CHAPTER 29

30 0 0
                                    

TANGHALI NA pala nang magising kami. Hindi na muna kami naligo at nagbihis nalang. I wore a yellow beach tube dress habang naka-white polo naman  siya at itim na beach shorts. Pagkatapos ay pumunta na kami sa restaurant para mananghalian. Sumakay ulit kami sa motor. Nabigyan na naman ako ng pagkakataong mayakap ang likod ni Casper.

Sinigang na baboy at inihaw na isda ang ulam namin. May kasamang hinog na papaya na hiniwa pa sa harap namin. Pero napakunot-noo ako nang ibinigay ito lahat kay Casper. Kahit pwede namang ibigay ng ginang ang kalahating piraso sa akin. Umalis na siya agad pagkatapos.

"Here." Nilagay ni Casper ang isang papaya sa tabi ng plato ko. Hindi ko naman mabasa ang expression niya. Mukha siyang natatawa pero pinipigilan niya yata.

Nagkibit-balikat nalang ako at pilit na binabaliwala ang tanong sa isip ko. Kung bakit ganun ang ginawa ng ginang. Dahil ba napopogian siya kay Casper o pakulo na naman ito ng restaurant? Para magkaruon kami ng interaction ng kasama ko.

Tahimik lang kaming kumakain. Pero napapansin kong panay ang tulak ni Casper sa mga lalagyan ng pagkain palapit sa gawi ko para mas madali kong maabot. Hindi siya tumitingin sa akin. Pasimpleng ginagawa niya iyon habang sumusubo ang isa niyang kamay.

Ayokong maglagay ng malisya sa actions niya. Pero kasi naman e...

Ang hirap hindi mag-assume. Ang hirap hindi kiligin.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami sa buhanginan pabalik sa cottage namin. Dahil mas matangkad siya, lakad-takbo ang ginagawa ko para lang maabutan siya.  Pero hanggang likod niya lang talaga ako lage. Para naman kasing walang kasama ang damuho, ang bilis niyang maglakad.

"Ewan," maikling sagot niya. Nagsusuplado na naman. Bipolar yata ang gagong 'to eh.

"Wala din akong naiisip na magandang gawin," ayon ko nalang.

Pagkarating namin, agad na pumasok sa loob ng cottage si Casper. Hindi man lang ako nilingon. Napaingos nalang ako at padabog na umupo sa may terrace.

"Natatae yata 'yon e, kaya nagmamadali," I murmured. Pinatid-patid ko pa ang suot kong tsinelas.

"Pumasok ka na."

"Ay palaka!" Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Kalahati lang ng katawan ang nilabas niya sa pintuan. Nakangisi ang damuho ng tingnan ko siya.

"Hindi ako palaka. Gwapong prinsipe ako. Halika na sa loob."

Pumasok na siya ulit, hindi pa nga ako nakapagsalita. Naisipan kong hindi siya sundin. Pero asa! Ang bilis kong nakatayo. My body moves faster and different from my thoughts.

"Masusunod po, Kamahalan!" sarcastic kong sagot. Ngunit ang totoo ay kitang-kita na ang gilagid ko sa laki ng ngiti ko.

"Let's play scrabble," salubong niya sa akin pagpasok ko. Naka-indian seat siya sa ibabaw ng kama at may nakalatag na scrabble board sa harap niya.

"Oh? Bakit may ganito ka? Hiniram mo?" Excited akong umupo sa harap niya.

"This is mine. Dinala ko 'to." Binigay niya sa akin ang isang lagayan ng tiles na mabilis kong tinanggap.

"So, we'll play it normally or we'll make a twist?"

"Hmn..." Napaisip siya. "May dala kang lipstic?"

"Uh, yup. So, papahiran ng lipstick ang talo?"

"Yes. But here's the rule, hindi tayo magpapataasan ng score. Every word that defines a food or name of a food is a win. Pero sa bawat tira na hindi, lalagyan ka ng lipstick sa mukha."

"What?! But that's too hard!"

"That makes the game fun and challenging," he smirked.

Nagbato-bato pick kami kung sinong mauunang tumira. Ang talo ang una. At sa minamalas nga naman, ako ang talo. Kaya simula pa lang, nalagyan na ako ng lipstick. Tuwang-tuwa ang damuho nang ginuhitan niya ng bilog ang dulo ng ilong ko tulad ng reindeer.

Hindi ko alam kung nag-cheat siya dahil mayroon siyang nabubuong pangalan ng pagkain. Samantalang ako ay wala kahit ni isa. Wala na nga yatang space ang mukha ko dahil sa dami ng drawing niya.

Halos apat na oras din kaming naglaro. Dahil alam kong talong-talo na ako, I grabbed the opportunity nang chance ko ng lagyan ng lipstick ang mukha. Wala naman siyang sinabi na isang guhit lang pwede, kaya plinano kong guhitan sila mula kaliwang tenga hanggang kanan.

Pero kinakailangang dumaan ng lipstick sa may labi niya. Napatigil ako at napatitig doon. Ang lapit ng mukha namin. Tumatama na nga ang hininga niya sa mukha ko.

I decided to put lipstick in his lips. Ingat-ingat ako sa paglalagay. Dahilan para bumagal ang kilos ko.

Nawala ako sa sarili ko kaya hindi ko namalayan ang awkward na posisyon. Napokus ako sa lips niya kaya hindi ko napansin ang kakaibang titig ni Casper sa akin.

Biglang tumikom ang mga labi niya. Doon ako natauhan at tiningnan siya. I met his penetrating gaze. Hindi ko naman mabasa ang expression niya. He just stared at me and I did the same.

"Ligo tayo ng dagat," kalauna'y sambit niya.

"Sige— Wait! Oh my gosh! Ibaba mo ako Casper!"

Bigla niya akong binuhat. Bridal style tulad ng nai-imagine ko minsan.

He just laughed at me. Lumabas siya ng cottage at patakbong pumunta sa tabing dagat, tangay-tangay ako. Natakot akong mahulog kaya napakapit ako sa leeg niya. Napasubsob pa ako sa may dibdib niya at rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"One, two, three!" Walang pakandungang hinagis niya ako sa dagat sabay malakas na tumawa.

Hindi ko alam kung anong itsura ko pagkabagsak ko. Pero isa lang ang sigurado ako, bumaba ang suot kong tube. Pati ang de taling bra ko ay nahubad. Agad kong sinapo ang dibdib ko at hindi inahon ang katawan ko.

"Okay ka lang—"

"Diyang ka lang! 'Wag kang lalapit!" mabilis kong pigil sa pag-akmang paglapit ni Casper sa akin. Nawala ang ngisi niya.

"Tumalikod ka," utos ko.

"Bakit?"

"Basta!"

"Bakit nga?" naiinis na humakbang ulit siya palapit.

"Wala akong pan-itaas!"

"H-Ha? Ano?"

"Nahubad ang damit at bra ko, damuho ka!"

Mabilis pa sa ipo-ipong napatalikod si Casper at humakbang palayo.

"H-Hindi na pala ako maliligo ng dagat," saad niya at dali-daling umalis. Naiwan akong nag-iinit dahil sa hiya.

Agad kong sinuot ang bra ko at inayos ang tube ko. Nagtampisaw pa ako saglit bago umahon at bumalik sa cottage. Pero hindi agad ako nakapagbanlaw dahil ginagamit ni Casper ang shower.

Pagkatapos niya ay walang lingon-lingon na dinaanan niya lang ako at sinabing bibili na siya ng hapunan namin.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon