CHAPTER 6

45 2 0
                                    

HINDI KO na kinausap si Cassy pagkatapos kong binigay sa kanya ang charger na hinihiram niya at buong maghapon akong natulog sa isang guestroomー hindi sa kwarto ko… namin. Gabi na ng magising ako dahil sa gutom at tulog na siya kaya hindi na ulit kami nakapag-usap. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin, sadyang routine ko na talaga ang matulog sa tuwing wala akong trabaho o 'di kaya'y wala kaming usapan ng mga kaibigan ko na magkita.

Medyo nag-aalala ako na baka na-offend siya at isumbong niya ako sa mala-Hitler kong ama. Kaya naisipan kong hindi muna pupunta sa opisina at samahan nalang si Cassy dito sa bahay bukas.

...

Maaga akong nagising at naabutan ko ang kusinera naming nagluluto ng agahan. Amoy na amoy ko ang bango ng piniprito niyang itlog at ham. Umupo ako sa harap ng lamesa na may nakahandang slice bread na may laman na pinaghalong mayonnaise at ketchup, fresh lettuce, at cheese.

"Hindi pa ba gising si Cassy?" tanong ko sa kakapasok na mayordoma namin.

"Kagigising lang po. Maliligo na muna daw siya bago kakain ng agahan."

"Hmn... May proper hygiene," patango-tangong saad ko sabay buga ng hangin sa kamay ko at singhot ng sarili kong hininga. Hindi naman bad breath kaya napangisi ko. "Pakisabi nalang po na nauna na akong kumain. Siguradong lalamig na ang pagkain bago siya matapos."

"Sige po," sagot ng mayordoma at mabilis na umalis.

"May carrots pa ba?" tanong ko sa kusinera namin na kasalukuyang hinahain ang mga naluto niya.

"Opo. Gusto niyo bang dagdagan ng carrots ang sandwich?"

"No. I wanted to make carrot shake." Tumayo ako at binuksan ang refrigerator. "Good. They look fresh."

"Ah, ako na po, Sir," pigil niya sa pagkuha ko ng mga carrots.

"Okay lang, Aling Fe. Ako na ang bahala dito. Wala naman sila Daddy kaya hindi niya ako mapapagalitan sa pangingialam ko sa pagluluto niyo," nakangiting sagot ko sa kanya at mahina siya tinulak papunta sa ginagawa niyang dagdag na sandwich.

"Oo na! Ikaw talagang bata ka," natatawang suko ng ginang.

Binalatan ko ang apat na carrots, hiniwa, hinugasan at iniligay sa blender. Dinagdagan ko muna ito ng freshmilk at honey bago sinimulang e-blend.


Nakaubos na ako ng tatlong sandwich at kasalukuyang umiinom ng carrot shake pero wala pa ring dumating na Cassy. Akala ko maabutan niya pa ako pero tama nga ang sinabi kong lalamig na ang pagkain bago siya matapos.

Pumunta nalang ako sa kwarto koー namin para pagsabihan siyang kumain na dahil gusto ko na ring maligo. Hindi ko ito magagawa kung hindi siya lalabas sa kwarto kung saan naruruon ang mga gamit ko. Kakatok na sana ako sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwa doon ang bagong ligo na si Cassy.

She looks clean and soft wearing a yellow jumpershort. Mas lalo siyang lumiit sa paningin ko. Na para bang ang sarap niyang kargahin at iduyan.

Napa-chuckle ako sa huling naisip.

"Ang saya mo yata?" nakaismid na bati niya. Nanggigil tuloy ako at piningot ang dalawang pisngi niya.

"Bilib ako sa paraan mo ng pagbati ng good morning."

"Araaay!" waksi niya sa kamay ko. "Feeling close ka rin 'no?" she dissed me again.

"Tsk. Kain ka na do'n." Ginulo ko muna ang buhok niya bago ko siya mahinang tinulak palabas at agad sinarhan ng pinto. Narinig ko ang padabog niyang pag-alis kaya natatawang kumuha ako ng towel at mabilis na pumasok sa banyo.

What was that, Casper?

...

"Ang takaw-takaw mo talaga! Kakakain mo lang ng pizza kanina, ngayon ay macaroni salad naman?"

"Pakialam mo ba?" Walang ganang sagot ko kay Cassy habang sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.

Pagkatapos niyang kumain ng agahan kanina at inaya niya akong mag-movie marathon ng 'Narnia' na pinaunlakan ko naman. Nag-order kami ng dalawang box ng pizza na pagkatapos naming maubos ay bigla akong nag-crave ng macaroni salad at mango float.

"Marami pa naman ang ipinaluto mong ulam para mamayang tanghalian. Mauubos kaya natin 'yon?"

"Syempre. Ako pa!"

Nakakunot-noong tinitigan niya ako. Nagmumukha na siyang tandang-pananong. Hindi niya siguro lubos na maisip na kaya kong kumain ng ganoon karami.

"May buwaya ka ba sa tiyan?" maya-maya'y sambit niya.

"Wala. Pero dragon, meron."

"Talaga?" sabay niya sa biro. "Kaya pala 'di ka tumataba! Kahit halos taga-oras ka kumakain."

"Pinanganak kasi akong gwapo at itinadhana ng maging perpekto mula paa hanggang ulo."

"Ganun?" Umakto siyang nasusuka. "Pinanganak ka ring mayabang at palamunin. Wala namang connect ang sinabi ko sa sagot mo." Nagpout siya at umirap bago nginuya ang kagat-kagat niyang stick-o.

"Kita mo 'to! Nangingialam pero kumakain rin naman."

"Tss. Ewan ko sayo! Amerikanong hindi naman englishero."

Ngumisi ako at hinarap siya. "Alam mo kasi, nakakasawa na 'yong pa-cool na gwapo. Kumbaga, suplado daw, english speaking at one question one answer. Huh! Gusto ko maging original."

"At nasaan banda sa'yo ang original na sinasabi mo? Ang pagkamatakaw, pagkamayabang at pagkaloko-loko mo? Aba! Ito lang ang masasabi sayo ng mga babae, 'Salamat nalang!'"

"E'di, sasagutin ko sila ng 'You're welcome!' Hindi ko rin naman sila papatulan."

"E'di, ikaw na!"

"I know. Gwapo, eh."

"Che!"

"Pikon-talo."

"Bleh!"

I chuckled when she make face. Pasalamat siya't pinanganak rin siyang magandaー na isip bata nga lang.

"Noon pa man wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga babae tungkol sa akin. Ngayon pa kayang may asawa na ako?" Malalim ko siyang tinitigan kaya natameme siya. Bigla rin siyang namula.

Hindi pa nga niya pala alam na kahit hindi ko pa naranasang magka-girlfriend, hindi naman ibig sabihin na wala na akong alam sa larangan ng pagpapakilig ng babae. Sa rami nga naman ng mga babae at binabae na nagkakandarapa sa akin, syempre natututo rin ako kahit hindi ko naman sila pinapatulan.

"S-Sus! Lokohin mo na ang iba, 'wag ako!"

"Gwapo ako kaya lage akong nagsasabi ng totoo. Tss! Bahala ka kung ayaw mong maniwala."

"Kailangan ko bang maniwala? Bakit? Close ba tayo?"

"Hindi pa ba? Bakit magkasama tayong nagmo-movie marathon ngayon?"

"K-Kasi... mag-asawa na tayo! P-Pero 'di naman talaga tayo close."

Bigla siyang umalis, dala-dala ang sisidlan ng stick-o niya. Napalitan naman ng ngisi ang pagkatigalgal ko dahil sa sinagot niya.

"Nakakapanibago talaga. Parang panaginip lang ang lahat ng 'to. Magigising ba ako?"

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon