LIMANG ARAW na ang lumipas na sa guestroom ako natutulog. Inilipat ko na doon ang mga gamit ko dahil maaga akong gumigising para magtrabaho at ayokong maistorbo ang tulog ni Cassy kung sa kwarto koー namin pa ako maliligo at magbibihis.
Hindi ko na siya nakakasabay sa pagkain ng agahan sa mga araw na iyon dahil lage akong nagmamadaling umalis dahil ayokong maabutan ng traffic. Sa gabi naman ay matagal akong nakakauwi dahil sa dami ng trabaho kaya tulog na siya pagkarating ko.
Hindi ko nahingi ang cellphone number niya kaya hindi na talaga kami nakapag-usap ulit. Bakit ko nga naman pala hihingin ang number niya? At pakialam ko ba kung hindi ko na siya nakakausap?
Kung sakaling ibigay niya naman sa akin ang number niya, tatawag ba ako para makausap siya? Ano namang dahilan ko? Ano namang sasabihin ko? Mangungumusta lang? Magtatanong kung anong ginagawa niya kapag wala ako sa bahay? At bakit ko naman gagawin iyon?
Dahil asawa ko siya?
Naputol ang pagmumuni ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang nakarehistrong pangalan ng caller at nalaman kong... ang Daddy ko ang tumatawag. Huminga muna ako ng malalim, tumikhim bago pinindot ang accept button.
"Dad?"
"Where are you?" seryosong tanong niya sa kabilang linya. Boses palang ng ama ko nakakapanindig balahibo na talaga.
"Bahay. Kagigising lang."
"How about Cassy?"
"Ha? Ahー tulog pa. Why?" Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga. Hindi maganda ang pakiramdam ko...
"We're on our way home. Wake her up and we'll have breakfast together."
What theー
Malutong akong napamura ng paulit-ulit sa isip at parang hinahabol na bumaba sa kama at isinuot ang tsinelas ko.
"Okay, Dad. Maghihintay kami," mabilis kong sabi at agad tinapos ang tawag bago pa siya makasagot.
Patakbo akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Cassy. Malakas na kinatok ko ang pinto para gisingin siya.
"Cassy! Cassy!" nagmamadaling sigaw ko. Walang sumagot.
"Cassy? Wake up!" tawag ko ulit pero kahit kaluskos mula sa loob ay wala pa rin.
"Goodness! Open this fucking door, Cassy!" May kasamang tadyak na ang pagkatok ko dahil sa inis. Ang lakas na ng sigaw at katok ko pero tulog mantika yata ang babaeng 'to.
"GUMISING KA NA, CASSY! HUWAG MONG HINTAYING SUNOGIN KITA NG BUHAY DIYAN!"
Binuhos ko na buong lakas ko sa pagsigaw ko ng mga katagang iyon para lang magising na siya. Hindi kami pwedeng maabutan ng parents ko. Siguradong pugot ang ulo ko kapag nalaman ng Dad ko na hindi kami magkatabing matulog. Paniguradong iisipin niyang nagrerebelde na ako dahil hindi ko sinusunod ang gusto niya.
"Ano ba?!" Padabog na bukas niya ng pinto. "Ang ingay-ingay! What's your problem?!" balik sigaw niya sa akin.
Papikit-pikit pa siyang humarap sa akin. Nakasuot siya ng pink na pajama. Magulo ang buhok. Pero mukhang napakalambot ng maala-gatas sa puti na mukha niya.
Mabilis akong napailing upang matigil ang pagkatulala ko sa kanya.
"Pauwi na sila Daddy. Pakiayos ng mga gamit mo, ibabalik ko na diyan ang mga gamit ko."
"Ha?" maang niya.
"Malapit na sila, goodness gracious! Bilis na!"
Iniwan ko na siya at agad bumalik sa guestroom na tinutulogan ko. Inisang hakot ko na ang mga gamit ko habang pasigaw na pinaalam sa kusinera na maghanda ng agahan. Pinaayos ko rin sa mayordoma namin ang guestroom para hindi mahalata nila Daddy kung sakaling mag-inspection sila. Dakilang imbestigador ang mga iyon kaya nga siguro iwas na iwas akong ma-link sa mga babae dahil mabilis nilang nalalaman ang mga aktibidad ko.
"Ihahanger ko ba lahat ng 'to?" turo ni Cassy sa mga polo at business suit ko habang nilalagay ko naman sa banyo ang mga panligong gamit ko.
"Yes, please," sagot ko habang inaayos ang paglagay ng toothbrush ko sa tabi ng toothbrush niya. Agad niya namang sinunod ang sinabi ko.
Nasa iisang closet ang mga dresses niya at corporate suit ko. Nasa kabilang cabinet rin ang mga pambahay namin kasama ang mga underwears.
Natatawang tinitingnan ko ang pabato niyang paglagay sa mga briefs at boxers ko habang hindi maipinta ang itsura niya. Hindi ko naman sinabi sa kanyang isali niya iyon. Kusa siyang tumulong sa pag-ayos ng mga gamit ko. Marahil ay ayaw niya ring mabuko kami at malaman din ng parents niya.
"May iba pa tayong dapat gawin?" biglang taas niya ng ulo at nag-abot ang mga mata namin.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maiwaksi ang paningin ko mula sa kanya. Ganoon din siya. Our eyes locked, digging to see each other's souls. Napaawang ang labi niya kaya marahan akong napakurap.
"Where are they?"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang marinig ko ang boses ni Dad. Nandito na sila at saktong naayos na ang kwarto namin.
Mahina akong napatikhim. Tinungo ang pinto bago nilingon si Cassy.
"Take a bath first. Sumunod ka nalang. Ako na ang bahalang magpaalam sa kanila."
"O-Okay."
Binuksan ko na ang pinto at tuloyan ng lumabas. Napabuga ako ng malalim na hininga at napahawak sa aking dibdib. Parang nawalan ng hangin sa kwarto kanina. Nahirapan akong huminga. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa kaba na baka maabutan kami o dahil… sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ng matitigan ko si Cassy sa mga mata.
Napailing ako at ipinokus ang sarili sa pagdating ng mga magulang ko. Pagkababa ko ay bumugad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina at seryosong mukha ng aking ama.
"Dad, Mom, welcome back." Yumakap ako kay Mommy at mahinang tinapik naman ako sa likod ni Daddy.
"Where is your wife?"
"Pinaligo ko na muna, Dad. Kaya mauna na tayo sa kusina," walang pag-alinlangang sagot ko. Pero makahulogan yata ang pagkakaintindi nila dahil napa-smirk ang Dad ko at tinapik na naman ako sa likod. Mahinang napatawa naman si Mommy.
"No, no. Mali kayo ng iniisip," iling ko pero nagmumukha akong defensive kaya napahawak ako sa batok.
"It's okay, Son. Normal lang naman iyon sa mag-asawa," tudyo ni Mommy na ikinainit ng mukha ko. Mas lalo tuloy na nagmumukhang tama ang iniisip nila.
Magpapaliwanag pa ulit sana ako nang marealize kong mas mabuting iyon ang iniisip nila. Sadyang… ang awkward lang. Na-imagine ko kasi.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...