CHAPTER 28

30 0 0
                                    

"CASSY? Hindi ka pa ba tapos magbihis diyan?" naiinip na tanong ni Casper na naghihintay sa akin sa labas ng cottage.  Tapos na kaming kumain ng dinner. Tulad kahapon, nakabili na siya paggising ko kanina.

Ngayon ay kasalukuyan akong namimili ng isusuot na panligo. Pero natagalan ako dahil hindi ako makapili. Syempre dapat akong maghanda para mapa-impress ko itong damuho kong asawa. Ang hirap pa namang makakuha ng compliment mula sa kanya. Dadaan muna ako sa butas ng karayum bago makarinig ng maganda.

"Cassy! Ano ba?! Nilulumot na ako dito!"

"Wait lang! Malapit na akong matapos!" Pero ang totoo ay hindi pa talaga ako nakapagsimula. Palipat-palipat pa rin ang tingin ko sa mga damit na nakalatag sa kama.

"Kanina mo pa sinasabi 'yan! Bahala ka na nga! Mauna na akong maligo!"

Rinig ko ang padabog niyang pag-alis. Napakamot sa ulong kinuha ko ang pinakauna kong option at agad na nagbihis. Kainis talaga ang damuhong 'yon, ang hilig mang-iwan! Kung hindi ko lang mahal, eh.

"Casper!" tawag ko sa kanya pagkapunta ko sa dalampasigan. Nasa may ilalim na bahagi siya ng dagat at ganadong-ganadong naglalangoy. Napaurong siya at nilingon ako.

"What the heck?!" exaggerated niyang sigaw. "Halos isang oras kang nagbihis tapos 'yan lang pala ang sinuot mo?!" Umahon siya sa dagat at lumapit sa kinaruruonan ko.

"Anong problema mo sa suot ko?!" Nakapameywang na balik tanong ko.

"White t-shirt at black shorts, seriously Cassy? I expected you to wear two-piece swimsuit," he grinned.

"Ha! Dream on!" irap ko at lumusong na sa dagat.  Nag-iinit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Napaka-direct niya talagang magsalita. Ewan ko nga lang kong totoo ang pinagsasabi niya o biro lang iyon para sa kanya.

Bago pa ako tuloyang nakalubog sa dagat ay naramdaman ko ang pagwisik niya sa akin ng tubig. Napasigaw ako dahil sa lamig. Tumawa ang damuho kaya hinarap ko siya't sinabuyan rin.

Kami lang ang nandito sa may baybayin kaya dumagundong ang tawa at sigaw namin sa tahimik na paligid. Mabuti nalang at nasa pinakadulo kami at malayo-layo sa katabing cottage kaya hindi naman siguro kami makakaistorbo sa iba.

Hinahabol rin ako ni Casper at sa tuwing naaabutan niya ako, tinutulak niya ang ulo ko sa ilalim ng tubig. Napakadamuho talaga! Kapag napapaubo ako dahil nakakainom ako ng tubig-alat ay tumatawa lang siya at tatakbo palayo sa akin. Ilang ulit ko siyang tinapunan ng tsinelas ko, na kapag natatapon ko sa malalim na parte ng dagat ay kinukuha niya at binabalik sa akin.

Paulit-ulit na tudyoan at gantihan lang ang nangyari sa loob ng ilang oras. Alas diyes na nang makaramdam kami ng sobrang ginaw kaya napagpasyahan naming umahon na. Pinauna niya akong magshower at magbihis habang naghintay naman siya sa labas. Binilisan ko naman ang galaw ko dahil alam kong nilalamig na rin siya. Pagkatapos ko ay ako naman ang lumabas at pinatuyo ng tuwalya ang buhok ko habang naghihintay sa kanya.

"Dito ka lang. May kukunin lang ako," biglang sabi ni Casper pagkalabas niya ng cottage.

Napatayo ako. "S-Saan ka pupunta?"

"Basta. Sandali lang ako," seryosong saad niya at agad ng umalis. Hindi ko na siya napigilan pa. Hindi rin naman ako umalis sa pwesto ko at hinintay siyang bumalik.

At totoo ngang sandali lang siya. Pagkabalik niya ay may dala na siyang puting paper bag.

"Ano 'yan?" I curiously asked. Sinalubong ko siya.

"Let's go inside," sagot niya at hinawakan ang kamay ko sabay hila sa'kin papasok ng cottage.

Nagugulohang pinaupo niya ako sa kama. Pagkatapos ay kinuha niya ang bagay sa loob ng paper bag. Blower ang nakita ko na isinaksak niya sa extension tapos ay pumwesto siya sa likod.

"This will dry your hair faster," he said and started drying my hair.

Nabigla ako sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala. Parang hinaplos ang puso ko. Nang-iinit tuloy ang mga mata ko, gusto kong umiyak. Pero nagpipigil ako. Hindi niya napansin ang pag-iba ng expression ko dahil nasa likod ko siya.

"Done. You can rest now," he smiled at me. Hindi makaimik na napasunod lang ang tingin ko sa kanya habang ibinabalik niya ang blower sa paper bag.

"Mukha ka na namang natatae," mahinang tawa niya nang malingunan niya akong nakatitig sa kanya.

"Salamat," irap ko sa kanya sabay higa sa kama at talukbong ng kumot. Kinikilig ako. Parang ewan na napapangiti ako. Tsk.

Napansin kong hininaan niya ang lamig ng aircon bago siya tumabi sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. Nang lingunin ko siya ay nakatalikod rin siya sa akin.

Naka-on pa ang ilaw. Alam kong nahihirapan siyang makatulog kapag maliwanag kaya tumayo ako at ini-off ang ilaw. Pero dahil walang lampshade ay sobrang dilim ng paligid. Natisod ako pagbalik ko kaya padapa akong lumanding sa kama. Nasubsob ang mukha ko sa may likod niya at napahawak naman ang kamay ko sa katawan niya.

"Ayy, sorry," mabilis na paumanhin ko at agad bumangon. Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya kaya bumalik na rin ako sa pwesto ko.

Hanggang sa tuloyan na akong nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako na mabigat ang katawan. Pero nakakapagtakang komportable ako sa pagkakahiga ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Nagulat pa ako ng mukha ni Casper ang bumungad sa mga mata ko.

Nang tingnan ko ang posisyon namin, nagulat ako. Nakayakap ako sa katawan niya habang nakaunan naman ako sa braso niya. Malapit ang mukha ko sa may dibdib niya habang nasa may ibabaw ng ulo ko ang chin niya.

Aalis na sana ako nang bigla siyang gumalaw. Awtomatikong napapikit ako ulit. Nakayakap pa rin sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pag-ungol niya. Marahil ay namamanhid ang braso niya dahil sa bigat ng ulo ko. Dahan-dahan siyang kumilos at inalis ang ulo ko sa braso niya at kamay ko na nakayakap sa katawan niya. Nagkunwari naman akong tulog.

Naramdaman ko ang pagbangon niya. Hanggang sa katahimikan ang narinig ko sa paligid. Lumipas ang ilang segundo ay inaayos niya ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ko.

Dumilat ako pagkatapos ng pagbukas at pagsara ng pinto. Napangiti na naman ako.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon