CHAPTER 3

72 2 0
                                    

"GOOD evening, Sir," bati sa akin ng guard habang binubuksan ang gate ng bahay namin. Sinagot ko lang siya ng tango at tuloyang ipinasok ang kotse ko sa garahe. Mabilis rin akong bumaba pagkatapos kung iparada ang sasakyan. Parang isang hakbang lang ang ginawa ko dahil hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng bahay.

"Magandang gabi, Sir Casper. Nandito---"

Tumango lang ulit ako at hindi na pinatapos ang mayordoma namin sa pagsasalita. Pagod na pagod na talaga ako at ang gusto kong gawin ay ang matulog na kaagad. Sandamakmak ang trabaho ko kanina dahil nasa vacation trip ang parents ko sa Dubai. Pero may advantage naman dahil walang manenermon sa akin ngayon.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay agad kong inihagis ang dala kong attaché case sa sofa na nasa bandang gilid ng pintuan. I didn't bother turning on the lights because I am too sleepy to turn it off later. Nakapikit na nga ako habang nagbibihis ng damit dahil sa sobrang antok ko. Hindi ko na kayang mag-shower pa kaya deretso nalang akong nagbihis ng puting sando at itim na short at hinagis kung saan banda ang suot kong corporate attire kanina.

"I'm so tired," mahinang maktol ko habang nakapikit pa ring humiga sa malambot kong kama. Napangiti ako sa sarap ng pakiramdam. Sa wakas at makakapagpahinga na ako.

"Bakit parang..." Kinapakapa ko ang higaan ko. Oh! May kakaiba akong nahahawakan. Wala akong nakikita dahil sa dilim ng paligid. Sinundot ko ang bagay na hawak ko dahil sa kuryosidad. MalambotAno ba 'to? Hinimas ko naman ang mainit na parte nito. Makinis! Inilipat ko ang kamay ko sa may bandang ulohan ng may masagi na naman ang kamay ko. It's silky and... long.

Is this a hair?! Holy moly!

Napaatras ako sa gulat at mabilis na pinailaw ang lamp shade na nasa gilid ng kama. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kong may taong nakahiga sa tabi ko. Nakahiga siya pero nasa kabilang banda nakabaling ang mukha niya kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.

Ano kaya 'yong nahawakan ko kanina? Mukha niya ba? O sa ibaba ng baba?

"S-Sino ka?! Why are you here in my room?!" malakas na sigaw ko na nagpagising sa kanya. Kumarera sa bilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

May babae sa kwarto ko! Nakahiga sa kama ko! Na katabi ko pa ngayon!

"Hmmn. Why are you so noisy? I'm still so sleepy." Walang alinlangang natulog ulit siya paharap sa gawi ko. Natamaan ng liwanag ng lamp shade ang mukha niya kaya tuloyan kong nasilayan ang itsura niya.

Dear Lord! She's beautiful!

Napatitig ako sa maamo niyang mukha at hindi na nakaimik. Na-starstruck ako sa ganda niya. Biglang nawala ang pakialam ko kung sino ba siya, kung bakit siya nandito at kung paano siya napunta sa kama ko.

"Tulog ka na. Explain ko lahat bukas," she murmured before falling to a deep sleep. Narinig ko ang mahinang hilik niya na biglang nagpangiti sa akin.

I unknowingly stared at her angelic face for a couple of minutes. I just can't take my eyes away from her. Para kasing nawala ang pagod ko habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog. Hindi ko alam kung anong oras akong naidlip. Basta isa lang ang sigurado ako. Ito ang pinakaunang gabi na nakatulog ako ng payapa. Na para bang dinuduyan ako sa nakalutang na ulap.

...

"Gising! Hoy! Gumising ka nga!"

Naalimpungatan ako dahil sa tinis ng boses na naririnig ko at sa pagyugyog na naramdaman ng katawan ko. Sino ba 'tong gumigising sa akin?! Maawa sana siya. Inaantok pa ako! Gusto ko pang matulog.

"Pambihira! Tulog mantika kang matulog. Gising na po kamahalan!"

Anak ng tukneneng! Ano bang karapatan niyang gisingin ako?! Alam kong sabado ngayon at pahinga ko sa trabaho. Isa pang yugyog at sigaw niya, talagang... malilintikan ko na siya!

"Gising na Mamang tulog! Tanghali na po! KAYA GUMISING KA NA!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa inis. Parang yumanig ang mundo dahil sa lakas ng boses niya. Ililibing ko talaga siya ng buhay! Wala akong pakialam kahit sino pa man siyang hinayupak siya na nakalaklak yata ng maraming capsule ng multivitamins.

"ANO BA?! BA'T ANG INGAY-INGAY MO?!" pikit-matang sigaw ko. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko.

"AYAW MO KASING GUMISING, EH!"

"PAKIALAM MO, HA?! SINO KA BA?!"

"A-Asawa mo."

Napadilat ako sa narinig at natamemeng hindi ako makagalaw. Tumahimik ang paligid at napatitig kami sa isa't isa na para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Oh! Naalala ko na. Siya ang babaeng nadatnan ko dito sa kwarto kagabi. Na katabi kong natulog. Tama. Magkataー Magkatabi kaming natulog?! At ano ulit ang sinabi niya?!

"A-Asawa? I-Ikaw ang asawa ko?"

Napayuko ang babaeng kaharap ko at mabagal na tumango. Tiningnan ko ang kabuoan niya. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at puting short. Tamang puti at makinis ang kanyang balat. Itim ang nakapusod na buhok niya. Height niya ay hanggang dibdib ko lang yata. Habang ang mukha niya naman ay...

"Ako bang pinagloloko mo? Hoy bata! Kung sino ka man, umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas!" naiinis na sigaw ko at itinuro ang pinto. Nagulat siya sa naging reaksyon ko. Pero hindi siya tuminag at parang pusang tumingin lang sa akin.

Damn it! Why is she so cute?!

Actually, she's beautiful. Totoo ang nasabi kong description kagabi. She have the combination of western and asian beauty. She looks fragile and delicate.

"Bakit hindi ka naniniwala sa akin?! Huhu. Isusumbong kita sa mommy ko!"

See? She's crying like a child! Kaya hindi ako naniniwalang siya ang babaeng pinakasalan ko. Hindi naman ganito katinis ang boses niya noong kasal namin. Dalagang pilipina ang naaalala ko. Kaya isa lang ang ibig sabihin nito, PINAGLOLOKO AKO NG BATANG 'TO!

"Alis na! Bago pa kita e-report sa mga police!" Hinila ko siya pababa ng kama at palabas ng kwarto ko. Naka-pout pa siya habang umiiyak. Eh, wala namang luhang lumalabas sa mga mata niya!

"Sir Casper? Bakit niyo po pinapalabas si Miss Cassy?" Napatigil ako ng harangan kami ng mayordoma namin. Nakabusangot na hinarap ko siya at itinulak ang bata sa tabi niya.

"Nay, bakit niyo 'yan pinapasok sa kwarto ko? Pamangkin mo ba siya? Papalampasin ko muna 'to pero sa susunod huwag niyo na po sanang gawin." Agad akong tumalikod sa kanila. Argh! Nakakainis talaga ang babaengー

"Pero Sir, sinabi ng iyong ama na asawa mo po si Miss Cassy. Kaya pinatuloy ko siya sa kwarto mo."

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon