KASALUKUYANG nasa hapag-kainan na kaming apat. Magkatabi kami ni Cassy at tahimik na kumakain. Gusto kong kausapin siya pero hindi ko magawa dahil bigla yata akong nahiya ngayong nasa harap namin ang parents ko na pasekretong nakamasid sa amin.
Napasunod ang tingin ko sa mga kamay ni Cassy na inabot ang bandehado na may lamang friedrice. Napansin ko ang panginginig ng kamay niya habang nagsasandok. Kinakabahan ba siya?
Parang may sariling isip ang mga kamay ko na kinuha ang bandehado at ako na ang naglagay sa plato niya. Gulat na napatingin siya sa akin. Nginitian ko naman siya kahit ako mismo ay nagulat rin sa nagawa ko.
"How's your stay, Cassy?" tanong ng Dad ko.
"At first, naninibago po. But now, I'm fine," she honestly said.
Namangha ako nang makita ko ang sinserong pagngiti niya at ang diretsong titig niya kay Daddy na kailanman ay hindi ko nagawa. Tiningnan ko ang mga kamay niya, hindi na nanginginig. Segundo palang ang lumipas, ah? Ang bilis niyang maka-adjust.
Nice.
"Good to hear that," sabat ng Mom ko. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kanila.
"How about my son, your husband? Is he good to you?"
Heto na naman ang aura niya na nagbababalang kailangang masagot ng tama kung hindi ayー maghukay ka nalang ng sarili mong libingan. Kinakabahang nilingon ko si Cassy. Ngunit hindi man lang siya tumingin sa akin. Pasekreto kong tinapakan ang paa niya na sinagot niya ng mas malakas pa na tapak habang nakangiti pa ring nakaharap sa mga magulang ko.
"Actually..." matamis ang ngiting nilingon niya ako. Mahina akong napatawa-tawa habang naniningkit ang mga matang hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Naramdaman ko ang pagpitlag niya kaya hinigpitan ko ang paghawak ko sa kanya.
"He's too good to me. Nag-aalala nga po ako eh, kasi halos taga-oras kumakain kami. Gusto niya yatang tumaba ako," she chuckled and slightly punched me in my arm. Mas lalong naningkit ang mga mata ko, kunwari nakangiting hinimas ang ulo niya. Pinakaba ako ng babaeng 'to. Humanda siya sa akin mamaya.
"Oh, masasanay ka rin, Cassy. Mahilig talagang kumain 'yang anak ko. Pero hindi ka tataba dahil sabay kayong mag-gym. Am I right, Son?"
"Of course, Mom," sabay ko. "Pero kahit naman tumaba 'tong baby ko ay okay lang," mahigpit kong kurot sa pisngi niya.
"AーAhaha," pekeng tawa niya kahit gusto niya ng umaray. Hindi ko naman namalayang totoo na pala akong napangiti. "Really? Sweet naman ng baby ko," sagot niya sabay kurot rin ng mahigpit sa magkabilang pisngi ko. Mukha tuloy kaming mga batang naglalaro na ikinatawa ng mga magulang ko.
Dahil sa nabigla ako nang marinig ko ang pagtawa ni Daddy ay una kong nabitiwan ang pisngi ni Cassy. Habang ginamit niya naman ang pagkakataong iyon para pisilin ulit ang pisngi ko ng napakahigpit bago binitawan. Napatiim-bagang nalang ako para mapigilan ko ang sarili kong murahin siya dahil sa sakit.
"I have something to inform you," biglang untag ng Dad ko kaya sabay kaming napatingin ni Cassy sa kanya. "You can move to your house today."
"H-House? What do you mean, Dad? Hindi ba kami dito titira?"
"Of course not! You're already married. You need to live with your own now."
"B-Butー" walang lakas na palag ko. Damn it! In just seconds, my mood darkened. Gustong-gusto kong magmura nga sunod-sunod.
"Tapusin niyo na ang pagkain niyo para makapaghanda na kayo pagkatapos," dagdag ng aking ina.
...
KANINA pa nakaalis ang parents ko pero nakahiga pa rin ako sa couch ng bagong bahay namin habang nakatunganga't nakatitig sa kisame. Nasa may bandang paanan ko naman si Cassy nakaupo na nakakapanibago ang pagkatahimik. Mula noong hinanda namin ang mga dadalhing gamit hanggang sa bumyahe papunta sa bagong bahay at nang dumating kami dito, sumasagot lang siya kapag tinatanong siya ng mga magulang ko. Pero puro tango, 'okay lang po' at 'I like it' lang ang mga sagot niya.
"Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi ng Dad mo?"
"Na ano?" walang ganang sambit ko.
"Na tayong dalawa lang ang titira dito? No housemaids. As in tayo lang?"
"Yes," hinga ko ng malalim.
"Aren't we rich?"
"Our parents are."
"You're not?!" asik niya. "But I am. Malaki na ang savings ko mula sa pagmo-modeling ko."
"Wow. Good for you then."
"I'm seriously stating the fact here. I can get us a maid. Because seriously speaking, wala akong alam na gawaing bahay."
"Tsk. Spoiled-brat."
"Yes, I am! So what?!"
Naiinis na bumangon ako at hinarap siya. "Tumigil ka nga sa kakareklamo mo diyan! Sana sinabi mo 'yan sa parents ko at sa parents mo! Hindi ko alam kung ano na namang pumasok na kagaguhan sa isip nila at pinaparusahan nila tayo ng ganito," pilit kong kontrol sa sarili ko para hindi ko mabaling sa kanya ang galit ko.
"Ikaw nga hindi nakaimik, eh," ismid niya.
"Yeah, I admit. So, your highness, just shut your mouth at aalagaan kita ng mabuti. I can cook for us, wash our clothes and clean this small house," suko ko nalang para matahimik na siya sa kakaputak.
"Are you serious?"
"I do."
Syempre kayang-kaya kong magluto. Maglaba naman... pag-iisipan ko pa kung tama bang magpalaba sa laundry shop nang hindi masisira ang mga damit namin. Tungkol naman sa paglilinis, hindi yata malaking bagay. Nasa ikalawang palapag ang isang kwarto na may isang banyo. Habang kusina at sala na ang nandito sa ibaba. Minimal type na bahay ang binigay sa amin ng parents namin. Matuto daw kaming mamuhay ng simple.
"Simple? Ha! Pasensya na pero 'tang ina naman!" Hindi ko na napigilan ang galit ko. Padabog akong tumayo sabay kuha ng wallet at phone ko.
"Saan ka pupunta?" Natatarantang tumayo siya at lumapit sa akin.
"Gusto mong tumira dito na mayroong couch, lamesa, upoan at kama lang?" I sarcastically hissed.
"Mamimili tayo ng mga gamit natin?"
"Obviously, Stupid," mahinang tulak ko sa noo niya.
"Great! Now, I'm excited," she happily exclaimed that shocked me.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...