CHAPTER 14

35 1 0
                                    

MGA ILAW ang nakapalibut sa akin ngayon. Kasalakuyan akong nasa isang studio para sa photoshoot ng jewelries na iniendorso ko habang nakatingin sa lense ng camera ng photographer na nasa harapan ko. Sa kabila ng aking nakakabighaning tingin at mukha, siniguro ko namang mas mapapansin ang suot kong hikaw, singsing, kwentas at bracelet. Model lang naman ako, mas importanteng mag-click ang product kaysa akin. Dito kasi masusubok kung gaano ako kagaling na endorser. Kung tataas ang sales ng jewelries na ito, mas dadami ang ang offer na endorsement sa akin at mas lalaki pa ang rate ko bilang model.

“Great shots, Cassy! That’s all for today,” nakangiting sabi ng photographer. Halata sa expression niya na satisfied siya sa performance ko ngayon.

“Good job, Cassy.”

“Congratulations, Cassy.”

“Thank you for your hard-work everyone.” Ngumiti rin ako pabalik sa mga staffs na bumati sa akin.

“Ang galing-galing talaga ng Cassy ko. The best of all the best, ” salubong sa akin ng manager ko na si Greg. He looks dashing in his white long sleeve polo, dark blue pants and black leather shoes. He even sweetly smiled at me, revealing his perfect set of white teeth.

“Shut up, Greg,” I rolled my eyes as I blushed because of his compliment.

“I am really, so proud of you,” akbay niya sa balikat ko. “In your three years of modelling career, wala tayong naging problema. As time goes by, mas lalong dumadami ang offers sa’yo. Hindi lang dahil sa ganda mo kung hindi dahil na rin sa attitude mo. Wala kang arte kaya gustong-gusto ka ng mga photographer-”

“Oo na! Tumahimik ka nalang.”

“Pero ito ang pinagtataka ko. Bakit kapag tayo na ang nag-uusap napakasuplada mo?” he chuckled.

“Syempre, bestfriend kita. Kaya napapakita ko sa’yo ang real character ko,” tudyo ko sa kanya.

“Tss. ‘Yang character mo na parang pasan ang buong mundo?” asik niya.

“Dami mong alam,” siko ko sa gilid niya kaya napabitaw siya sa pagkakaakbay sa akin. Nginisihan ko muna siya bago pumasok sa dressing room.

“Sigurado ka bang dito ka sa condo ko matutulog ngayon?” tanong ni Greg pagkapasok namin sa unit niya.

“Obviously. Nandito na nga ako, oh.”

“Grr. Pilosopa,” irap niya.

“May beer ka ba diyan? Inom tayo,” patamad na upo ko sa couch sa sala.

“Hmn… Ano na namang problema mo?” nagdududang tanong niya sa akin. Tumayo siya sa harapan ko habang nasa magkabilang beywang ang mga kamay at matamang tinitigan ako.

“Wala,” pikit ko ng mga mata para iwasan ang tingin niya.

“Spill it, Cassy.”

Huminga ako ng malalim at unti-unting dinilat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang seryoso ngunit nag-aalalang mukha ni Greg. I slightly smiled at him.

“About Casper…”

“Your husband?” kunot-noong tanong niya. Umupo siya sa tabi ko pero nanatiling nakatingin sa gawi ko.

“Yes.”

“Ano namang ginawa ng gagong ‘yon?” he hissed.

“Kung maka-gago ‘to,” I chuckled. “’Di bagay.”

“Don’t change the topic, Cassy. Batukan kita diyan, eh.”

I smiled again, then rested my head at the couch in my back. Tumingin ako sa kisame ng condo na para bang nakikita ko doon ang mga ala-ala na kailangan kong sabihin sa manager slash bestfriend ko para maibsan ang bigat ng kalooban ko.

“Wala pa rin kasing progress ang pagsasama namin. Ilang araw na ang lumipas pero parang estranghero pa rin ako sa kanya. Kung hindi nga lang sa ideyang asawa na niya ako, siguro hindi niya ako pakikisamahan ng maayos…”

“And?”

“Hindi siya umuwi kagabi. Sinabi niyang ipagluluto niya ako pero hanggang madaling-araw akong naghintay… hindi siya dumating. Hindi man lang siya nagpaalam kung nasaan siya. May karapatan naman akong malaman kung nasaan siya ‘di ba?” Malungkot akong lumingon kay Greg. Na sana hindi ko ginawa dahil mas bumigat ang pakiramdam ko ng makita ang pagkaawa sa mukha niya.

“Naalala ko pa ang pagkainis sa mukha niya ng ikinasal kami. Ang saya na naramdaman ko sa mga oras na ‘yon, hindi ko maipakita. Inasahan ko naman ang ganoong reaksyon niya. Ang akala ko okay lang… pero ang sakit pala kapag harap-harapan mong makita na hindi ka gusto ng taong gusto mo.”

“Gumawa ako ng paraan para kahit kunti mapansin niya ako. Trying to act cute in his eyes… but damn it, naging childish brat ako sa tingin niya,” I falsely chuckled with tears in my eyes. “Stupid me for thinking that he’ll like me if I act like that.”

“Really, Cassy? ‘Yong side mo na may hilig kay pikachu?”

“A-Alam mo?” gulat na tingin ko kay Greg.

“You fool! Six years kitang nakasama, akala mo ‘di ko malalaman? Hindi naman halata sa notebook, ballpen, tumbler, stuff toy at iba pa na palihim mong binibili kapag nagsha-shopping tayo n’ong college pa tayo ‘no? Nakita kita gaga, hindi nalang kita sinita.”

“Baliw ka! Nakakahiya..” namumulang ikinulong ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko. He laughed at my gesture na mas lalong ikinahiya ko.

“Ang mapapayo ko lang sa’yo,” he suddenly said seriously. “Tell him the truth. About your feelings for him.”

“P-Paano kung ‘di ko kaya?”

“Then, ipakita mo. Show him through your actions. It speaks louder than words, ‘di ba? Pero ‘wag kang magmadali, ‘wag mo siyang madaliin. Slowly but surely, kunin mo ang loob at tiwala niya. But if, hindi ka pa rin niya maintindihan, maybe it’s time for you to tell him verbally.”

Napaisip ako. Tama si Greg. Dapat hindi ako mawalan agad ng pag-asa. Ngayon pa na may pinanghahawakan na ako, na may posisyon na ako sa buhay niyaー bilang asawa.

“Thank you so much, Greg,” biglang yakap ko sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko pero yinakap rin niya ako pabalik at mahinang tinapik ang likod ko.

“Are you really sure na hindi ka uuwi sa inyo?” bulong niya.

“Yup. Dito na muna ako.”

“Basta ‘wag mong kalimutan na tayong dalawa lang ang nandito. Babae ka, lalaki pa rin ako-”

“Eh!” Malakas na tinulak ko siya. “As if first time na tayo lang. Nagkatabi na nga tayong matulog,” irap ko sa kanya.

“Basta walang atrasan kung-”

“Shut up, Greg! Maghunos-dili ka! Kumain na nga lang tayo!” Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Tumatawang sumunod naman siya sa akin.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon