"MAY restaurant kayo sa gitna ng isla?" namamanghang ulit ko sa sinagot ng receptionist nang tanungin namin siya kung may binibenta ba silang pagkain. Dahil sa biglaan ang bakasayon na 'to, hindi kami nakapagplano, at wala kaming dala kahit candy man lang.
"Yes po, Ma'am. Marami kayong pagpipilian. Meron kaming native chickens, fruits and vegetables, pork, beef and fresh seafoods. Gusto niyo na po bang kumain? May service po kaming maghahatid sa inyo papunta doon. Pwede niyo namang lakarin pero kung gusto niyong makakain agad, may free ride naman po kayo."
"Lalakarin nalang namin," excited na sabi ko.
"We'll take the ride," biglang sabat naman ni Casper mula sa likod ko.
"Walking is more fun. Para mas ma-enjoy natin ang view," diin ko.
"We have plenty of days to do it, Cassy. We'll do it next time. Akala ko ba gutom ka na? Come on!" pikon na aya niya at walang-lingon na lumabas.
Ewan ko kung mapipikon rin ba ako o mapapangiti. Concerned ba siya? Dakilang paasa talaga ang damuho!
"Pa-assist lang po kayo kay Kuya Tony," paalala ng receptionist na tinutukoy ang staff na sumasalubong sa mga bagong guest.
"Salamat," ngiti ko sa kanya bago sumunod kay Casper. Naabutan ko siyang kausap na si Kuya Tony.
"Let's go," sabi ni Casper ng makita ako. Tango lang ang sinagot ko.
Sumunod kami kay Kuya Tony papuntang likod ng building. Doon nakita namin ang isang naghihintay na binatang lalaki na nakauniporme din. Nakaupo siya sa itim na motor.
"Leo, nasaan ang pickup?"
"May hinatid na apat na guest si Jong, Kuya Ton."
"Pupunta na sina Sir sa restaurant. Matagal pa ba siya?"
"Magpapahintay daw 'yong apat. Ako nalang ang maghahatid. Ilang guest ba?"
"Silang dalawa lang naman ni Sir," baling ni Kuya Tony sa amin. "Okay lang po bang mag-motor kayo? O hihintayin niyo na ang pickup?"
"No/Yes," sabay naming sagot ni Casper. Ako ang umiling at siya ang tumango.
"Hindi ko pa nararanasang magmotor," natatakot na sabi ko sa kanya.
"It's okay. I'm here. At alas otso na, gutom na rin ako."
His decision is final. Nauna na siyang umangkas sa motor kasunod sa driver. Kaya kahit kinakabahan ay sumakay na rin ako sa may likod niya. Mahigpit akong napahawak sa magkabilang gilid ng motor.
"Pwede bang palit tayo? Baka mahulog ako dito," bulong ko sa may tenga niya.
"N-No. Ako na dito. Justー Where's your hands?" kunot-noo niyang tanong.
"Here?" pakita ko sa magkabilang kamay ko sa kanya.
Without proper caution, nagulat ako nang hawakan niya ang mga kamay ko at pinahawak sa absー este beywang niya. Kaya yakap-yakap ko siya ngayon. Wala mang malisya sa kanya pero para sa akin... umiinit na ang pakiramdam ko. Nasa matigas na pandesal ba naman niya ang mga palad ko! Nagkabuhol-buhol tuloy ang sistema ko.
"Oh my gosh!" tili ko pagkaandar ng motor.
"Okay lang kayo, Ma'am?" tanong ng driver.
"Okay lang siya," sagot ni Casper bago pa bumuka ang bibig ko. "Hold me tighter para 'di ka mahulog," sabi niya naman sa akin.
Mahigpit na ang pagkakayakap ko sa kanya dahil sa kaba. Pero gusto niya pa tighter? Naku, ayokong magmalabis. Baka 'di ko na siya mabitiwan.
At ano daw ang sinabi niya? Para hindi ako mahulog? Naku, huli na. Matagal na akong nahulog sa kanya.
...
NAPAKASARIWA sa mata ng restaurant sa Isla El Monmarc. Open area ang lugar, walang dingding. Ang bubong nito ay gawa sa pinagtagpi-tagping dahon ng niyog. Malaki ang espasyo ng lugar. Hindi masyadong magkalapit ang mga hugis bilog na tables, they were designed narra trees. Gawa pa rin sa kahoy ang tig-dalawang upoan na meron ang bawat lamesa, mayroon itong dark red foams.
Mahilig talagang magbigay ng privacy ang lugar na 'to. Halata sa pagkakaayos ng mga kagamitan nila.
We had fish fillet, sweet and spicy shrimp, calamari rings and rice for breakfast. Malamig na buko juice naman ang pantulak namin. Si Casper ang pumili at nag-order ng mga putaheng ito. Hindi man lang niya ako tinanong. Pero okay lang, gusto ko rin naman ang mga nagustohan niya. Sana kami rin magkagustohan 'no?
"So, anong gagawin natin pagkatapos nating kumain?" I excitedly asked him.
"Matutulog."
Napairap ako dahil sa sagot niya. "Psh! Boring mong kasama."
"Ikaw? Sobrang excited. Taas ng energy! Ilang multi-vitamin ba ang nilaklak mo?" ingos niya.
"Why not? We were given a chance to enjoy! Syempre hindi ko ito sasayangin," I pouted.
"Malayo ang byinahe natin, Cassy. Tatlong oras lang yata ang tulog ko, putol-putol pa. Unang araw pa naman natin dito. We still have six days to go. So, let's take a rest first. Matulog muna tayo. We'll wake-up to eat lunch then pasyal na tayo afterwards. "
Hindi ako nakaimik. Tama naman kasi siya. Nasobrahan ako sa excitement. Dahil... wala naman akong naramdamang pagod. Siguro dahil kasama ko siya? At siya naman... walang gana. Dahil wala akong epekto sa kanya. Hindi siya masaya na ako ang kasama niya.
"Masusunod po, Kamahalan," sagot ko nalang. Sumubo ng dalawang beses kaya puno ng pagkain ang bibig ko. Hindi ko siya tiningnan dahil bumigat na naman ang pakiramdam ko.
"Take it easy, Cassy. Hindi naman kita uubosan," he suddenly chuckled.
I looked at him and saw his eyes glistens while smiling. Nakatingin siya sa akin habang umiling-iling. Tuwang-tuwa talaga ang damuhong 'to kapag tinutudyo ako.
"Sarap mong mahalin," hindi klarong sabi ko dahil puno ang bibig ko ng pagkain. Malakas ang loob kong sabihin iyon dahil alam kong hindi niya ako maiintindihan.
"Ano? Gusto mo akong kagatin?"
Muntik na akong mabilaukan dahil sa narinig. Kaya napainom ako ng tubig. Napahalakhak naman siya ng makita ang reaksyon ko.
"Pwede rin," wala sa sariling sagot ko pagkatapos kong ibaba ang hawak na baso.
Napatigil ako. Napatigil din siya. Nagkatinginan kami. At sabay...
Napabungisngis.
"May pagnanasa ka pala sa akin."
"Kaya mag-ingat ka," sabay ko sa panunudyo niya.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...