CHAPTER 38

39 0 0
                                    

SERYOSO ang ekspresyon ng mukha ni Greg habang nakatingin sa akin. Magkatapat kaming nakaupo, nasa gitna namin ang lamesa.

"You asked for a month leave. Why are you here?"

Napakagat-labi ako sa narinig at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Hindi ko magawang aminin sa kaibigan ang rason ko. Nakakahiyang sabihin sa kanya na ginamit ko siya para pagselosin si Casper.

"Hmn... Bawal ka na bang bisitahin?" I giggled. Siguradong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Alam kong kabisado niya na kung kailan ako nagsasabi ng totoo at hindi.

I took a month leave. Hindi ko ito nasabi kay Casper. Noong nalaman ko ang honeymoon na plinano ng parents namin, agad kong napagpasyahan na magpahinga muna sa trabaho. Because I thought, that maybe... something good would happen after it. Na baka magkasundo na kami ni Casper pagkauwi. I assumed that something would change after the trip, like my husband's feelings for me. But sadly... pag-uwi namin, bumalik na rin kami sa dati. That we're married, not bound by love but just in papers.

"You looked happy, huh?" Greg smirked at me. Tumayo siya at naglakad papuntang sala. Agad naman akong sumunod sa kanya.

"Happy? Not really..." I rolled my eyes. He sat on the couch and I immediately sat beside him.

"How's your trip?" He sounds not so interested, but he still asked. Napangiti ako. Kilala na talaga ako ng kaibigan ko. I'm not really showy with my real feelings but in case with him, nasasabi ko sa kanya lahat ng iniisip ko.

"You mean our honeymoon?"

He glared at me. Napatiim-bagang siya at agad nag-iwas ng tingin. Nagseselos yata ang bestfriend ko. Naninibago pa rin siguro siya.

Ilang taon din na kami ang laging magkasama. We're inseparable. He's my manager and my only friend. I never had a boyfriend pero bigla nalang akong ikinasal. I still remember how shocked he was when I told him the news.

In his case, marami siyang kakilala. Kailangan iyon dahil na rin sa trabaho niya bilang manager. Pero masasabi kong ako lang rin ang nag-iisang tunay na kaibigan niya. I really don't know why. Capable naman siyang magkaroon ng maraming kaibigan. Actually, there are a lot of people who wants to befriend him. But he choose to be with me, to have just me, as his friend. Dahil kaya sa sekreto niya? Ako at ang parents ko lang ba talaga ang nakakaalam sa totoong pagkatao niya? I'm open with my thoughts and feelings to him, but he's not that showy and talkative to me.

"Nevermind, Cassy. Just keep it to yourself," suplado niyang sagot. I chuckled at his response.

"Napapansin ko na ang pagka-ampalaya mo. Mag-boyfriend ka na kasi," panunudyo ko.

"I don't want a boyfriend."

"Really, Greg? Napaka-secretive mo! Baka 'di ko lang alam na may dinadala kang lalaki dito," I laughed. Mahinang hinampas ko ang balikat niya, it let me feel his firm muscles.

"Damn you." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako pahiga sa may hita niya. Napatawa ulit ako dahil sa sagot niya. Patagilid akong humiga, paharap sa malapad na TV screen.

This position is not new to us. Kaya nga lage kaming napapagkamalang magnobyo dahil sa gestures namin. Dahil siguro sobrang close na namin kaya normal lang sa amin ang yakap, hawak-kamay at laging magkatabi. We're like siblings. Sisters to be exact.

Tahimik lang kaming nanonood ng fantasy movie, like the usual. Mamayang alas-onse ay magluluto na kami ng tanghalian. Siya lang pala ang magluluto, tutulong lang ako sa paghahanda.

Kakatapos lang ng three hours length na pelikulang pinapanood namin ng may nag-doorbell. Nagkatinginan kami ni Greg. I looked up at him while he looked down at me.

"Sino 'yon?"

"May bisita ka?"

Sabay kaming nagtanong. His forehead creased. Nagkibit-balikat naman ako bago bumangon. He doubtly eyed me before he stood up and went to the door. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.

"Your husband ordered food for us," Greg hissed. May bitbit na siyang dalawang plastic bag pagbalik niya.

"Talaga?!" I excitedly jumped out of the couch. Mabilis akong nakalapit sa kanya at tiningnan ang laman ng dala niya. "We don't have to cook for lunch then!"

"Yeah," he scoffed. "Nandito na rin naman 'to, mabuting kumain nalang tayo."

"Sure! Let's go!" Agad kong hinila si Greg papuntang kusina. I can't stop myself from feeling giddy. Goodness! This is just a small effort pero ang saya-saya ko na! Casper and his effect on me. Tsk.

Naisipan kong matulog pagkatapos kumain. Hinayaan ko na si Greg kung anong gusto niyang gawin, nasa sala ba siya o mini office niya o baka may ibang lakad siya. With no ill thoughts, sa kwarto ako ng kaibigan ko natulog, like I did for how many times already. Pero iba yata ang takbo ng utak ni Casper. Hindi ko maipinta ang reaksyon niya pagkalabas ko ng kwarto pagkatapos akong gisingin ng kaibigan ko. Ang gaan pa ng pakiramdam ko ng marinig kong nandito na ang sundo ko, pero biglang gumuho ang excitement ko nang matalim siyang nakatingin sa akin habang nakatayo sa gilid ng pintuan. Mukhang kakapasok niya lang pero atat ng lumabas.

"Let's go," he coldly said and hurriedly went outside. Hindi na ako tinapunan ng ikalawang tingin. Hindi na rin nagpaalam pa kay Greg.

"Sorry. May topak talaga ang isang 'yon," paumanhin ko sa kaibigan ko. "Gotta go. Thank you for letting me stay here today."

"Tss. As if ngayon lang, huh? You almost live here," he smirked. I chuckled at his realization.

"Bye, Greg. See you!" Mabilis ko siyang niyakap at binitiwan bago nagmamadaling sumunod sa nagsusupladong asawa ko.

Magkasalubong ang kilay ni Casper habang naghihintay sa akin sa harap ng elevator. Nagkukumahog pa akong tumakbo ng bumukas ito at agad siyang pumasok. Kaming dalawa lang ang sakay. Wala kaming imikan at tanging tunog ng pagbaba ng elevator lang ang naririnig namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse pero hindi niya pa rin ako kinausap noong nasa daan na kami hanggang sa nakauwi.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon