CHAPTER 32

30 0 0
                                    

NAGISING na naman akong nakaunan sa braso ni Casper at nakayakap sa katawan niya. Dahan-dahan akong kumalas at bumangon bago pa siya magising. Lumabas ako ng cottage para magpainit. Malamig na kasi ang temperatura ng kwarto dahil sa aircon.

Napangiti ako nang makita ko ang payapang dagat. Huminga ng malalim para masamyo ko ang malinis at preskong hangin ng isla. Umupo ako sa may baitang ng terrace at inaliw ang sarili sa magandang tanawin.

Mataas na ang sikat ng araw pero hindi naman mainit sa kinaruruonan ko dahil sa matatayog na mga niyog. Wala akong nakitang namamasyal sa dalampasigan. Ang tahimik ng paligid. I really like the serenity of this place.

Tumunog ang tiyan ko sa gutom. Naisip kong bumili ng agahan sa restaurant habang tulog pa Casper. Para naman makabawi ako sa kanya. Siya nalang lage ang bumibili. Nagpaulan pa siya kahapon.

Now, I want to do something for him too.

Pagpasok ko sa loob ng cottage ay nakita kong bumangon na siya. Pero nakaupo pa rin siya sa kama habang nasandal ang ulo sa pader at nakapikit ang mga mata.

"Inaantok ka pa? Matulog ka nalang muna," sabi ko at napadilat siya.

He looked at me with a tired eyes. Agad nangunot ang noo ko at nilapitan siya.

"Are you okay?" Sinubokan kong hawakan ang mukha niya pero mabilis niyang iniwas.

"Masakit lang ulo ko," sagot niya. Even his voice sounds so tired. It sounds a little hoarse. But I find it so sexy.

Pati may sakit na Casper hindi ko pa pinalagpas.

"Sigurado ka? I could buy you medicine. Pupunta ako ng restaurant para bumili ng agahan natin."

"Gutom ka na?" Pomungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ako na ang bibili." Akma siyang tatayo kaya agad ko siya pinigilan.

"No! You're not feeling well. Just rest here. I'll bring you medicine."

Bumaba ako sa kama pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Cassy 'wag na. Ayoko ng gamot. Iinom lang ako ng tubig 'tas pahinga lang ako saglit. Mawawala din agad 'to," he pleaded.

Naghihina talaga siya. I can see it. I can feel the heat from his palm. At hindi ko siya kayang pabayaan.

"Pero Casper, nilalagnat ka. Just wait for me here. You need to take medicine—"

"Cassy!" hila niya sa akin. "Huwag ka na kasing mag-abala."

Hinila ko pabalik ang kamay ko pero hindi niya ito binitiwan. Hinila ko ulit kaso humigpit naman ang pagkahawak niya.

"Ang tigas naman ng ulo mo!" asik ko.

Hinanda ko ang sarili ko at buong lakas na binawi ang kamay ko. Pero akong nahila imbes na siya. Dumulas ang paa ko sa sahig kaya natumba ako palapit sa kanya.

Saktong lumapat ang mga labi ko sa labi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Bumuka ang bibig dahil sa gulat. Dahilan para napagalaw ang labi ko. He gasped in response, making me feel his soft and hot lips.

Natauhan ako at agad umatras. Mabilis na bumangon at bumaba sa kama.

"M-Magpahinga k-ka nalang!" natarantang saad ko sabay hablot ng wallet ko sa loob ng nakabukas na cabinet at mabilis na lumabas ng cottage.

Wala sa sariling naglakad ako papuntang reception building. Nasa buhangin ang tingin habang nagre-replay sa utak ko ang una kong halik, ang malambot at mainit na labi ni Casper na lumapat sa labi ko. Kumabog ng mabilis ang puso ko. At napahawak sa nag-iinit kong mukha.

"Oh my gosh! Hindi pa ako nakapag-toothbrush!" tili ko habang napapatalon sa kilig.

Parang timang na ngiting-ngiti akong dumiretso sa likod ng reception building. Naabutan ko ang pick-up doon na may dalawang pares ng couple ang nakasakay sa likod. Pinaupo ako sa frontseat ng driver dahil ako lang namang mag-isa.

Bumili ako ng sopas, gamot sa sakit ng ulo at lagnat para kay Casper. Pipilitin ko talagang siyang inumin ito para maging maayos na ang pakiramdam niya. Bukas na kami uuwi at mahaba pa ang byahe namin.

Nag-order na rin ako ng lunch at dinner namin. Ipapa-deliver ko nalang. May staff naman daw na pwedeng maghatid sa cottage namin. Narinig ko pang may nag-suggest na babaeng guest na sana may telepono at medicine kit daw ang bawat cottage for emergency purposes. Sinagot naman siya ng staff na meron daw noon, pero last month nasira lahat ng cottage dahil sa bagyo. Kakabukas lang ulit ng resort two weeks ago. Pina-process na daw ng manager at may-ari ang mga kulang na kagamitan. Humingi ito ng pasensya at nagpasalamat sa pag-intindi namin.

Bumalik ako sa cottage habang ingat na ingat sa pagdala ng pagkain. Naabutan ko si Casper na nakaupo sa may terrace. Hinihintay niya ang pagdating ko.

"Bakit ka lumabas? Nagpahinga ka nalang sana sa loob," magkasalubong ang kilay na nilapitan ko siya. Nilagay ko ang mga pagkain sa lamesang nasa harap niya.

"Nahirapan ka ba?" balik-tanong niya. "Anong sinakyan mo? Nag-motor ka?"

Tunog nag-aalala siya. Pero ko iyon binigyang pansin. Iniwas ko nalang tingin ko at inayos ang dala kong pagkain.

"Madali lang ginawa ko, Casper. Hindi ako nag-motor. Sumabay ako sa pick-up kasama ang ibang guest."

"Ikaw lang ang walang partner kung ganun?" himig nanunudyo siya.

Pabirong inirapan ko siya at padabog na umupo sa katapat niyang upoan.

"Oo! Kaya magpagaling ka agad para may partner na ako," ismid ko. He chuckled in return.

Tahimik na kami nang magsimula na kaming kumain. Hindi ko na ulit siya tiningnan pa. Naalala ko kasi ang nangyari kanina.

I'm trying to act cool, na wala lang sa akin iyon. But deep inside, nagkabuhol-buhol na ang paghinga ko. Kumain pa ako ng mabilis para makaiwas ako sa kanya kahit saglit lang. I'll just let myself calm down. Dahil kung hindi, malalaman niyang apektado ako.

Pero ang damuho, ang bagal kumain. Alam kong mabigat ang katawan niya. Pero mas mabagal pa sa pagong kung sumubo siya. Nag-angat siya ng tingin nang mapansin niyang tapos na ako. He gloomily made a face when he saw me staring at him.

"I'm really slow. Suboan mo ako..."

Parang kiniliti ang tenga ko sa narinig mula sa kanya. He even pouted that directed my attention on his reddish lips. Umiwas ako ng tingin nang ngumiti siya.

"Tsk." Hinablot ko ang hawak niyang kutsara at nagsimula siyang suboan. Mainit pa ang sopas at hinihipan ko iyon bago ibigay sa kanya.

Habang ginagawa ko iyon ay nakatitig lang ako sa bibig niya. Ayokong salungatin ang tingin niya. Dahil kung gagawin ko iyon, manginginig ang kamay ko sa kaba.

"Masarap," biglang sambit niya.

"Huh?" Sandali kong tiningnan siya. Napatango nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Masarap naman talaga ang mga luto nila. Kahit gaano kasimple."

"Yeah. The tastiest from all I've savour."

I looked at him again. And I found him looking at my face. Somewhere down.

Is he staring at my lips?

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon