CHAPTER 10

43 1 0
                                    

NASA opisina ako ngayon, kaharap ang aking ama. Bigla siyang dumating dito nang nakangiti. Ang weird tuloy ng mukha niya, mukha siyang bagong bindita. Kulang nalang ay makita ko ang white aura niya para masiguro kong good mood nga talaga siya.

"Are you comfortable with your new house?"

Napakurap ako pagkarinig ko sa mahinahon niyang boses. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sobrang bait talaga ng tatay kong hilaw ngayon. Ito ba ang kapalit ng habang buhay na pagdudusa at pag-baby-sit ko sa kamay ng isip-batang napangasawa ko?

"Y-Yes, Dad."

"How about, Cassy?"

"She likes it too."

"Good to hear that."

Anak ngー Ngumiti siya! Ngiting kita ang gilagid! Himala ba 'to? Hindi naman kami artista para magkaroon ng hidden camera, 'diba? Nakakakilabot namang isipin kung naisip ni Dad na e-prank ako. Teykaー Baka binibibiyaan ako dahil sa hindi ako nagsasayang ng pagkain? Tama! Hindi nga pala ako nag-aaksaya ng grasya kaya siguro siniswerte ako ngayon.

"By the way, where is your wife? I thought you brought her here."

"May nakitang kakilala sa baba kaya nauna na po ako dito."

"Why didn't you wait for her?"

"Dad, hindi na 'yon mawawala kaya okay lang. At isa pa, alam mo na, oras ng trabaho, dapat on time," I jokingly said. Malakas ang loob ko kasi good mood ngayon ang Tatay kong hilaw.

"Kailan ba magkakaroon ng pakiramdam ang batang 'to? Mukhang puro pagkain nalang yata ang nasa utak," bulong niya.


Ano daw? May pabulong-bulong pa siyang nalalaman ngayon. Wow, this is great! Is change coming?

"Dad? What did you whisper? I didn't hear you."

"I just said okay, Son."

Galing. Hindi naman masyadong halata na nagsinungaling siya. Sa taas ng orasyon niya, 'okay lang' ang ibig niyang sabihin? Tss. Bakit ba kasi 'pagkain' lang ang narinig ko? Kapag nagtatagalog talaga si Dad, parang nilalamon niya ang mga salita. Hindi ko tuloy siya maintindihan.


"So?"

Napatingin ulit ako sa kanya. Seryoso na ang expression niya. Ehemn! Mukhang malalimang usapan ito.

"So..."

"What can you say about your wife?" He gave me a playful grin. Fudge bar! First in the history ito.

But then, I sighed after hearing what he just said. "It's good that you asked me that, because I really wanted to know where kindergarten did you get her?"

"K-Kindergarten?! What the heck are you saying, Young Man?!" biglang taas ng boses niya.

Oh no! Nasira ko yata ang mood niya. Retreat na ba?

"Dad, chill. 'Di ko kasi ini-expect ang ugali ng babaeng inutos mo sa akin na pakasalan ko."

"And what's your point?!"

"You and Mom told me that she is a good catch. And I expected so much. I thought that she's so sophisticated, educated and hot."

"As in mainit?" nagugulohan niyang tanong.

Aba! Humihina rin pala ang sense of humor ng tao kapag nagkakaedad na. Painosente pa 'tong si Daddy, eh.

"I mean, she will looks like a beauty queen or something? A mature woman, maybe? Parang ganun."

Naningkit ang mga mata niya kahit hindi siya Chinese. Nagdududang tinitigan niya ako.

"Iyon ang tipo mong babae?" slang na tagalog niya.

Napaisip naman ako. Iyon ba talaga ang tipo ko? Ewan, hindi ko alam. Malay ko ba.

"Yeah?" I answered. Huminga siya ng malalim at biglang tumayo.

"You idiot! Ano palang tingin mo kay Cassy?!"

"Isip-bata."

"T-That's it?"

"Yup."

Ngumisi pa ako habang hindi ko naman alam kung natuka ba ng ahas si Daddy dahil nanigas siya sa kinauupoan niya. Hindi niya siguro inaasahan na iyon ang mga sasabihin ko.

"HANGIN! Puro ka hangin! ANG YABANG MO! Akala mo kung sinong gwapo! At FYI, MAS ISIP-BATA KA! Patay gutom ka pa! Amerikanong 'di marunong mag-english! PURO PAGKAIN LANG NAMAN ANG LAMAN NG UTAK AT KATAWAN MO! Bahala ka na sa buhay mo! Feelingero!"

Mabilis akong napalingon sa may pintuan na siyang kinaruruonan ni Cassy. Namumula ang mukha sa galit at napakatalim ng tingin niya sa akin. Pagkatapos ay padabog siyang umalis.

Naramdaman ko naman ang mahinang pagsuntok ni Dad sa balikat ko.

"Patay kang bata ka. Go and chase her."

I frowned. "Why would I? Totoo naman ang sinabi ko, ah? Isa pa, nilait niya rin ako, Dad. Mas madami pa nga!"

"CASPER! You will chase her or papatanuyan mong pagkain nga lang ang laman ng utak mo?!"

Napaatras ako sa lakas ng boses ng ama ko. Nakaka-intimidate talaga siya. Grr.

"Sabi ko nga, susundan na."

I hurriedly ran outside the office and started finding Cassy. Pero parang kabayo sa bilis na nakalayo ang isip-batang 'yon. Hindi ko na siya naabutan.

"Guard? Nakalabas na ba si Cassy?"

"Iyong babaeng kasama niyo po kanina?"

"Oo."

"Ay opo! Mabilis po siyang pumara ng taxi na agad ring umalis. Umiiyak pa nga po si Ma'am, eh. Nag-away po kayo?"

Psh. Tsismoso!

"Thanks."

Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Wala akong panahong makipag-usap sa kanya. Agad na akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Sana hindi suicidal iyon! Konsensya ko pa kung may mangyaring masama sa kanya.

"Tss. Nakakairita talaga ang babaeng 'yon!"

Nasa kahabaan na ako ng daan nang tumawag si Dad. Sinagot ko iyon at isinuot ang earpad ko.

"Dad?"

"Anak, mommy mo 'to."

"Yes, Mom?"

"Umuwi si Cassy sa bahay niyo. She called her parents. Mauna ka na doon. Susunod kami ng Dad mo. Okay?"

"Noted, Mom. Thank you."

"Welcome, Son. Drive safely. Bye."

Mango-float! Leche-flan! She called her parents? Dahil lang sa sinabi ko? Ang drama ng babaeng 'yon! Kainis! Ngayon kailangan ko pang harapin ang parents niya.

"Tang na juice! Kinakabahan ako. Paano ba ako magpapaliwanag? Eh, nagsasabi lang naman ako ng totoo!"

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon