CHAPTER 27

34 0 0
                                    

"ANG GALING! Ang sarap tumira dito!" Paulit-ulit na sabi ni Casper habang nakatingin sa bawat tanim na nadadaanan namin. Napapairap nalang ako sa kawalan. Nagseselos ako sa mga gulay at prutas. Mabuti pa sila, nakuha ang interest ng lalaking gusto ko.

Inaliw ko nalang rin ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa mga pananim na nandito sa malawak na farm. Hindi ko makakailang nakakalaway ang sagana ng mga bunga ng mga prutas at lusog ng mga gulay. May niyog, mangga, pineapple, jackfruit, bayabas, papaya, lettuce, cabbage, eggplant, iba't ibang klasi ng sili at iba pang gulay at prutas. Sa dami ng tanim, hindi ko na maisa-isa pang banggitin ang lahat.

"So, dito po pala kumukuha ng mga sangkap sa mga lulutoin ng restaurant," kausap ni Casper sa matandang magsasaka na tour guide namin ngayon.

"Opo. Pero kapag masagana ang ani, binibenta po namin ang iba doon sa merkado ng mainland. Marami kaming suki doon na umaangkat sa mga gulay at prutas namin."

"Bumili rin kaya ako ng isla na tulad nito?" bulong ni Casper na rinig ko naman. Paano ba namang hindi? E sa kanya ako nakatingin sa tuwing nagsasalita siya. Mas nasa kanya kasi ang atensyon ko kaysa paligid. Hindi niya naman ako napapansin e. Nasa paligid naman kasi ang atensyon niya. Wala sa akin.

"Maglibot lang po kayo dito, Sir, hanggang kailan niyo gusto. Pwede din po kayong manguha ng prutas. Basta siguradohin niyo lang pong kakainin niyo. At 'wag po sanang sobra, limit lang po sa kaya niyong ubosin. Mauna na po ako."

"Salamat po," sabay naming sabi ni Casper. Agad namang umalis ang matanda at naiwan kaming dalawa.

"What do you want to eat?" baling niya sa akin. Sa wakas.

"Kahit ano," nagpipigil ng ngiting sagot ko.

"Sili, you want?"

"Ikaw daw mauna!" tulak ko sa kanya. Tumawa lang ang damuho.

"Hindi ako marunong umakyat ng puno ng niyog, e. Sarap sanang uminom ng fresh coconut water," nakaekis ang brasong sambit niya.

"Patulong tayo. Maghanap tayo ng aakyat," suhestiyon ko.

"Huwag na. Manggang hilaw nalang. Kaya ko 'tong akyatin. Ilan gusto mo?"

Suss. Pabilib ang gago.

"I-Isa lang muna," pabebeng sagot ko.

"Sure ka? 'Di ka pa naglilihi?"

"Baliw! 'Di pa nga tayo nag-aano, e!" Namula ako sa biglang nasabi ko. Napaiwas ng tingin nang mag-smirk siya.

"Be careful with your words, Cassy. Gusto mo yatang anohin kita, e," natatawang biro niya habang hinahanda niya ang sarili sa pag-akyat sa puno ng mangga.

"Dream on, Mister!" panggagaya ko sa trademark niya. Tumawa lang ulit siya at nagsimula ng umakyat.

I gulped when I saw his muscles moved. Nakaputing t-shirt lang si Casper at itim na loose pants. Iniwan niya ang itim na tsinelas niya sa baba. Ewan ko na talaga sa sarili ko. Ang sexy niya sa paningin ko habang umaakyat siya. As if I'm watching him working out.

"Hoy, Cassy!"

"Ha?" Napakurap ako. Napatunganga na pala ako sa kanya.

"Saluhin mo."

"What—"

Hindi pa nga ako handa ay hinagis na niya ang nakuha niyang mangga. At dahil dun ay lumanding ang matigas na prutas sa noo ko at hindi sa kamay ko. Napatingala pa ako sa lakas ng impact.

"Cassy!" rinig kong sigaw niya.

Napaaray ako't napahimas sa nasaktan kong noo. Nagkabukol yata ako.

"Tanga-tanga mo naman, e," reklamo ni Casper na hinawakan ang magkabilang mukha ko. Hindi ko namalayan ang paglapit niya. Ang bilis niya namang nakababa.

"Ikaw kaya! Hindi pa nga ako handa, hinagis mo na agad," maktol ko.

"Hindi ko kasalanang natulala ka sa gwapong umakyat ng puno," he chuckled habang maingat na hinihimas ang noo kong natamaan.

"U-Unggoy kamo," naiilang na sagot ko. Ang lapit-lapit niya naman kasi. Mabuti nga't nakakasagot pa ako sa panunudyo niya.

"Sus. Subokan nga nating ipahalik sa gwapong unggoy 'yang noo mo. 'Diba parang magic na mawawala 'yan."

"Che!" biglang tulak ko sa kanya. "Baka lumalala siguro," ingos ko. Tinalikuran ko siya para hindi niya mapansin ang pamumula ng mukha ko. Ang bilis pa ng tambol ng puso ko.

Hinanap ko ang nahulog na mangga at kinuha iyon. Pinahid ko ito sa damit ko pagkatapos ay kinagat.

"Teyka—What the... shell? Bakit mo kinain? Hindi pa iyan nahuhugasan," nakangiwing saad niya.

"Arte nito. Duhh! Germs are everywhere!" irap ko at humakbang paalis.

"Cassy— Wait!"

Nilingon ko si Casper at nakita ko siyang bumalik sa may puno. Kinuha niya ang tsinelas niya. Ngayon ko lang napansin na nakapaa lang pala siya. Dahil ba sa pagmamadali niyang lapitan ako?

Asa na naman, Cassy!

...

PAGKATAPOS naming mananghalian ay napagpasyahan naming matulog. Na naman. I suggested na magna-night swimming kami mamaya. Pumayag naman siya. But his condition is matutulog daw muna siya. Oo, siya lang sana. Pero dahil ayoko namang gumala na wala siya, sasamahan ko nalang siyang matulog.

Nakakatuwa nga e. Parang natural na sa aming magkatabi na matulog. Lage niya akong binibiro na gagapangin niya daw ako pero...

Waley. Walang gapang nangyari.

Hindi naman sa ang landi ko. Na gusto ko na talagang mag-ano kami. Pero kasi... hindi ko maiwasang umasa. Naisip ko lang na kapag ginawa niya iyon, ibig sabihin may interest na siya sa akin, ibig sabihin ay tanggap na niya ako bilang asawa niya.

Pwede naman kasi naming gawin iyon e. Kahit kailan niya gusto. Kasal na kami. May basbas na. Pag-aari na niya ako.

Pero alam ko kung anong klasi ng lalaki si Casper. Hindi niya gagawin ang bagay na iyon kung wala pa talaga siyang feelings sa akin. At nirerespeto niya ako. Hindi din naman kasi niya alam na may gusto ako sa kanya.

Ewan. Hindi ko talaga alam. Hindi ko siya maintindihan. Sa tingin ko nagselos siya kay Greg at Israel. Pero hindi ko naman kasi makalimutan ang sinabi niya na nagtatanong siya dahil may kasunduan na kami, responsibilidad niya ako bilang asawa niya, ayaw niya lang masira ang reputasyon niya.

Nagising ako nang maramdaman kong may mainit na malambot na dumampi sa noo ko. Pero nang imulat ko ang mga mata ko, mag-isa lang naman ako sa kama.

Wala si Casper sa tabi ko. Nanaginip na naman ako.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon