KARARATING ko lang sa opisina nang tumawag ang isa sa mga kaibigan ko. Inilipag ko ang dala kong attache case sa lamesa at umupo sa aking swivel chair.
“Takuya. What’s up?” bati ko.
“Meet-up in Zyra’s parents place. ASAP.”
“What?! W-Why?” kunot-noo kong tanong.
Nagtataka ako sa bilis at seryosong pagsasalita niya. Knowing him, he normally tell us everything, even the most unnecessary things, kahit hindi naman siya tinatanong. At isa pa, nasambit niya ang pangalan ng nag-iisang babae na kaibigan namin na namatay two years ago. Sa pagkakatanda ko, hindi naman birthday or death anniversary ni Zyra ngayon.
“Our princess is alive,” he shortly explained and hanged up the phone.
I froze in my seat. What I just heard left me dumbfounded. Paano siya nabuhay? Sino ang pinagluksaan at inilibing namin noon?
Napailing ako para maalis lahat ng katanungan sa isip ko. Mabilis pa sa unos na tumayo ako, kinuha ang cellphone, wallet, susi ng kotse at agad na umalis. Kung totoo man na buhay talaga ang kaibigan namin… gusto ko na siyang makita!
…
ISANG ARAW akong nawala nang hindi nagpaalam kay Cassy. Bumyahe kasi kami kahapon ng mga kaibigan ko, kasama ang parents ni Zyra papuntang probinsya kung saan siya nakita ni Zac, ng boyfriend niya. Kaninang umaga lang kami nakauwi at dahil ayokong ma-late, dumiretso na ako sa opisina. May spare na damit naman ako lage doon na magagamit ko kung sakaling may biglaang business trip akong pupuntahan.
Ang pinag-alala ko ngayon ay ang hagupit ni Bagyong Cassy. Dahan-dahan kong inikot ang siradura ng pinto ng bahay namin at maingat na pumasok. Kahit naman kasi ilang araw na kaming nagkasama, wala pa rin akong cellphone number niya kaya hindi ko siya natawagan o na-text man lang na hindi ako makakauwi. Hindi naman pwedeng humingi ako ng number niya sa parents namin dahil siguradong malilintikan ako.
Nakahinga ako ng maluwag nang walang Cassy na sumalubong sa akin. Patay lahat ng ilaw sa sala at kusina. Tahimik rin ang paligid. Napangisi ako at inihigas ang dalang attache case sa mini table malapit sa sofa at dumiretso sa kusina.
“Tulog na yata ang babaeng ‘yon. Mas maiging bukas ko na maririnig ang talak niya,” kausap ko sa sarili habang nagsasalin ng tubig sa baso at ininom ito.
Tapos na akong kumain dahil may dinner meeting ako sa isang kliyente ng kompanya bago umuwi dito. Napahikab ako sa pagod. Marami kasi akong inasikaso kanina dahil sa absent ko kahapon.
Inaalis ko ang necktie ko habang paakyat papuntang kwarto namin para magbihis. Tulog mantika ang babaeng iyon kaya walang problema. Humihilik pa siya lage kapag nagbibihis ako sa umaga para pumunta sa opisina at sa pag-uwi ko sa gabi.
Pero nagtaka ako ng wala ring ilaw sa loob ng kwarto. Ayon sa naobserbahan ko, laging naka-on ang lamp shade niya kapag natutulog siya. Kaya bakit madilim? I switched on the light and saw an empty bed.
“Cassy?” Lumapit ako sa banyo at kinatok ang pinto.
“Nasa loob ka ba?” tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot.
“Wala pala siya dito. Nasaang planeta naman kaya naglakwatsa ang babaeng iyon?”
Napaisip ako. Mukhang umalis rin siya. Kung gano’n naman pala ay wala akong dapat na ipag-alala. Quits lang kami. Napangisi ako at agad na nagbihis. Pagkatapos ay kumuha ako ng unan at kumot, bumaba papuntang sala at humiga sa sofa kung saan ang higaan ko. Si Cassy lang ang natutulog sa kwarto. Pero nandoon pa rin lahat ng gamit ko. Dahil kung sakaling may sudden inspection, hindi kami mabubuko.
…
Hindi umuwi si Cassy kagabi. Dalawang oras yata akong naghintay sa pagdating niya hanggang sa tuloyan akong nakatulog. Wala pa rin siya pagkagising ko at hanggang sa nakaalis ako papuntang trabaho.
Nakarating ako sa opisina at nagtrabaho na si Cassy pa rin ang nasa isip ko. Kinakabahan kasi ako. Hindi kaya… nagsumbong na naman ang isip-batang iyon at umuwi sa kanila? Pero… wala naman akong natanggap na sermon mula kay Dad. Tang na juice! Nasaan ba kasi ang babaeng iyon? Nananadya ba siya?
Kung galit siya dahil hindi ako nakapagpaalam, dapat ay hindi siya umalis at hinintay nalang ang pagdating ko. Tatanggapin ko naman ang suntok at sipa niya kung sakali. Dahil alam kong mali ang nagawa ko. Handa naman akong magpaliwanag at humingi ng tawad.
“Waw. Isang daang palapak naman diyan.”
“S-Sir?” gulat na tanong ng isang manager na nasa harap ng conference room na kasalukuyang nagre-report. At dahil wala ako sa sarili, nasabi ko yata ng malakas ang dapat sana ay nasa isip ko lang.
Napatingin ako sa presentation niya at nakitang wala namang dapat na ikapalakpak doon. Lihim akong napamura. Humanda ang Cassy na ‘yon. Lintik lang ang walang ganti. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niyang panggugulo sa isip ko!
“N-Nevermind. Please continue.”
…
“Wala pa rin siya. Gumaganti yata ang babaeng ‘yon. Lintik nga.”
Napahinga ako ng malalim at padabog na itinapon sa lagayan ng labahin ang polo na hinubad ko. Nasa bahay na ako at wala pa rin akong Cassy na nadatnan.
Nababahala na ako sa pagkawala niya. Hindi dahil sa nag-aalala ako sa babaeng ‘yon! Problema kasi kapag biglang bumisita dito ang mga magulang namin at madatnan nilang wala siya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Dahil wala akong alam kung nasaang lupalop siya naruroon!
Ang swerte naman niya kung hahanapin ko pa siya! Sino ba siya? Oo, asawa ko! Pero sa papel lang. No feeling attached! Eh, hindi nga kami magkaibigan. Tsk. Kainis na talaga ang babaeng ‘yon.
Pagkatapos kong magbihis ay padabog ako bumaba papuntang kusina, nasa magkabilang bulsa ng jogging pants na suot ang dalawang kamay, habang may nalulukot na mukha. Hawak-hawak ng isang kamay ko ang cellphone ko na wala namang naitutulong para malaman ko kung nasaan ang mahilig sa pikachu na babaengー
Napaigtad ako dahil sa biglang pagtunog ng phone ko. Tiningnan ko ito at nakitang hindi naka-register ang number na tumatawag sa akin. Si Cassy na ba ‘to? Nanlaki ang mga mata ko at mabilis itong sinagot.
“Hello?”
“Hello? Is this Casper Smith?” tanong ng isang lalaki sa kabilang linya.
Napakunot-noo ako. Hindi naman pala si Cassy.
“Yes, speaking. Who’s this?”
“Ah, sorry. I’m Greg, Cassy’s friend. Kasama ko siya ngayon. She’s very drunk. Can you pick her up?”
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...