CHAPTER 21

35 1 0
                                    

"SAAN nga ulit ang cottage namin?" hindi maipintang-mukha na tanong ni Casper sa babaeng receptionist, na nakangiti pa rin sa kabila ng dumidilim na aura ng kasama ko.

"Right side po, Sir. Pinakadulo na cottage. At pinakamaliit rin."

"Wait, Miss. Pwede mo bang e-check ulit? Mommy ko kasi ang nag-book ng accommodation namin kaya 'di namin alam," pakiusap ko sa kanya.

Napatiim-bagang na kasi si Casper habang nasa magkabilang beywang ang mga kamay. Para na siyang puputok na bulkan. At ayoko sa nakikita ko. Masyado halata na pinapaalam sa akin na ayaw niyang makasama ako.

"For Mr. Casper and Mrs. Cassy Smith..." check niya ulit. "Iyon nga po ang pinareserve. Tama po ang sinabi ko," ngiti niya na naman.

Napalingon ako kay Casper. Napapabuga siya ng hininga habang nakatingin sa may kisame. Pilit na kinokontrol ang galit niya.

Bumaling ulit ako sa receptionist. "Pwede ba kaming magpalit ng cottage? Kahit magkano, magbabayad kami."

"Sorry po, Ma'am. No cancellation, no exchange po ang policy ng resort."

"Aish! Walang signal dito?!" maktol ni Casper sa likod ko habang kinakalikot ang cellphone niya. Muntik na niya itong maitapon sa inis.

"Wala po, Sir. Gusto po naming bigyan ng personal interaction ang mga guest namin. Ayaw naming makaisturbo ang mga gadgets."

Ewan ko kung tama bang magdiwang ako sa sitwasyon namin ngayon. Para kasing advantage sa akin lahat ng policy ng resort na ito. Kung hindi lang sana nakabusangot ang mukha ni Casper.

"Fine. We'll get it," dabog niya at agad na lumabas dala ang maleta namin.

"Ito po ang susi ng cottage niyo, Ma'am," magalang na bigay ng receptionist sa akin.

"Thank you," tanggap ko sa inabot niya.

Nagugulohan talaga ako kung bakit ngiting-ngiti siya. Parang sanay na siyang makasalumuha ng guests na tulad namin. May kakaibang kislap pa sa mga mata niya. Gustong-gusto niya siguro ang trabaho niya.

Mabilis akong sumunod kay Casper. Malayo-layo na siya ng makita ko. Kaya tumakbo ako para maabutan siya.

Sampung cottage sa left side at sampung cottage rin ang nasa right side. Malinis at maaliwalas ang paligid. Tahimik at wala akong nakitang ibang guests. Maaga pa kaya tulog pa yata sila.

Simple lang ang pagkakagawa ng cottage. Mula baba hanggang kalahati ay gawa sa bricks. Kalahati pataas ay gawa sa magkakadikit na kawayan. Habang ang bubong naman nito ay yari sa kogon. May terrace ang cottage na gawa sa kawayan, mayroon itong dalawang kahoy na upoan at isang pabilog na lamesa na gawa sa matibay na mahogany.

"Buksan mo na," wala sa mood na utos ni Casper sa akin pagkarating namin sa pinakadulong cottage.

I immediately opened the sliding tented glass door, na nakaharap sa dagat. Bumulaga agad sa aming paningin ang isang kama na may puting bedding, blanket at apat na malalambot na unan. Sakto lang ang kama para sa dalawa. May isang cabinet sa kanang gilid, katabi ng pintuan ng malinis na shower room slash comfort room. Iyon lang ang nasa loob ng cottage. Wala ng ibang gamit, mini-table man o upoan. Makitid na rin ang natitirang espasyo ng sahig. Na para bang sinadya para hindi mahigaan.

Even if it's small, the room is not suffocating though. Dahil maaliwalas ang kulay krema na pintura ng bubong. Plywood pala ang bubong sa loob. Nakakahalina rin ang pastel green na kurtina sa sliding tinted window na nasa kanan at kaliwang bahagi ng cottage. Plywood rin ang kisame. Nakakabit naman sa may likuran, sa bandang kaliwa ng kama, ang maliit na aircon.

Hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam ko. Para kasing match-maker ang cottage na ito. Na ginawa at denisenyohan ang kwarto para paglapitin ang mga taong mananatili dito.

Inilagay ni Casper ang mga maleta namin malapit sa cabinet. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya na may kinukuhang gamit sa loob ng maleta niya.

"I'm tired and sleepy. Kaya matutulog ako pagkatapos kong maghalf-bath. So, take your time. Do what you want," direktang sabi niya sa akin bago pumasok sa banyo.

Pumutok ang bula ng pag-asa ko. Kumirot ang aking dibdib at parang piniga ang puso ko.

Nagising ako sa katotohanan na hanggang panaginip lang mangyayari ang pangarap ko. Na may magandang kahihinatnan ang pagpunta namin dito. Nakalimutan kong kunwari lang pala... na magkasundo kami, na gusto namin ang honeymoon na ito. Nawala sa isip ko na asawa ko si Casper… hanggang sa papel lang. I neglected the fact… na ako lang pala ang nagmamahal.

I left my phone and went outside the cottage with my selca. Napagpasyahan kong mamasyal nalang para maibsan ang bigat ng nararamdaman ko.

Maliwanag na ang paligid. Nang nilingon ko ang nasa kaliwang bahagi na mga cottage, nakita ko ang paglabas doon ng ibang guests. Napansin ko na puro magkapares pala ang nandito. May naka-backhug habang nakatayo sa may teresa, may magka-holding hands while walking, at meron ring magkaakbay habang umiinom ng kape. Mukhang nasa honeymoon stage din sila. Ang pinagkaiba lang namin ni Casper sa kanila ay… kami lang yata ang hindi in-love. Ako, oo, pero siya hindi.

Malungkot akong ngumiti at lumiko pakanan, palayo sa mga cottage. Papunta ako sa pinakadulo ng buhanginan. Doon sa may mga tipak na malalaking bato. Low-tide naman kaya pwede akong dumaan sa may dagat. Sa likod ng mga bato nalang ako kukuha ng larawan. Ayokong makita ang ibang couples. Maiingit lang ako. At masasaktan na naman.

Hindi naman ako nagkamali sa desisyon ko. May karugtong na buhangin pa pala sa likod ng bato. Malinis pa rin ang paligid at ang linaw ng dagat. Nakadagdag pa sa kagandahan ng baybayin ang isang resthouse na nandito. It's simple yet relaxing. Napapalibutan ito ng mga berdeng halaman at kunting puno.

Pero 'di na ako lumapit sa bahaging iyon. Baka private property, makasuhan pa ako ng trespassing. Tumigil na ako ilang dipa ang layo sa bahay at umupo sa lilim ng bato.

Isang hilig ko maliban sa pagmomodelo ay photography at videography. May DSLR din akong dala na nasa maleta ko. Pero ang selca ang ginamit ko ngayon dahil mas magaan itong dalhin.

Kumuha ako ng larawan habang nakaupo pa rin para aliwin ang sarili ko. Nasa malawak na karagatan nakatutok ang lens ng camera ko. Napangiti naman ako ng makita ang magandang kuha ko.

"Who are you? Why are you here?"

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon