ako sa kanya. Gagong 'to, parang wala lang sa nangyari kanina. Noong nasa loob pa kasi kami ay may nakatapon ng pagkain sa kanya. Natulak at nasigawan niya ang babaeng nakatapon kahit nakita niya namang tinisod lang ito ng isa sa apat na babae na nagpapapansin sa amin. Huli na nang ma-guilty si Shin dahil mabilis na tumakbo paalis ang biktimang babae. Dahil sa inis ni Shin ay binuhosan niya ng coke floats ang mga salarin. Hindi ko siya masisisi sa ginawa niya kasi pinairal ng mga babaeng 'yon ang kabobohan nila. Magpapapansin na nga lang, maling paraan pa!

"Sige," sang-ayon ni Yong.

"Pass muna ako. May importanteng lakad akong pupuntahan," sabi naman ni Takuya.

"Tsk! Aminin mo nalang na aakyat ka na naman ng ligaw kay Mica," nakangising tudyo ko sa kanya. Nag-iwas naman ng tingin ang loko dahil nabuking ko. Napatawa nalang kami nina Shin at Yong.

"Tayo naー" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may tumawag sa cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nanlaki ang mga matang napatingin ako sa mga kaibigan ko.

"Patay. Si Dad."

Napangisi ang mga gago ng makita ang takot sa mukha ko. Ibinalik ko ulit ang atensyon sa cellphone ko at napalunok muna bago sinagot ang tawag.

"Dad?"

"Where are you?! Bakit wala ka sa kompanya?!" pasigaw na tanong niya sa kabilang linya. Nailayo ko agad ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Nakalunok yata ng megaphone itong amerkanong hilaw na tatay ko.

"I-I'm with my friends. Nag-aya silang kumain."

Napatingin ulit ako sa mga kaibigan ko. Seryosong nakikinig lang si Yong. Takuya is silently laughing while clutching his abdomen. Habang namumula naman si Shin na nakatikom ang bibig dahil sa pagpipigil ng tawa. Tss. Mga lokong 'to!

"Come home. ASAP. I have an important matter to discuss with you."

"Got it, Dad." I immediately ended the call and exhaled deeply.

"HAHAHAHA!" Humagalpak agad ng tawa si Shin at Takuya. I gave them a death glare to shut them up. Pero hindi umipekto na mas ikinatawa pa lalo nila. Nakangiting napailing naman si Yong sa panunudyo ng dalawa sa akin.

Sa aming apat, ako lang ang takot sa ama. In good terms si Yong sa Dad niya dahil pareho silang may 'easy to deal vibe' na personality. Ang dalawang gago naman, sinasagot-sagot lang ang mga ama nila. Hindi naman kasi nakakatakot ang itsura ng mga Daddy nila. Kahit galit, maputi pa rin ang aura, mukhang may hallo pa sa ulo. Not like my Dad, na tingin palang, parang pinupugotan ka na ng ulo.

"I need to go. Hindi na ako makakasama sa inyo." Tango lang ang sagot nila at agad na kaming nagsipasukan sa kanya-kanyang kotse.

...

"Magandang hapon, Sir Casper." bati sa akin ng mayordoma namin pagkapasok ko sa mansion. Fifty-five years old na si Nay Merna at halos thirty-five years na siyang naninilbihan sa amin.

"Hi, Nay! Where's Dad?"

"Nasa library siya. Doon ka na daw dumeritso."

"Sige po. Thanks."

Napaisip ako habang papunta sa library ng ama ko. Wala akong naaalala na may problema sa pamamahala ko bilang Finance and Administration Manager ng kompanya. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Wala akong ideya kung anong sermon na naman ang matatanggap ko ngayon.

"Sit."

Hindi ko pa nga siya nababati ay inutosan na agad ako. Tsk. Anak ka nga ng ina mo! Hitler the second.

"What's the matter?" I asked him while following his order. Umupo ako sa upoan na nasa harap ng table niya. Napatingin ako sa tila sundalong heneral na ekspresyon niya at sa maaliwalas na medyo seryosong mukha ng ina ko na nakatayo sa tabi niya.

Kapag ganito ang atmospera ng paligid, na para bang walang hangin, siguradong may maririnig akong hindi maganda. Pero sana magkahimala at maganda ang balitang lalabas sa bibig ng aking ama.

"You're getting married."

What? Tama ba ang pagkakarinig ko?

Mukhang wala na talaga akong pag-asang mamuhay ng tahimik at matiwasay. Ikakasal daw ako? Ha-ha! Magaling.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon