CHAPTER 17

36 1 0
                                    

NAKAPITONG can na ako ng beer ng maramdaman ko ang pagkahilo ko. Nasa sala kaming dalawa ngayon ni Greg, nasa couch ako habang nasa carpet naman siya umupo. Kumakain lang siya ng inorder naming pizza at fried chicken at ako lang ang umiinom habang nanonood kami ng tagalog romance movie. Imbes na kiligin sa tuwing may sweet scenes na napapalabas, naiinis ako ng sobra dahil naiisip ko ang tarantado kong asawa.

“W-Walang ganyan sa totoong buhay! O kung meron man, sa una lang ‘yan! Kalaunan iiwan ka rin! Papaasahin ka lang! Kaya ‘wag kang maniwala sa mga sinasabi ng gagong ‘yan!” turo ko sa babaeng bida na ngiting-ngiti dahil sa panunuyo ng lalaking bida.

“Ngingitian ka, para mahulog ka sa kanya. Pero noong nahulog ka na, hindi ka naman sinalo! Aakto siyang may pakialam sa’yo! Sasabihin niyang aalagaan ka niya! Ngunit hindi niya naman ginawa! Iniwan ka namang mag-isa!” hagulhol ko sabay inom ulit ng alak.

Napatingin ako kay Greg na kanina pa tahimik na nakatutok sa telebisyon. Kumikilos lang siya kapag nauubosan ako ng beer at kukuha ng dagdag na can na naka-stock sa refrigerator niya.

Ang bigat na ng ulo ko at pumipikit na rin ang talukap ng mga mata ko. Pilit lang akong dumidilat dahil gusto ko pang uminom. I burped loudly and crazily smiled. Ininom ko na ulit ang pangwalong can ng beer na hawak ko at inubos ang laman nito. Pagkatapos ay humiga ako sa couch at pinikit ang mga mata ko. I involuntarily chuckled without a reason and rested my hand on Greg’s shoulder. Naramdaman ko ang paglingon niya sa gawi ko at pagkawala niya ng malalim na hininga.

“You’re such a stubborn brat,” rinig kong maktol niya. “Kung nasasaktan ka, hindi solusyon ang pag-iwas sa kanya. Kasal na kayo. Hindi na mababawi ‘yon. You have the choice to be happy. At kung sakali mang hindi ka sasaya sa piling niya, nandito lang naman ako lage sa tabi mo. Sasamahan kita. Hindi kita iiwan.”

Marahan niyang hinimas ang ulo ko na nagpangiti sa akin. Narinig ko lahat ng sinabi niya pero hindi iyon rumehistro sa utak ko. Ang alam ko lang, thankful ako na naging kaibigan ko si Greg.

“I’m glad I met you, Greg. Thank you, Bestfriend,” I mumbled, sabay mahinang tapik sa pisngi niyang hindi ko nakikita dahil nakapikit pa rin ako.

Rinig ko ang paghinga niya ulit ng malalim at kaluskos ng kanyang pagtayo. Inilagay niya ang kamay ko sa may bandang tiyan ko at inayos ang unan sa ulo ko. Pagkatapos ay narinig ko ang pagkalikot niya ng cellphone at ang mahinang tunog ng pag-dial nito.

Sinong tinatawagan niya? Gusto kong magtanong pero wala na akong lakas na magsalita pa.

“Hello? Is this Casper Smith?” rinig kong tanong niya sa taong nasa kabilang linya.

Gusto kong dumilat, bumangon, para pigilan siya. Pero dahil sa dami ng nainom ko, hindi ko magawa. Malilintikan ka talaga sa akin Greg kapag nahimasmasan na ako!

“Yes, speaking. Who’s this?” mahinang sagot ng damuho.

“Ah, sorry. I’m Greg, Cassy’s friend. Kasama ko siya ngayon. She’s very drunk. Can you pick her up?”

“Where are you?”

Umungol ako pero hindi ako pinansin ng kaibigan ko. Goodness, Greg! Lagot ka talaga sa akin!

“I’ll text you my address. Bye.”

He hanged up the phone kasabay na pagkawala ng ulirat ko at tuloyan ng nakatulog.

NARAMDAMAN ko ang lambot ng hinihigaan ko pagkagising ko. Sa pagkaalala ko, nasa couch ako nakatulog. Nilipat ba ako ni Greg sa kama niya? Dahan-dahan akong bumangon kasabay ng pagkirot ng ulo ko dahil sa hang-over.

“Mabuti’t gising ka na.”

Mabilis akong napadilat ng marinig ko ang boses ni Casper. Lumingon ako sa kaliwang bahagi ng kama at nakita siyang nakaupo malapit sa study table ng kwarto habang nakaekes ang mga braso at binti. He looks domineering yet sexy in his black pants and black tight t-shirt. Bakat ang muscles niya sa braso at mala-agila ang klasi ng pagkakatingin niya sa akin. Alam kong napaka-gwapo niya pero hindi ito ang tamang oras para paliguan siya ng komplimento.

“Pa-Paano ako napunta dito?”

Inilibot ko ang aking tingin sa kabuoan ng aming kwarto. Kaya pala familiar ang lambot at bango ng kamang hinihigaan ko. Nasa bahay na pala ako.

Obvious naman na ang lalaking magkadikit ang kilay, na matalim na nakatitig sa akin, na mahigpit ang pagkakatikom ng bibig ang nagdala sa akin dito. Pero ang tanong, paano nga? Wala akong naalalang nagising ako at naglakad. Ibig bang sabihin ay binuhat niya ako? Bridal style? Mula sa condo ni Greg hanggang-

Oo nga pala! Greg! Lagot ka sa akin, bakla ka!

“Kaya pala hindi ka umuwi dito dahil nasa ibang bahay ka? Ng ibang lalaki?” walang ekspresyon na pang-aakusa niya.

“Hindi naman-” Napatigil ako sa planong pagpapaliwanag na hindi naman lalaki si Greg. Bakla ‘yon! Pero hindi ko aaminin sa kanya. Mukha kasing… nagseselos siya?

“K-Kaibigan ko naman siya. At pakialam mo ba? Sino bang naunang hindi umuwi sa atin? Ako ba? Sa pagkaalam ko ikaw-”

“I know!” biglang tayo niya na nagpaatras sa akin. “May kasalanan ako. Hindi ako nakapagpaalam sa’yo. Pero aminado ako sa pagkakamali ko at handa naman akong humingi ng paumanhin. At planado ko na ‘yon pagkauwi ko. Oo, uuwi naman ako. Pero wala ka, wala ka pagdating ko dito! Umalis ka rin ng walang paalam. At kung hindi ko pa sinundo, wala ka na yatang planong bumalik!”

Napatigil ako ng makita ang seryoso niyang mukha at marinig ang pagtatampo sa boses niya. Pero mabilis kong iniwaglit ang pag-asa na nabuo sa isip ko. Dapat talaga hindi ako magpadala sa mga sinasabi ng lalaking ‘to. Dahil alam kung sa huli ay aasa lang ako sa wala. Masasaktan lang ako.

“Anong namang ikinatatakot mo kung hindi na ako bumalik? ‘Di ba dapat magsaya ka dahil wala ka ng spoiled brat na kailangang e-babysit?!”

“Hindi ako natakot. Ayoko lang na wala ka dito!”

“At bakit naman?!”

“Dahil- Dahil- Dahil baka malaman ng parents natin! Siguradong hahanapin ka nila. At malilintikan ako kapag sakaling wala akong maisagot sa kanila!”

“Tsk. Akala ko pa naman, nag-aalala ka kahit kunti. Gayon pala’y sarili mo lang ang iniisip mo.” Padabog akong tumayo at dumiretso sa banyo.

“Labas! Maliligo ako!” Medyo pumiyok ang tono ng boses ko. Na sana ay hindi niya napansin.

“May gamot at mainit na sopas sa kusina. Kunin mo do’n pagkatapos mo diyan,” mahinang sabi niya bago ko narinig ang pagsara ng pinto ng kwarto.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon