"OKAY ka na?" tanong ni Casper sa akin pagkatapos naming kumain.
Hindi ako umimik pero tumango ako habang nakatanaw sa karagatan na nasa likuran niya. Mabuti na ang pakiramdam ko pero dahil sa bigat ng emosyon na naramdaman ko kanina, nakaramdam ako ng pagod.
"Gusto mo ng mamasyal?" he asked again.
"Mamayang hapon na siguro. Ang init pa ng sikat ng araw," rason ko.
"You don't need to worry about that. Malalaki ang mga puno dito kaya hindi mainit ang daan. Pwede pa rin tayong maglakad-lakad."
Hindi ako nakasagot. Nakapokus pa rin ang tingin sa payapang dagat.
"You're still not feeling well," direktang wika niya. Agad na nabaling ang tingin ko sa kanya. He is seriously looking at me. Napakurap ako.
"Do you want to sleep again?"
"No!" Mabilis akong napailing. "B-But I wanna lay in bed," iwas ko ng tingin.
"Let's go then." Tumayo siya. Napatingala naman ako.
"Sasamahan mo ako?"
"Why not? Ayoko namang mamasyal ng mag-isa. Do you want me to leave you alone?"
"Huwag," I immediately answered. He automatically smiled. Nag-init naman ang mga tenga ko.
"Ano pang hinihintay mo? Buhatin pa kita?"
"Hindi 'no!" Tumayo ako agad. "Ayoko lang sanang abalahin ka."
"Tsk. Ang dami mong arte." Hinawakan niya ang pupulsohan ko at hinila palapit sa kanya. Pagkatapos ay pinatalikod habang nasa magkabilang balikat ko ang mga kamay niya.
"Wala naman akong ibang magawa. Tayong dalawa lang ang magkaramay dito," dagdag niya sabay tulak ng likod ko papasok sa loob ng cottage. Napasunod naman ang mga paa ko hanggang sa napaupo ako sa kama. Nanatili naman siyang nakatayo sa gilid ko.
"Anong gagawin mo habang nakahiga ako dito?"
Naitanong ko iyon dahil maiilang ako kung magtititigan lang kami dito buong maghapon. Napaisip siya saglit. Pagkatapos ay napangisi.
"Tatabi ako sa'yo. Tapos gagapangin kita," he grinned.
I didn't laughed or chuckled with his joke. I seriously looked up at him.
"Subokan mo." Hindi ako nagbabanta. Hinahamon ko siya.
He stared back at me. Nawala ang ngisi sa mga labi niya. Wari ay tinatantiya niya kung tama ba ang pagkakaintindi niya.
"Ayoko," he suddenly spoke. "Baka makasuhan ako ng child abuse," then he laughed.
"Sira ulo." Napairap ako at napailing. Humiga nalang ako sa pwesto ko kanina. Pero nakatihaya na ako, nakakumot hanggang dibdib habang napatulala sa kisame.
I suddenly felt emptiness. Hindi mawala sa isip ko na asawa ko na nga si Casper pero…
parang hindi pa rin kami magkakilala.
"Sa'yo 'to?"
Napalingon ako sa gawi niya. Nasa tabi siya ng luggage ko. Hawak niya ang selca na gamit ko kaninang umaga.
"Yup. You want to borrow it?"
"May I?"
"Sure." I smiled but deep inside, nalungkot ako. Ibinalik ko ang tingin sa kisame. Gusto niya sigurong lumabas. Mas mabuti iyon kaysa samahan ako dito. Mabo-bored lang siya.
Napaigtad ako ng biglang may kumilos sa tabi ko. Then, I saw Casper. Nakadapa siya sa kama, nasa baba mula sa pwesto ko. Nakalaylay ang mga binti niya habang kinakalikot ang hawak na camera.
"Matulog ka nalang ulit. Don't worry, hindi ako aalis. Dito lang ako. Babantayan kita." He told me all these words without looking at my side.
Nag-init ang mga mata ko. Gusto kong pumalahaw ng iyak. Because he melted my heart again. Mas lalo akong nahuhulog, napapamahal sa kanya. Pero wala namang kasiguroduhan, na mamahalin rin niya ako pabalik.
Natatakot ako. Labis na takot. Ayokong mauwi ang lahat ng ito sa wala. Na maiiwan akong luhaan…
at hindi siya makalimutan.
…
NAKATULOG na nga si Cassy. Ang sabi niya ay hihiga lang siya. Pero heto, mahinang humihilik pa.
Napangiti ako habang dahan-dahang bumangon at umupo sa kama. Hindi na ako nagbasakali pa na titigan ang payapang mukha ng babaeng kasama ko… na asawa ko na.
She's very beautiful. I admit this truth. Pero totoo din kasing mukha siyang teenager, exaggeration ko lang na she looked like a kid. Siguro dahil wala siyang make-up. And I'm pretty sure, she'll looks stunning, very attractive if may make-up na siya.
But her outer appearance was not the reason why she got my LITTLE interest. It was her personality.
Ang totoo ay hindi ko pa masyadong kilala si Cassy. Wala pa rin akong alam sa personal na buhay niya, hindi ko na sinubukang itanong, hindi ko na inaalam. Gusto ko siyang makilala ayon sa makikita ko sa kanya, hindi sa maririnig ko sa iba.
Pero mahirap siyang basahin, mahirap siyang makilala. Noong una, pinakita niya sa akin ang childish side niya. Pagkatapos, ang pagkairitable at pagkapikonin naman niya. Hanggang sa naging seryoso at understanding na siya. Minsan mahiyain, minsan napaka-outgoing. She would look fragile then in a second, she would show me how strong she is.
Ang sakit niya sa ulo pero nakakawala rin siya ng stress. Gusto ko siyang mawala sa buhay ko pero kusa ko siyang inaalagaan.
Hindi ko maintindihan. But there is something happening to me since I met her. Like now...
I have this urge to lay beside her, to cuddle with her while I caress her black silky hair. Then I'll touch her cheeks and give her a peck on her liー
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napailing. Ano ba itong nangyayari sa akin? Anong kababalaghan ba itong naiisip ko? Nababaliw na yata ako.
Napabuga ako ng malalim na hininga at bumaba sa kama. Sa may terrace nalang ako tatambay. Biglang uminit dito sa loob. Ewan. Naka-on naman ang aircon.
"Oh?" Napatingin ako sa hawak kong selca bago ako nakahakbang paalis. May pumasok na ideya sa isip ko. Nilingon ko si Cassy at lumapit sa bandang hinihigaan niya. Itinaas ko ang hawak na camera at kinunan siya ng litrato. Then I printed the picture...
...and I kept it in my pocket.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomantikCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...