CHAPTER 15

37 1 0
                                    

NAKAHIGA na ako sa kama ni Greg. Siya nasa lapag at kanina pa humihilik. Habang ako naman, kahit anong pilit kong pikit ng mga mata ko, hindi talaga ako makatulog. Nasa isip ko kasi si Casper. Naaalala ko ang una naming pagkikita three years ago…

Nagmamadali akong tumakbo para hindi ako maabutan ng mga bodyguards ko na tinakasan ko. Hindi ko inaasahan na malalaman ni Daddy na nagpapart-time model ako. Noon ay dalawang bodyguard lang ang itinalaga niya para bantayan ako, pero ngayon ay apat ang nakita kong nag-aabang sa akin sa harap ng university na pinapasukan ko. Nahirapan tuloy akong takasan sila kanina.

Papunta na ako ngayon sa studio kung saan gaganapin ang commercial shoot ng endorsement ng isang kilalang brand ng face cream. Tatlo ang kinuha nilang baguhan na mga model at isa ako sa nakuha ng mag-audition ako. Mas binilisan ko ang pagtakbo dahil late na ako pero hindi ko napansin ang kulay ng langit at ang pagbiglang buhos ng malakas ng ulan.

Agad akong sumilong sa nadaanan kong nag-iisang convenience store sa intersection. Hindi na ako pumasok, sa may gilid lang ako naghintay ng pagtila ng ulan. Napahigpit ang paghawak ko sa strap ng backpack ko habang nakatingin sa mga dumaraang sasakyan at nagtatakbohang mga tao na nababasa rin ng ulan. Labas-pasok ang customer ng convenience store kaya lumayo ako ng kunti sa may tabi ng glass door nila. Kagat-labing nakatingin ako sa kulay abong langit.

Napaigtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa loob ng aking bag. Mabilis ko itong kinuha at nakita ang pangalan ni Greg sa nakarehistrong number na tumatawag.

“Hello, Cassy? Nakatakas ka ba? Nasaan ka na?” sunod-sunod na tanong niya sa kabilang linya.

Nakilala ko si Greg one year ago, third year college kami at nanalong Mr. & Ms. Intrams. Sabay kaming na-discover at inalok na maging model ng isang kilalang kompanya ng mga damit. Hanggang sa nakadalawang endorsement na kami at tumigil siya. Sinabi niya sa akin na hindi niya feel maging modelo, mas gusto niya daw maging manager at ako ang gusto niyang e-manage. Pumayag ako at simula noon naging mag-bestfriend kami.

Nakatakas ako. Malapit na ako sa studio pero umulan bigla. Wala akong dalang payong kaya sumilong muna ako.”

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon