NANDITO ako ngayon sa bahay ng isa sa mga kaibigan ko na si Shin. Inaya niya kaming tumambay sa kanila dahil wala siyang makausap at bored na bored na daw siya.
"Bakit ba naman kasi nakatambay ka lang dito? Dapat ay nasa opisina ka ngayon. Malilintikan ka na naman ng Papa mo," pangaral ni Yong.
"Tss. Mas malakas pa sa kalabaw 'yon, kaya siya na muna ang magtrabaho. Isa pa, siya ang President at COO lang ako. Saka tinatamad akong umalis," sagot ni Shin sabay inom ng wine.
"Putragis ka, dude! Ikaw rin naman ang susunod sa yapak ng ama mo. 'Wag mong pairalin ang katamaran," satsat pa ni Takuya. Binigyan naman ito ng matalim na tingin ni Shin kaya napatawa nalang kami.
"Ikaw naman, Casper. Bakit nawala ka ng isang linggo?" baling ni Yong sa akin.
Napatigil ako sa akmang pag-inom. Nakita ko na nakatuon ang mga mata ng tatlo sa akin. Napaisip ako kung tama bang sabihin ko na sa kanila. Pero malalaman rin naman nila kalaunan kaya I exhaled deeply and raised my left hand.
"Holy cow! Is that real, Bro?!" gulat na react ni Shin. Naibagsak pa niya ang hawak na baso sa lamesa. Napabuntong-hininga ako ulit at tumango bilang sagot sa tanong niya.
"The F! Kailan?!" dagdag naman ni Takuya pagkatapos matauhan sa pagkabigla. Lumapit siya sa akin at tinitigan ang singsing sa ring finger ko. It is a plain golden ring.
"At sino naman ang malas na babaeng 'yan?" natatawang tanong ni Yong.
Napangisi ako sa mga tanong nila. Kung sila nabigla, ano nalang kaya ako? At sino ba namang hindi?
Ako si Casper Smith. I'm twenty-five years old and no lovelife since birth.
But I suddenly got married to an unexpected wife.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...