CHAPTER 22

36 1 0
                                    

NAPAANGAT ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya. Naalerto agad ako. Pero halata yata ang kaba sa mukha ko dahilan para mapa-smirk siya.

"You looked tense. When in fact, you came here by your own."

"Ahー" nahihirapang magsalita na sagot ko. Agad akong lumabas sa lilim ng bato at hinarap siya. "I'm sorry for invading your property. First time kong pumunta dito kaya hindi ko alam na bawal pala. Guest ako mula sa resort doon," turo ko sa likod ko.

Napansin kong hindi naman siya mukhang masamang tao base sa postura niya kaya nagpaliwanag ako. Hawaiian polo ang suot niyang pang-itaas na nakabukas ang dalawang butones. Nasa magkabilang bulsa naman ng plain white pants niya ang kanyang mga kamay. Habang beachwalk naman ang suot niyang tsinelas.

Umangat ulit ang tingin ko sa mukha niyang… nagpailang sa akin. Moreno ang pantay na kulay ng balat niya. Kasing itim ng uwak ang mga mata niyang malalim kung makatitig. Sakto lang ang kapal ng kilay niyang maganda ang porma. Lalaking-lalaki ang tangos ng ilong niya. Habang ang kanyang mga labi naman‥ ang mga labi niya ay… kulay cherry. Masarap na cherry.

"Gwapo ako. Alam kong iyon ang nasa isip mo ngayon," seryoso niyang saad. Hindi himig mayabang. Nagsasabi lang ng totoo.

"Ha?" Napaigtad ako. "Ahh," iwas ko ng tingin. At nahihiyang napahimas sa sariling braso.

"Why are you here alone?" he suddenly asked. "Nag-away ba kayo ng asawa mo?" he comfortably sat on the sand.

Nagulat ako sa tanong niya. At sa ginawa niya. Gusto niya bang makipagkwentuhan?

"N-No," I stammered. "Hindi naman kami nag-away. Paano mo nga pala nalaman na may asawa na ako? Halata ba?" I chuckled.

My senses relaxed unexpectedly. Umupo rin ako sa buhangin. May espasyo mula sa tabi niya. Pareho kaming humarap sa gawi ng karagatan.

"You're wearing a ring. At mga bagong kasal na magha-honeymoon lang ang tinatanggap ng resort. My mother owned this island, by the way. Kaya alam ko."

"Waaah! Talaga? So, sa inyo rin ang resthouse na 'yan? O diyan kayo nakatira?" turo ko sa bahay.

"I owned the resthouse. Hindi kami diyan nakatira. I'm currently staying there, alone. Just taking a break for a while."

"Ahh…" I feel at ease talking with him. Pero wala na akong maisagot o 'di kaya'y maitanong. Hindi na rin siya nagsalita kaya natahimik kami sandali. Nanatiling nakamasid sa payapang tubig.

"You don't look fine," he suddenly muttered. Na ikinalingon ko sa gawi niya. And I saw him looking intently at me.

"Yes. I'm not alright," amin ko at malungkot na ngumiti. Kumuha ako ng maliit na bato pagkatapos ay tinapon sa dagat.

The man beside me is a stranger, a harmless one. Hindi ko maipaliwanag pero magaan ang pakiramdam ko sa kanya. He seems a really good man. Kaya okay lang siguro na malaman niya ang totoong pakiramdam ko ngayon.

"Is it because of him?"

"Yeah."

"Forced marriage? Unrequited love?"

"Both," I chuckled. Pero mabilis ring natahimik. Nasa malayo ang tingin ko.

"Don't be sad. Not loving you is his lost, not yours," alo niya sa akin. Sinabayan ang pagtapon ko ng bato.

Napatingin ako sa gawi niya. He looks like a masterpiece in a paradise. Ang tipo ng lalaki na pinapantasya ng mga kalahi ni Eba.

"Are you an angel sent from heaven? Sakto kasing nakilala kita kung kailan nangangailangan ako ng makakausap." Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Maybe," he smiled. Tumayo na rin siya. "But correction, you still don't know me. I'm Israel," lahad niya ng kamay.

"Cassy," I smiled back and shake his hands. Agad naman kaming bumitaw.

"I thinkー" Tumunog ang tiyan ko. Kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko. "I almost forgot that I didn't have breakfast yet," I laughed.

"Wanna grab some in my house?" he sincerely offered. Nasa magkabilang bulsa na naman ng pants ang mga kamay niya.

"Thanks but I think I should go. I'm sorry for rejecting your offer."

"No problem. I won't stop you then," he smiled again.

"Bye, Israel. Nice meeting you."

"Same here, Cassy."

NAKANGITI akong bumalik sa cottage. Masaya ako hindi dahil kinikilig ako sa encounter namin ni Israel o 'di kaya'y nagustohan ko siya. Napangiti ako dahil naibsan ang bigat ng dibdib ko at nalaman ko na may sincere, understanding at gentleman na ibang lalaki pa talaga.

Sana ganoon din si Casper. Pero asa pa ako sa damuhong 'yon. Iniling ko ang ulo at ngumiti ulit. Stay positive, Cassy! Kaya mo 'yan!  

Napatigil ako sa akmang pagpasok sa cottage. Dahil humarang si Casper sa daraanan ko. Tiningala ko siya. Basa ang buhok niya. Akala ko ba matutulog siya?

I shake my head again. Hindi iyon ang dapat kong pagtuonan ng pansin. Casper looks mad. His piercing eyes are deeply staring at me. Ano na naman bang kasalanan ko?

"Anong problema mo, Kamahalan?" pagtataray ko. Pilit na nilalabanan ang attraction na nararamdaman ko sa kanya ngayon.

He looks handsome and fresh in his pastel yellow V-neck shirt, partnered with white cotton shorts. Humahalimuyak sa ilong ko ang gamit niyang sabon panligo. I love his masculine scent. Kaya nagpipigil ako ngayon na amoyin siya.

"Saan ka galing?" poker-faced na tanong niya.

Napaismid ako. Sabi niya ayaw niya maging seryosong lalaki ang character niya. Pero ilang beses na naman niyang nagawa ito.

"Namasyal," tipid na sagot ko. Papasok na sana ako ulit, ngunit humaramg na naman siya.

"Bakit hindi ka naman nagpaalam?"

Napataas ang kilay ko. "Akala ko ba 'take your time', 'do what you want'?"

"Y-Yes. I told you that. But it doesn't mean na hindi mo na kailangang magpaalam."

"Sorry na po, Kamahalan," suko ko nalang. Ayoko ng pahabain pa ang sagutan namin.

"I changed my mind earlier. But now, I think I should stick with my first plan," saad niya at pumasok na sa loob ng cottage.

Naiwan akong natigilan. Ano daw ang sinabi niya? Nag-iba ang isip niya kanina? Ibig-sabihin...

Hindi na sana siya matutulog? Kaya ba naligo nalang siya? Naisip niya bang... samahan ako?

Biglang nagliwanag ang mundo ko. Abot tenga ang ngiti at patakbong sumunod ako sa kanya.

"Caspeeeer! Wait lang!"

Naabutan ko siyang nakahiga na sa kama. Nakatalukbong ng kumot. Lumundag ako papuntang kama. Hinila ko paalis ang telang hawak niya ng mahigpit.

"Bangon ka na dali! Gutom na ako! Kumain na tayo!"

"Kumain ka ng mag-isa. Kaya mo namang umalis ng ikaw lang," sagot niya mula sa ilalim ng kumot.

"Sorry na kasi! 'Di na mauulit!"

"Sinabi mo na 'yan. Pero 'di mo tinupad."

"Aish! Casper namanー Iisipin ko talagang namiss mo ako kaya nagtatampo ka!"

"Tss. Mangarap kaー" Bigla siyang bumangon. Kaya natulak niya ako paalis sa kama. Nahulog ako, una ang likod.

"Aray!" daing ko. Kasama kong nahulog ang unan pero hindi naman ako nasalo nito.

"Cassy!" Mabilis siyang bumaba sa kama at tinulongan akong tumayo.

"Sakit no'n, ah!" malakas na hampas ko sa dibdib ni Casper. Chansing sa muscles niya.

"Kulit mo kasi," mahinang tawa niya sabay gulo ng buhok ko.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon