CHAPTER 30

32 0 0
                                    

NAKAHANDA na naman ang pagkain sa may terrace pagkatapos kong maligo. Alagang-alaga niya talaga ako. Pero hindi ko ramdam ang feeling na inaalagaan niya ako dahil gusto niya ako. Instead I felt that he take good care of me because it is his responsibility as my husband. Dahil na rin sa pangakong binitawan niya sa parents namin.

"Ayaw mo ba sa pagkaing napili ko?"

Napalingon ako kay Casper ng magsalita siya. Hindi ko namalayang natulala na pala ako at nakatutok lang sa pagkain. Agad akong umiling bilang sagot sa tanong niya.

"Hindi mo nagustohan?"

"Hindi! I mean— Gusto ko. Wala namang hindi masarap na pagkain dito. At hindi ka naman pipili ng pagkaing hindi papasa sa panlasa mo."

"So, bakit ka napatigil?"

"Ha? Ah, may iniisip lang ako," I timidly smiled.

"Ano namang iniisip mo? Or shall I asked, sino namang iniisip mo?"

"Ikaw," diretsa kong sagot. Nagulat siya. Pati na rin ako. Ang sarap batukan ng sarili ko.

Goodness, Cassy!

"Ako? Bakit mo pa ako iniisip, e nandito lang naman ako sa tabi mo," he grinned. Akala niya siguro nagbibiro lang ako kaya sumasabay siya.

"Heh!" Umirap nalang ako. Wala na akong maisip na isasagot sa kanya.

"Sus. Tell me honestly, Cassy, may problema ka ba? Ang lalim yata ng iniisip mo." His expression changed. But I'm not sure if totoong concern ang nakikita ko sa mukha niya.

"W-Wala akong problema."

"So, this just mean one thing... May iniisip kang lalaki! Sino 'yan ha? Iyon bang nakikila mo dito? O 'yong bestfriend mo? Namimiss mo na?" he teased me.

I glared at him. Napakamanhid talaga ng damuhong ito. Sinabi ko na ngang siya ang iniisip ko, pinagtutulakan pa ako sa iba.

"Oo na! Namiss ko silang dalawa! Masaya ka na?" Naiinis na inubos ko ang pagkain sa harap ko. Pagkatapos ay tumayo agad ako't iniwan siyang nagulat sa naging reaksyon ko.

"What's with the sudden change of mood? Nireregla ka ba?"

Hindi ko siya sinagot at nagtuloy-tuloy sa loob. Napakadirekta pero napakamanhid! Kinuha ko ang bottled water ko at inubos ang laman nito. Hindi sumunod sa akin si Casper. Marahil ay tinapos niya ang pagkain at nilinis ang pinagkainan namin.

Padabog akong umupo sa gilid ng kama. Ang hirap talagang magtago ng nararamdaman. Gustong-gusto ko ng aminin sa kanya pero hindi ko naman magawa dahil alam kong mare-reject lang ako. Naisip kong mas mabuti na ito na kahit hindi mutual ang feelings namin, at least magkasama pa rin kami, tinatrato niya pa rin ako ng maayos. Natatakot akong umabot sa point na malaman niya ang feelings ko tapos maging awkward na siya, baka hindi na niya ako pansinin.

Pero may pagkakataon talaga na tulad ngayon. Dahil sa dami ng assumption, expectations and what ifs sa utak ko, gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Ang kaso nga lang, naduduwag ako. Hindi ako dapat mainis sa kanya. Kasalanan ko naman ito. Dapat mas mainis ako sa sarili ko. Nagagalit ako kapag ang manhid niya, pero takot naman akong umamin.

MALAKAS NA ULAN ang narinig ko kinabukasan paggising ko. Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko, alas otso na ng umaga. Paglingon ko sa katabi ko, nakabaluktot na nakatakip sa kanya ang kumot.

Mas lumamig ang hangin ng aircon dahil sa klima sa labas. Bumangon ako at hininaan ito. Ingat na ingat akong pumunta sa may pintuan para hindi ko maistorbo ang pagtulog ni Casper. Hindi ko alam kung anong oras siya natulog kagabi. Basta ako, maagang nakatulog kahit basa pa ang buhok ko.

Binuksan ko ng kunti ang pinto ng cottage at sumilip. Hindi naman pala mahangin. Tuwid at malalaki lang ang patak ng ulan.

Nasa ganung posisyon ako ng marinig ko ang kaluskos sa likod. Paglingon ko, nakabangon na si Casper. His hair is messy at papikit-pikit pa siya. But in my eyes, he looks so sexy in his body tight white shirt while walking towards me.

"Kanina ka pa gising?" he huskily asked.

"Just few minutes ago," sagot ko.

Nabato ako ng bigla siyang pumwesto sa likod ko. Nakatukod ang isang kamay niya sa dingding at nakikisilip sa labas ng pinto.

"Ang lakas ng ulan. Gutom ka na ba?" He looked down at me. At bumungad sa paningin niya ang mukha kong nakaangat ang tingin sa kanya. Hindi tuloy ako makasagot sa tanong niya. Parang nagblanko bigla ang utak ko.

"Mukhang gutom ka na nga," he chuckled at tumayo na ng maayos. "Dito ka nalang. Bibili nalang ako ng makakain natin." Kinuha niya ang pitaka niyang nakapatong sa ibabaw ng suitcase niya.

Lumapit ulit siya sa akin. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya. Akala ko may sasabihin pa siya kaya hinintay ko siyang magsalita. Pero napangisi lang siya, hinawakan ako sa magkabilang braso at itinabi sa gilid. Dadaan pala siya. Nakaharang ako sa pintuan.

"Teyka lang—"

Hindi ko na siya napigilan pa na lumusong sa ulan na walang kahit anong pantakip. Wala nga kaming payong pero pwede namang tuwalya o damit nalang para hindi siya mabasa. Pero ang damuho, walang kaabog-abog na nagpaulan.

Basang-basa siya pagkadating niya. Agad ko namang binigay sa kanya ang hinanda kong tuwalya. Expected ko ng magmumukhang siyang basang sisiw. Pero bakit ganun? Ang hot niya sa paningin ko! Lalo na ng dumapo ang tingin ko sa bumakat na t-shirt sa dibdib at abs niya.

"Naglalaway ka na naman," he laughed, sabay tulak ng noo ko. "Hold this. Kukunin ko lang lamesa sa labas." Binigay niya sa akin ang dala niya na muntik ko pang mabitawan. Ikiniling ko ang ulo ko para matauhan na ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makontrol ang sarili ko ngayon. Epekto yata ng ulan.

Mabuti nalang at saktong-sakto lang ang mesa sa space ng kwarto. Ako na ang naghanda ng mga pagkain habang nagpupunas siya. Nasa may pintuan lang siya dahil tumutulo ang tubig mula sa pants niya.

"Maligo ka nalang kaya muna," suhestiyon ko sa kanya nang makita ko ang pamumutla ng labi niya.

"Mamaya na. Babalik ako sa restaurant pagkatapos nating mag-breakfast. Mukhang hindi titigil ang ulan ngayon. Bibili ulit ako ng pagkain para lunch natin at mag-oorder ng dinner kung sakaling hindi talaga titila ang ulan."

Inilipat namin ang mesa sa may pintuan, sa harap niya. Bibigyan niya sana ako ng upoan pero umayaw ako. Kaya nakatayo lang kami habang kumakain. Okay lang sa akin. Pero nag-aalala ako sa kanya kasi napansin ko ang panginginig niya. Binilisan ko ang pagkain para matapos kami agad. At tulad ng plano niya, umalis ulit siya para bumili ng pagkain.

"Let's go swim," aya ni Casper sa akin pagkabalik niya. Nakangiti siya kahit giniginaw na.

"Sige," mabilis na ayon ko. Itinabi ko muna ang mesa sa may gilid ng pinto at inilapag doon ang mga pagkain na dala niya. "Mauna ka na. Mainit sa ilalim ng dagat ngayon. Doon ka para mabawasan ang ginaw mo." Tumango siya at sinunod ang sinabi ko.

Hinanda ko muna ang tuwalyang gagamitin namin at pinalitan ng white body fit shirt at white short ang yellow terno pajama na suot ko.

"Ang lamig! Ang lamig-lamig!" sigaw  ko habang patakbong pumunta sa dagat. Agad akong nag-dive pagkarating ko. Narinig ko naman ang tawa ni Casper pag-ahon ko.

"Let's play a game," sambit niya pagkalapit niya sa akin.

"Laro na naman? Well... Sige go!" I laughed. He did too.

"Give me your hands."

"What?"

Aanhin niya ang kamay ko?

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon