CHAPTER 36

38 3 2
                                    

NAKATULOG ako ng may sama ng loob. Hindi ko alam kung saan natulog si Casper, kung sa tabi ko ba o bumaba siya sa may sala. Tinalikuran ko agad siya pagkatapos ng sinabi niya kagabi. Hindi na umimik at pinikit nalang ang mga mata.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa kaluskos. Nang mapatingin ako sa may cabinet ay nagtama ang mga mata namin ni Casper. Kasalukuyan siyang nagbibihis, nasa may ulo pa ang t-shirt. Napatitig tuloy ako sa katawan niya bago pa niya naibaba ang sinusuot na puting t-shirt.

"Good morning," walang kagana-ganang bati niya. Napaiwas agad ako ng tingin. Hindi na maganda ang pagtulog ko, masama pa ang paggising ko.

"Morning..." mahinang sagot ko at bumaba na sa kama. Kumuha ako ng tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo. Hindi ko na siya nilingon pa. Bahala siya. Hindi lang siya ang marunong makipaglamigan.

Wala na si Casper sa kwarto paglabas ko. Nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa rin mawala-wala sa sistema ko ang bigat ng pakiramdam dahil sa napag-usapan namin kagabi.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako papuntang kusina. Alas onse kami nakakain ng agahan kanina, pananghalian na rin namin iyon. Kaya siguro nakaramdam ako ng gutom pagkagising ko. Alas singko na ngayon ng hapon, napatagal ang pagtulog ko dahil sa pagod.

May nakahain ng pagkain sa lamesa pagdating ko. Naabutan ko si Casper na naglalagay ng kubyertos sa dalawang plato. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa.

"Let's eat," aya niya nang makita ako.

Tumango lang ako bilang sagot. Umupo na siya sa pwesto niya at ganun rin ako sa katapat niyang upoan. Tahimik lang kami habang kumakain. Kahit gaano kasarap ang luto niya, hindi ko magawang e-enjoy ito. I still feel cold and numb.

"Babalik na ako sa trabaho bukas. Ikaw?" basag ni Casper sa katahimikan namin. Napatingin ako sa kanya ng may kunot sa noo. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Anong gagawin mo habang wala ako? May trabaho ka rin ba bukas?" dagdag niya. Tumingin siya sa akin. Nang makitang nakatingin ako ay agad siyang yumuko ulit at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hmn... Pupuntahan ko si Greg," medyo napataas ang kilay na sagot ko.

"Why?" mabilis na tanong niya. He looked at me seriously. Napatigil sa pagnguya ang nakatikom niyang bibig. Agad ko namang iniwas ang tingin mula sa mga labi niya.

"I'll ask him about my schedule."

"Bakit hindi mo nalang tawagan?"

I looked at him again. Mariing nakatitig naman siya sa akin. Naghihintay sa sagot ko.

"Sa personal nalang kami mag-uusap. Wala rin naman akong gagawin dito."

Ang totoo ay wala kaming usapan ni Greg. Ngayon ko lang naisip ang pinagsasabi ko. Kaya kailangan ko pang sabihin sa kaibigan ang plano ko bukas.

"Saan kayo magkikita? Sa condo niya? "

Napaayos ako ng upo dahil sa tono ng boses niya. He sounds so cold and irritated. Parang nagbabanta ang boses niya. Anong ibig sabihin ng kilos niyang ito? Patibong na paasa na naman?

"Siguro... Doon naman talaga kami lage tumatambay kapag wala akong shoot."

"Ng kayong dalawa lang?!" He suddenly raised his voice. Napalunok ako at uminom ng tubig. Chill, Cassy. Hindi dapat ako magpadala.

"Oo. Bakit?" seryosong sagot ko. I faced him. Sinalubong ko ang matalim niyang tingin. Bakit ang init ng ulo niya? Kinakausap ko naman siya ng maayos! Hindi ko naman siya inaaway! He should stop treating me this way! Sariwa pa sa isip ko ang katotohanang wala naman talaga siyang romantic feelings sa akin.

He turned his gaze away from me. Marahan niyang tinulak ang plato niya at uminom rin ng tubig bago ako sinagot.

"Anong oras ka aalis?" he asked again. Balik sa walang gana ang tono ng boses niya. Parang walang pakialam pero ang dami niyang tanong. Nakakairita. Naiisip ko na namang affected siya, that he's jealous with Greg. Umasa na naman ako. Kahit alam kong iniisip niya lang ang reputasyon niya kung sakaling may makaalam na nasa condo ng ibang lalaki ang asawa niya.

"Pagkaalis mo sa trabaho. Susunod ako," I answered him.

"Sabay na tayo. Ihahatid kita." Tumayo na siya at nagsimulang ilagay sa sink ang pinagkaininan namin. Tumayo na rin ako at tinulongan siya.

"Hindi na kailangan. Magpapahatid nalang ako sa driver ng parents ko."

"Ako ang masusunod. End of discussion." Padabog niyang kinuha ang hawak kong baso. "Doon ka na sa sala. Ako na ang maghuhugas nito."

His broad back shoulders covered my view. Nagsimula na siyang maghugas habang nanatili akong nakatayo sa likuran niya. Napairap nalang ako at agad siyang tinalikuran.

Hindi ko sinunod ang sinabi niyang sa sala ako. Dumiretso ako sa kwarto namin para tawagan si Greg. I need to immediately inform him my plan, para makapagahanda siya.

"Hello?" baritong boses na sagot ng kabilang linya.

"Greg! Punta ako sa condo mo bukas. Usap tayo," diretsang sabi ko.

"Why? Wala kang schedule. You filed a month leave, right?" nagtatakang tanong ng kaibigan slash manager ko.

"Hindi ko ba pwedeng bisitahin ang bestfriend ko?" I slightly giggled. "Stop asking. Basta 'wag kang aalis sa condo mo bukas!"

"Fine, Cassy!" himutok ng kaibigan ko. I could imagine him rolling his eyes.

"Thank you, Greg! See you. Love lots!"

Ibinaba ko na ang tawag, saktong pagpasok naman ni Casper sa kwarto namin. Nagulat ako. Ang bilis niya namang maghugas ng plato. O sadyang natagalan lang ako sa pagtingin sa salamin pagbalik ko dito?

"Simula ngayon, dito sa kwarto na ako matutulog."

Hindi ako makapaniwala sa narinig mula kay Casper. Dito na siya matutulog? Sa tabi ko? Bakit? Why did he changed his mind? Hindi ako nakaimik at nanatiling nakatitig sa kanya. Natauhan lang nang makitang ngumisi siya.

"Don't worry. It won't happen again. I don't repeat the same mistake."

Tikom ang bibig na napaiwas ako ng tingin. Biglang may bumara sa bibig ko. Sumikip ang dibdib ko. What he just said was so painful to hear. Pabagsak na hinila niya ang kompyansa ko sa sarili.

Humiga na siya sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon ulit. Kinuha ko nalang ang camera ko para abalahin ang sarili. Para mapigil ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Mabilis siyang nakatulog. Marahil ay hindi siya nakatulog kanina. Ewan. Hindi ko alam. At wala na akong pakialam. Mas abala akong aliwin ang sarili para mabawasan ang bigat ng damdamin ko. Hanggang sa mapagod at dinalaw ulit ng antok. Patalikod akong humiga sa tabi niya.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon