PINAHIGA ko na si Casper pagkatapos niyang inumin ang gamot na dala ko. Kaya pala todo pigil siya dahil ayaw niyang malaman ko ang sekreto niya. Hindi siya marunong lumunok ng gamot. Kaya kailangan ko pang dikdikin ito.
Dahil sa hiya ay agad niyang sinunod ang utos kong magpahinga na siya sa kama. Natawa nalang ako nang nagtalukbong pa siya ng kumot. Hininaan ko naman ang lamig ng aircon bago pumasok sa banyo para maligo.
Tulog na siya pagkalabas ko. Napangiti nalang ako nang masilayan ko ang mahimbing niyang itsura. Pagkatapos kung magbihis ay kumuha ako ng face towel at binasa ito. Itinapat ko iyon sa aircon bago ko inilagay sa noo ni Casper. Napapitlag siya pero mabuti nalang at hindi nagising.
Lumabas ako ng cottage para puntahan ang receptionist ng resort. I told her our situation. She gave me a small basin with ice in it. She even offered a thermos with a tea inside. Mas mabilis daw itong magpagaling. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. May staff namang tumulong sa pagdala ng gamit at hinatid ako sa cottage namin. Nagpasalamat ako ulit.
Nilagyan ko ng tubig ang maliit na palanggana at nagsimulang punasan si Casper. Mula sa mukha, leeg, braso at hanggang binti niya. Umuungol lang siya pero hindi naman tuloyang nagigising.
Pagkasapit ng tanghalian ay ginising ko siya at pinakain. Tuwang-tuwa pa ang damuho ng suboan ko siya ulit. Hindi na siya mainit pero mabigat pa daw ang ulo niya. Pinainom ko sa kanya ang tea na binigay sa akin ng receptionist. Masarap daw kaya napadami ang inom niya.
"I didn't expect you to be like this," he stared at me.
"Like what?" I looked away. Inaayos ko ang unan niya.
"So caring... and attentive. You know, I always teased you for acting like a kid."
"Now what? Wife material na ba ako sa tingin mo?" biro ko. I even winked at him.
"Hmn... Kunti," he laughed. Pinalo ko siya braso.
"Matulog ka na nga lang ulit," irap ko. He just chuckled.
"Thank you, Cassy. I owe you this one." He smiled at me before he closed his eyes.
"You don't owe me anything. I'm your wife."
...
INAYOS ko ang mga gamit namin sa cabinet habang natutulog si Casper. Ang mga tuyong labahin ko ay sinilid ko na sa suitcase ko. Ang sa kanya ay tinupi ko ng maayos at inilagay sa gilid. Hindi ko mahagilap ang mga underwear niya. Siguro ay sinilid na rin niya sa suitcase niya.
Alas kwatro ng hapon nang hinatid ng staff ang dinner namin. Napansin kong makulimlim ang langit kaya dinala ko sa loob ng kwarto ang lamesa sa terrace. Kung sakaling uulan ay dito sa loob nalang kami kakain.
Tulog pa rin si Casper. Nang tingnan ko ang pagkain, nagutom ako bigla. Kaya naisipan kong mauna ng kumain. Saktong natapos ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Tumayo ako sa may bintana habang minamasdan ang ulan. Sobrang busog ko, feeling ko punong-puno ang tiyan ko. Ang sarap naman kasi ng pagkakaluto ng mga pagkain nila dito. Lumipat ako ng tayo sa may pintuan. Hindi ko na makita ang dagat pero parang inaanyayahan akong maligo ng ulan.
Nilingon ko ulit ang kama. Tulog pa rin si Casper. Napaisip pa ako saglit bago nakapagpasya. Walang alinlangang hinubad ko ang suot kong puting blouse at itim na leggings. Natira nalang ang dark red na underwear ko. Inilagay ko ang hinubad kong damit sa cabinet at walang lingon na lumabas ng cottage.
Patakbong pumunta ako sa dagat at nagtampisaw. Blurry ang paligid kaya confident akong walang makakakitang ibang tao sa akin. Modelo ako pero pinagbawalan ako ng mga magulang ko na magsuot ng mga daring na damit. Kaya hanggang casual na damit at mga produkto tulad ng pampaganda, jewelries at iba pa lang ang ini-endorse ko.
Umahon na ako bago pa dumilim ng tuloyan ang paligid. Baka hindi ko na matunton pa ang cottage kung madilim ang daan. Tumakbo ulit ako pabalik suot lang ang dark red na underwear ko. Nanuot ang lamig ng ulan sa balat ko kaya dali-dali akong pumasok sa loob at agad isinara ang pinto. Nakalimutan kong maghanda ng tuwalya kaya dumiretso ako sa cabinet. Hinanda ko ang susuotin ko pagkatapos magbanlaw.
Mabuti nalang at tulog pa rin si Casper. Malaya akong gawin ang gusto ko. Agad akong nag-shower matapos kong kumuha ng tuwalya.
Ang puting tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko paglabas ko. Nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Casper. Pero napansin kong naubos na ang pagkain sa mesa. Kailan kaya siya gumising, noong nasa dagat pa ako o nang nagbanlaw na ako?
Kinuha ko ang gamit na tuwalya niya at hiniram iyon para patuyoin ang buhok ko. Umupo ako sa gilid ng kama habang ginagawa iyon at tinitigan siya.
I raised my hand and touch his forehead. Hindi na siya mainit. Humupa na nang tuloyan ang lagnat niya. Napangiti ako at humiga sa kama, sa espasyo sa tabi niya. Pero nakalaylay ang paa ko sa gilid. Nakatitig ako sa kisame. Bumalik na naman sa isip ko ang aksidenteng halik namin kanina.
That was the best accident I wanted to repeat again and again.
I giggled in response of my own thought. Pagkatapos ay napahikab. Napagod ako sa mga ginawa ko ngayong araw na ito. Nakadagdag pa ang lamig ng temperatura. Ang sarap ng matulog.
Hindi ko nga namalayan at tuloyan na akong ginupo ng antok. Pero naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa aking pisngi.
"Cassy! Cassy, wake up!"
I moaned in response. Nakatagilid ako at ramdam ko ang pananakit ng batok ko. Kaya tumihaya ako ng higa. Not remembering that I didn't wear any clothes. Na ang towel na nakatapis sa katawan ko ay unti-unti nang lumalaylay.
"Damn it, Cassy! You better fix yourself before I got out of control!"
I moaned again. Mabigat ang ulo ko. Basa pa ang buhok ko nang makatulog kaya ganito ang pakiramdam ko. Inaantok pa ako. Hindi ko kayang idilat ang mga mata ko.
Gusto kong patahimikin ang gumambala sa pagtulog ko. Pero hindi ako makapagsalita. I moaned the third time. Then I groaned again.
"Damn it, Cassy! I won't give a damn anymore!"
That was the last words I heard before I felt his lips crashed unto mine. He kissed me torridly. Nagulat ako. But I automatically responded with the same burning intensity.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
Roman d'amourCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...