UMUPO si Casper sa sofa ng sala pagkadating namin sa bahay. I automatically sat beside him too. Pakiramdam ko ito ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya. Kung gusto niyang mag-usap kami, handa akong pakinggan ang mga sasabihin niya at magpaliwanag ng side ko kung gusto niya.
"Did you always do that?" He looked not mad when he asked me. But he's expressionless. Mas nakakakaba siyang makitang ganito.
"W-What do you mean?"
"Sleeping there? Specifically in his room. Kahit kayong dalawa lang?"
His forehead creased in annoyance. Napalunok ako sa nakitang reaksyon mula sa kanya. Medyo nasasanay na akong lage siyang may pakialam sa mga ginagawa ko. But what I don't always like when he act like this is his tone. Sa tono ng pagtatanong o pagsasabi niya, pakiramdam ko ay ako na ang pinakawalang magandang nagawa sa buhay.
Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba, katulad ng mga gawa-gawang kwento ng mga co-models ko tungkol sa akin para siraan ako. I usually ignore them, not minding them, not giving them my precious attention. But in case of Casper, iba ang epekto niya sa akin. I am the one who's in need of his attention. So, I just want him to see my good side. For him to like me. But sadly, simula palang noong nagkakilala kami, puro mali lang ang napupuna niya sa akin.
"What's wrong with it? He's my manager and he's my friend." I looked away from him. Ayokong makita ang pagbabanta ng mga luha ko sa mata. Tsk. I'm such a cry baby kung siya ang kaharap ko.
"So, you trust him that much?"
"Of course. Why not? We've known each other for years."
"Okay. I'll accept the fact that he's your friend and manager. Pero Cassy naman... Iba na ang sitwasyon mo ngayon. You're not single anymore, who can do whatever you want. Paalala lang, may asawa ka na."
"Wala ka bang tiwala sa akin?" I faced him. Ngayon ay ako naman ang nakakaramdam ng inis.
"I just want to let you know na hindi ko nagustohan ang naabutan at nalaman ko, Cassy. You're already married to me and I would not tolerate what you did. Hindi iyon tama. You need to respect me!"
"Respect you? Really, Casper? Nagdududa ka sa akin! And I'm disappointed! Iyan ba ang tingin mo sa akin? Na hindi ako mabuting babae? Iniisip mo bang may ginagawa akong masama? Na gawain kong magpakama? You should have known me. You took my virginity! Sa'yo ko binigay ang pinakaiingatang pagkababae ko! Even if I know that you don't love me, I still give it to you because I accepted you as my husband!"
I stood up and hurriedly ran upstairs. Hindi ko siya nilingon. Hindi rin naman niya ako pinigilan. And it added the pain I felt. I didn't cry though. Hindi ako umiyak kahit ang sikip ng dibdib ko. Galit akong kumuha ng damit pantulog niya at itinapon sa labas ng kwarto. Kumuha rin ako ng isang unan at kumot tapos hinagis din sa labas bago ko sinirado ang pinto at ini-lock ito.
ALAS-OTSO na ng umaga ng magising ako. Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Hindi pala ako nakakain ng dinner. Mabilis akong nakatulog kagabi dahil sa sama ng loob.
Napabalikwas ako ng bangon nang may naalala. May trabaho ngayon si Casper. Late na siya! I locked the door kaya siguradong hindi siya nakapasok sa kwarto para magbihis.
But unexpectedly... nakaawang ang pinto ng kwarto nang tingnan ko ito. Then I remembered, may spare key pala ang damuho. I wonder kung sa sala ba talaga siya natulog o tumabi siya sa akin. Wala akong naaalala. Ang himbing ng tulog ko kaya hindi ko napansin ang pagpasok niya.
Iwinaksi ko na siya sa isip ko at naisipang maligo muna bago bumaba. I'm really hungry. Siguradong nasa opisina na ang magaling kong asawa kaya walang magluluto para sa akin ngayon. I need to cook for myself. Marunong naman ako. Puro prito nga lang.
Nagulat ako nang madatnan ko si Casper sa kusina. Prenteng nakaupo sa pwesto niya habang nakatingin sa pagpasok ko. He was already dressed for work. Mukhang handa na ring umalis pero hinintay lang ako sa hindi ko alam na dahilan. Akala ko ayaw niya muna akong harapin. I almost forgot na walang alam na awkwardness ang sistema ng prangkang damuhong ito.
He stood up after seeing me. Napako naman ang mata ko sa lamesa. May nakahanda ng agahan doon. So, he still cooked for us... for me.
Stop melting, Cassy!
"Kumain ka na. Tapos na ako. Hinintay lang kita para sabihing matatagalan ako na uwi mamaya. May usapan kaming magkita ng mga kaibigan ko. I'll go now."
Walang preno siyang nagsalita. Kaya hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataong magpasalamat. Hanggang tanaw nalang ng papalayong pigura niya ang nagawa ko.
Damn it. Hindi ko alam kung tama bang panindigan ang pagkainis ko o hahayaan ko nalang ang pagpipigil ko ng ngiti. At the end ay nanalo ang huli. I excitedly sat on my chair and started eating my breakfast deliciously.
Dahil wala akong trabaho ay buong umaga akong nanood ng movies. I ordered take out for my lunch and did a little bit of cleaning after eating. Medyo napagod ako pagkatapos kaya naisipan kong matulog kahit hapon na.
Gabi na ng magising ako. Naalimpungatan ako dahil sa kaluskos sa may cabinet. I saw Casper changing his clothes. Agad akong nag-iwas ng tingin when he looked at my side. Nanuyo ang lalamunan ko. I suddenly remembered something after seeing him wearing his pants. At nakakahiya kapag nalaman niya kung ano ang naalala ko.
"Mabuti't gising ka na. I brought you dinner. Nasa kusina."
"K-Kumain ka na?" Mabilis akong bumangon at bumaba sa kama.
"Yes. Sa bahay nina Zac kami kumain."
"Ah... Okay. Bababa na ako."
He just nodded as a response. Nagkukumahog na lumabas naman ako agad sa kwarto. Ang lambot talaga ng ilong ko! Ang bilis bumigay!
![](https://img.wattpad.com/cover/68072139-288-k843748.jpg)
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...