MAGKATABING nakatayo kami ni Casper sa harap ng kama. Parehong nakatutok ang mga mata sa puting higaan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Kanina pa siya tahimik. Habang magkahalong kaba at more on excitement ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko man lang na-realize kanina na mangyayari ito. Mukhang ganoon din siya.
"So... tabi tayong matutulog sa kamang 'to?" basag ko sa katahimikan namin.
"Gusto mo bang sa sahig ka?"
"No way! Kahit maliit ako, ang sikip pa rin diyan."
"E'di, tabi tayo. Bakit ka pa nagtatanong?" parang wala lang na sagot niya sabay dive sa kama.
Nakadapa siya sa kalahating bahagi ng kama. Kung sakaling malikot siyang matulog, siguradong mahuhulog agad siya."S-Sigurado ka?"
"Bakit naman hindi? 'Wag ka ng mag-inarte. Hindi naman 'to first time na magkatabi tayong matulog. At isa pa, wala naman akong interest sa'yo."
Wow naman. Kung makabasag ng pag-asa, walang preno.
"Tss! May sinabi ba ako? Diyan ka na nga! Magha-halfbath muna ako. 'Wag kang maninilip, ah?!"
"Ha! Dream on, kid!"
"Che!"
Padabog akong naglinis ng katawan. Gigil na gigil sa damuhong iyon. Kung hindi ko lang talaga mahal, eh. Matagal ko na sanang tiniris.
Malalim na ang paghinga ni Casper pagkalabas ko ng banyo. Patagilid siyang nakahiga. Nakatalikod siya mula sa gawi ko. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya. Patagilid din akong humiga. Nakatalikod rin sa kanya. Kung titihaya kasi kami, siguradong magkakalapat ang mga balat namin.
Sa labas, namangha ako sa respetadong pagbibigay ng privacy sa bawat magkaparehang guests. Pero dito sa loob, limitadong-limitado ang space. Parang gusto yata ng may-ari o ng mga staffs na maging close, literal na close talaga kami sa isa't isa. Tinantiya na nila na malalanghap ko ang hanging binubuga niya at vice versa. At planado na panigurado na dapat magkayakap o magkadikit ang dalawang taong matutulog sa higaang kinaruruonan namin ngayon.
But sad to say, walang magyayaring yakapan. Mas gugustohin pa niyang madikit sa pagkain kaysa sa akin.
Sinabi ko kanina na wala akong nararamdamang pagod. Pero nang lumapat ang katawan ko sa malambot na kama, biglang sumuko ang katawan ko. Sa kabila ng kaba sa aking dibdib, ginupo ako ng labis na antok. Hanggang sa hindi ko na namalayan na tuloyan na pala akong nakatulog.
...
NAGISING ako na magaan ang pakiramdam. Ngumiti pa ako habang nakapikit pa rin. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Magkatabi daw kaming natulog ni Casper. Niyakap niya pa ako. At hinalikan sa noo.
Kaya ganadong-ganadong ini-stretch ko ang katawan. Ibinuka ang mga bisig sabay ikotー
"Ohー" mabilis kong binawi ang isang kamay ko. Mabilis rin akong napatingin sa aking tabi.
Naalala ko na totoo nga palang magkatabi kami. Pero‥.
Bakit wala siya sa tabi ko ngayon?
"I-Iniwan niya ba ako?" Nabigkas ko ang pinakaunang tanong na pumasok sa isip ko. Lumakas ang tambol ng aking dibdib. Agad akong bumangon at bumaba sa kama.
"Casper?"
Napatingin ako sa bukas na banyo. Ibig sabihin wala siya doon. Kaya lumabas ako ng cottage. Baka nasa may teresa lang siya at nagpapahangin.
Napahinga ako ng malalim. Wala pa rin siya dito. Bigla akong nakaramdam ng kahungkagan.
"N-Nasaan ka ba?" naiiyak kong tanong sa hangin. Nanlulumong umupo ako at napayukyok ang ulo sa mesa.
Nanaginip lang ba ako na kasama ko siya? Alalahanin mo, Cassy! Baka pumunta ako ng mag-isa dito. O 'di kaya ay imagination ko lang lahat ng ito.
Tanga na kung tanga. Baliw na kung baliw. Talagang napaiyak ako. Nakaramdam ako ng takot. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya kasi ang expectation ko, eh. Pero sinalubong ako ng realidad. Na mag-isa lang ako… mag-isang nagmamahal.
At ang sakit-sakit ng katotohanan na 'to.
"Cassy?"
May tumawag sa pangalan ko. Hindi ako gumalaw. Apektadong-apektado ako sa pagsikip ng dibdib ko. Patuloy ako sa pag-iyak.
"Hey, are you alright?"
Narinig ko ang patakbong mga hakbang. At ang paglapit sa tabi ko ng lalaking nagtanong, may pag-aalala sa kanyang boses. May inilagay siyang bagay sa lamesa bago hinila paharap sa kanya ang katawan ko.
I saw his concerned face at the back of my blurry vision. My tears continued to roll down. I tried to get back to my senses and recognized the man in front of me.
His penetrating gaze made me jump out of my seat. Parang may sariling pag-iisip na umikot ang mga braso ko sa leeg niya. Doon, isinubsob ko ang aking mukha. Ramdam ko ang init ng kanyang balat at mabangong natural scent. I even cried more because of it.
"Calm down. Ano bang nangyari sa'yo?"
Nandito si Casper. Hindi niya ako iniwan. Hindi ako nananaginip. Totoong kasama ko siya.
"A-Akala ko iniwan mo ako."
Napatigil siya. Hindi ko nakikita ang expression niya kaya hindi ko alam kung natatawa ba siya o nawewerdohan sa akin.
"Silly. Bumili lang ako ng lunch natin. Para dito na tayo kakakain paggising mo," he caressed my back.
"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?" paiyak na maktol ko. Humiglit ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Tulog ka pa. At ayokong maputol ang pahinga mo."
"Okay lang naman sa akin iyon. Sana ginisingー"
"Pwede bang bitawan mo muna ako. Dahil sa liit mo, nangangawit na ako dito."
Mabilis akong napabitaw. Matalim na sinalubong ng tingin ang damuhong pumutol sa pagdadrama ko. Ngisi naman ang isinukli niya sa akin. Ginulo ang tuktok ng buhok ko bago siya tumayo.
"Relax. Now you know na nandito pa ako. Hindi kita iniwan."
Natameme ako. At biglang nakaramdam ng hiya. Ng sobrang hiya!
Hold yourself, Cassy! May plano ka bang magpabuko?
"Pasensya na. Nanaginip kasi ako ng masama. Kaya natakot ako paggising ko. Mas lumala pa nang malaman kong wala ka," pagsisinungaling ko. Todo yuko at iwas ako ng tingin.
"Tsk. Nagiging dependent ka na ba sa akin, Mahal na Prinsesa?" tudyo niya.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti siya habang inaayos ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. He looks so comfortable. Parang ang sarap niya ulit na yakapin.
"No way. Ngayon lang ito. Hindi na mangyayari ulit. Sa susunod, hindi na ako iiyak kapag nawala ka." Pantakip ko sa pride at ego ko. Ayoko pang maisip niya na baka nagugustohan ko na siya. Naduduwag ako.
"Hmn… Naisip ko pa naman sanang hindi na kita iiwan ng mag-isa sa susunod. Pero kung kaya mo naman pala at hindi ka na iiyak, sige, 'wag nalang."
What?! Okay, fine. Binabawi ko na ang sinabi ko!
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...