CHAPTER 18

34 1 0
                                    

BUMABA ako papuntang kusina pagkatapos kung maligo. Naabutan ko naman si Casper na nanonood ng basketball match sa TV. Sinadya kong bigatan ang mga yapak ko pero hindi man lang ako tiningnan ng damuho. Napaingos ako at pumasok na sa kusina.

Nakita ko sa lamesa ang isang bowl ng mainit-init pa na sopas, na may kasamang gamot para sa hang-over at isang baso ng tubig. Lihim akong napangiti. Kahit anong pigil ko sa sarili, hindi ko talaga maiwasan na mahulog ulit sa kanya. Kahit alam kong ginawa lang niya naman ‘to dahil sa responsibilidad niya bilang asawa ko at wala ng iba pang meaning, naa-appreciate ko pa rin ang effort niya.

Parang tangang ngiting-ngiti akong umupo at sinimulang tinikman ang sopas na gawa ni Casper. As usual, masarap talaga magluto ang gagong iyon. Kaya nga mahal na mahal ko, eh!

“Hindi halatang gustong-gusto mo.”

Gulat na nagtaas ako ng tingin. Nakaupo si Casper sa harap ko ng hindi ko namamalayan. Nakaekes na naman ang braso niya sa may bandang dibdib at nakasandal ang likod sa upoan. Hindi ako nakaimik at natulala sa kanya habang nasa bibig pa rin ang kutsara.

“Mag-usap tayo ng maayos,” pagkaraa’y wika niya pagkalipas ng ilang segundong titigan namin.

Agad kong inilapag ang kutsarang hawak ko, itinikom ang aking bibig, umupo ng maayos at seryosong hinarap siya. Iyon ang itsura ko pero ang totoo ay kabadong-kabado ako. Ang lakas ng tambol ng puso ko. Hindi naman kasi kalakihan ang lamesa namin kaya langhap na langhap ko ang natural na bango ni Casper na nagpapabaliw sa sistema ko. Idagdag mo pa na napaka-seryoso niya ngayon, mas lumalakas tuloy ang charisma niya sa paningin ko.

“Unang-una, hindi ako nakapagpaalam sa’yo na hindi ako makakauwi dahil wala naman akong number mo. Alam mo na ang rason kung bakit hindi ako pwedeng humingi sa parents natin. Pangalawa, wala akong ginawang masama sa gabing iyon. Pumunta lang kami ng mga kaibigan ko sa isang probinsya kung saan binisita namin ang isang kaibigan na matagal naming hindi nakita. Pangatlo, wala akong ibang choice kundi ang dumiretso sa opisina kinabukasan dahil marami pa akong trabahong naiwan. Pang-apat, gusto kong humingi ng pasensya dahil naiwan kang mag-isa dito. Alam kong mali ang nagawa ko lalo na’t babae ka pa naman. At sa liit mong ‘yan, wala ka talagang kalaban-laban kung sakaling may masasamang tao ang pumasok dito.” Nginisihan niya ako na sinagot ko naman ng irap.

“Panglima, okay lang sa akin na hindi ka na magpaliwanag kung bakit hindi ka rin umuwi. Alam ko na gusto mo lang akong gantihan. Pang-anim, ang gusto ko lang malaman ay kung bakit sa condo ng lalaking iyon ka natulog? At tang na juice, kahit nakakainis, pasalamat ko pa sa lalaking iyon dahil tinawagan niya ako kaya kita nahanap.”

“Nagseselos ka ba?” nakangising tudyo ko.

“Selos mo mukha mo. The fact that you’re my wife, natural lang na hindi ko magugustohan kapag nalaman kong may kasama kang ibang lalaki. I don’t like you in a romantic way pero may kasunduan na tayong pinermahan. Kaya bakit doon pa sa lalaking iyon? Bakit hindi ka pumunta sa mga babaeng kaibigan mo?”

Kikiligin na sana ako pero asa. Naninira ng pantasya ang ugok. Feel na feel ko na sana na gusto niya talagang magkaayos kami. Na gumagawa siya ng paraan para magkaintindihan kami at hindi na mag-away. Pero nakalimutan ko ang istilo niyang bubuhosan muna ng maraming pabango ang puso ko, pagkatapos ay bigla nalang sisindihan.

“Greg is my manager since college. And he’s my bestfriend, my only friend. My co-models see me as a threat, their rival, at ayokong makipagplastikan sa kanila. Only child ang mom ko, nasa Canada lahat ng pinsan ko sa father’s side. What else do you want to know?”

Natigilan si Casper at nanatiling nakatitig sa akin. Naasiwa naman ako sa klasi ng tingin niya kaya napayuko ako. Ayan na naman siya sa involuntary at unintentional na pang-aakit niya. Ang manhid niya talaga. Hindi ba talaga halata sa kinikilos ko na may kakaibang epekto siya sa akin?

“Pero sigurado ka bang kaibigan mo lang ‘yon? Wala ba kayong past? Aminin mo nalang kung ex o crush mo siya. Hindi naman ako magagalit,” nakatiim-bagang na sabi niya. Hay naku! Nagseselos 'to, eh. Aminin niya nalang kaya? Hindi rin naman ako magagalit.

“We’re just friends, okay?”

“Okay. Let’s just say na kaibigan ang tingin mo sa kanya. How about him? Sa tingin ko iba ang klasi ng tingin niya sa’yo, eh.”

“Pfft! Goodness! Hindi ‘yan magandang biro!” tawa ko. Kung alam niya lang sana na bakla ang isang ‘yon. Na hindi ko sasabihin, umaasang pagseselosan niya. In other hand, mas tamang sabihin na nag-iba ang tingin ni Greg ng makita si Casper. Nakakita ba naman ng yummy!

“Fine. I’ll just trust you. And remember, if may misunderstandings o problema man tayo, pag-usapan natin ng maayos. I don't want a complicated life. Let’s try to be friends, okay?” lahad niya ng kamay habang nakangiti. Bumalik na naman siya sa character niyang ‘easy go lucky’ and 'go with the flow' guy. He’s still hot at the same time cute though.

Pero ang malupit, kasal kami pero na-friend zone naman ako.

“Deal.”

Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay niya. Sarap lang na hindi bitawan. Pero baka mapansin ako, lie low muna sa ngayon. Gigyera ako kapag nalaman kong nagugustohan niya na rin ako.

Damn this one-sided love.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon