CHAPTER 26

36 0 0
                                    

GABI NA nang magising ako. Nakahanda na rin ang dinner sa may terrace kung saan naghihintay si Casper habang nakatingin sa payapang dagat.

"Let's eat." Dalawang salita lang ang sinabi niya pagkatapos ay tahimik na kaming kumain. Wala nang imikin. Hindi naman kasi ako makapagsalita dahil napansin kong may malalim na iniisip si Casper.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya habang natutulog ako. Baka sobrang na-bored siya. Marahil ay iniisip niya ngayon na dagdag pabigat lang ako sa buhay niya. Siguro ay napapagod na siyang pakisamahan ako.

Ako na ang nagkusang nagligpit sa pinagkainan namin. Para naman kahit sa simpleng paraan ay makatulong ako sa kanya. Para maibsan rin ang pagkainis niya sa akin.

"Bakit parang natatae na naman 'yang mukha mo?" biglang tanong ni Casper  pagkalipas ng ilang minuto. Nasa may terrace pa rin kami at magkatabing nanunuod sa ilaw ng mga bahay na nasa mainland na katapat ng islang kinaruruonan namin.

"Natatae ka diyan! Hindi ako natatae," irap ko sa kanya. Nginisihan niya naman ako. Bumalik na naman siya sa panunudyo niya.

"Ano... Iiyak ka naman ba? Akala mo na naman wala ako?"

"Hmp! Isa pa't tatadyakan talaga kita."

"Dream on, kid! Hindi mo ako maaabot," he chuckled.

"Kainis ka!" Inabot ko siya at hinampas balikat niya. "Hindi naman ako maliit, sadyang matangkad ka lang. Bakulaw ka kasi."

"Ses. Sige na nga. Sabihin nalang nating tama lang ang height mo para bumagay ka sa akin."

"Ehh," kunot ko ng ilong. Kunwari nandidiri. Pero ang totoo ay nagsa-somersault na naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Tsk. Pa-fall talaga.

"Ilang taon ka ng nagmomodelo?" pagkaraa'y tanong niya. Lihim akong napangiti dahil nagsisimula na siyang magtanong tungkol sa akin.

"Tatlong taon na."

Isang tanong, isang sagot lang ang usapan namin. He asked me kung saan school ako nag-aral, anong course ko, paano ko nakilala si Greg at kung bakit ko siya naging manager. I answered those questions directly. Para hindi halatang gustong-gusto kong e-kwento ang buhay ko sa kanya.

I also asked him about what happened to his friend, iyong pinuntahan nila sa probinsya. Nagkwento naman siya. And I found him so adorable while talking about his friends. His smile was contagious, halatang parang kapatid na ang turing niya sa mga kaibigan niya. He loved them. Sana mapangiti ko rin siya ng tulad ngayon. Sana ma-proud siyang ipakilala ako sa friends niya. Sana mahalin niya din ako.

We just talked about random stuffs hanggang sa humikab siya. So we decided to sleep kahit hindi pa ako inaantok. Nauna siyang pumasok at nagpaiwan muna ako saglit sa labas. Pagkapasok ko sa loob tulog na siya habang nakahiga ng patagilid at mahinang humihilik. Inaayos ko muna ang kumot niya bago humiga sa tabi niya.

...

NAUNA akong nagising kinabukasan. Nang lingunin ko ang katabi ko, nakatihaya na siyang natutulog. Kaya pala sumikip ang higaan namin. Pagkatapos ko siyang titigan ng ilang minuto ay bumangon na ako at naisipang lumabas ng cottage.

Five-thirty pa ng umaga nang tingnan ko ang wristwatch ko. Medyo madilim pa pero nagsisimula ng lumiwanag sa likod ng mainland. Umupo ako sa may buhanginan, malayo-layo sa dagat dahil ayokong mabasa. Malamig pa ang tubig.

Kitang-kita ko ang unti-unting pagtaas ng araw. It's really good to watch sunrise. Ang sarap sa pakiramdam. Pero mas masaya sana kung kasama ko si Casper na nanunood ngayon.

"Cassy."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako ng makita siya. Ngumiti rin siya sa akin.

"Ang aga mo yatang nagising," lapit niya sa kinaruruonan ko. Tumayo ako para harapin siya.

"Puro tulog lang kasi ang nagawa ko kahapon, Israel. Ikaw? Bakit may dala kang mga bagahe? Aalis ka na?"

"Oo. Three days every month akong bumibisita dito. Kahapon ang huling araw ko. Babalik na ako sa Maynila."

"Ganun ba? Mag-iingat ka sa byahe," sinserong sabi ko.

"I will. Thank you," he smiled again. "I hope you'll enjoy your stay here. Use this chance to tame your husband."

"Tame talaga? Ang hirap yatang gawin 'yon," I chuckled.

"I know you will, you can. So... Fighting!" Sabay kaming napatawa. Ang cute-cute niya nang itinaas niya ang kamao niya. He looks cold and aloof pero kapag nakausap muna siya, napaka-gentle niya palang lalaki. Ang swerte ng babaeng mamahalin niya.

"Mauna na ako, Cassy. Nandito na ang sundo ko," paalam niya nang may dumaong na bangka hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. "It's good to know you, Cassy. Be happy."

"It's my pleasure to meet you, Israel. Thank you. Ingat ka."

"Hmn." Tumango at ngumiti lang siya pagkatapos ay nilagpasan na ako. Kumaway ako ng lumingon siya sa gawi ko. He waved back and grinned.

"Sino 'yon?"

Napaigting ako nang may magsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Casper na magkasalubong ang kilay habang matalim na nakatingin kay Israel na nakasakay na sa papalayong bangka.

"I'm asking you, Cassy. Sino ang lalaking 'yon? Kakilala mo?"

"Si Israel 'yon," sagot ko at humakbang paalis. Pilit kong iwinawaglit ang inis sa boses ni Casper. Ayokong isipin na nagseselos siya. Asa pa ako.

"Kakilala mo nga? Co-model mo? Classmate noong college? Business partner? Bakit wala 'yong kasama? 'Diba couples lang tinatanggap dito? Iniwan ba 'yon?"

Tumigil ako sa paglakad at hinarap siya.

"Kahapon ko lang siya nakilala. Doon sa likod nang mamasyal ako," turo ko sa may gawi ng batuhan. "At anak 'yon ng may-ari. May rest house sila dito kaya hindi niya kailangan pa ng kapares para makapunta dito," paliwanag ko't iniwan ulit siya. Pabalik na kami ng cottage.

"So, you just met yesterday? Eh, bakit kung mag-usap kayo parang ang tagal niyo ng magkakilala. May INGAT ka pang nalalaman. Ngiting-ngiti ka pa."

Napatigil ulit ako sa may harap ng cottage namin.

"Teyka nga lang. Nagseselos ka ba?" lakas-loob kong tanong sa kanya. Natahimik naman siya.

"Dream on, kid! Bahala ka na diyan!" sagot niya't agad akong iniwan. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng tinutuloyan namin.

"Tss. Dream on kid... Paulit-ulit ka, ah!" sigaw ko at sumunod na papasok.

Naghahanda na siyang maligo nang abutan ko siya. Pagkatapos niya ay ako naman ang naligo. Maaga daw kaming kakain ng breakfast para makapasyal na kami. May farm daw dito na magandang puntahan ayon sa mga staffs na nakausap niya.

Mukhang excited ang loko. Pagkabigkas niya ng prutasan at gulayan, nanginginang ang mga mata niya. Tsk. Utak-pagkain talaga!

Sana naging pagkain nalang ako.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon