NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang paglubog ng kamang hinihigaan ko. Laking gulat ko ng makita si Casper na nakasuot ng puting T-shirt at plain dark blue shorts, na gulong-gulo pa ang itim niyang buhok. Mukhang kakagising lang niya. Pero ang pogi niya pa rin sa paningin ko.
Teyka nga muna. Hindi pagti-take ng Vitamin A ang dapat kung unahin ngayon.
"A-Anong ginagawa mo dito?!"
"Sshh... Hinaan mo nga ang boses mo," pabulong na asik niya. "Nandito ang mga Nanay natin. Kaya lumipat ako agad dito."
"Nanay? As in sila Mommy?!" napabangon kong tanong.
"Oo! Kaya usog ka bilis! Siguradong papasok ang mga 'yon dito. Kaya ipakita natin sa kanila na tabi tayong natulog."
Mabilis akong sumunod sa plano niya. Hindi na nagdalawang-isip pa. Dahil una, para ito sa kapakanan namin. Pangalawa, dahil gusto ko ang ideya niya.
"Ganito ba?" pabulong kong tanong.
Humiga kami patalikod sa isa't isa. Nasa magkabilang dulo kami ng kama.
"Mali. Para tayong hindi close. Change position."
Patihaya naman kaming humiga. Habang nakapatong ang mga kamay sa kanya-kanyang tiyan. May espasyo pa rin sa gitna namin.
"Okay na ba 'to?" tanong ko ulit.
"I-I don't know. Pero mukha tayong awkward tingnan."
"Awkward naman talaga," maktol ko. Kunwari. Gusto ko kasi... more closer.
"Shut up. Makisabay ka nalang kasi. Harap tayo," utos niya.
Sabay kaming humarap sa isa't isa. Natigilan ako nang makasalubong ko ang tingin niya. Ang ganda talaga ng mga mata ng gagong 'to!
"Casper?/Cassy?"
"Oh, shit!" nagulat naming sambit sabay yakap sa isa't isa. Sudden reaction namin dahil sa pagkabigla. Nang ma-realize namin ang aming posisyon, akma kaming bibitaw. Pero bumukas na ang pinto ng kwarto. Kaya mabilis kaming napapikit nalang.
Ramdam na ramdam ko ang mainit na katawan ni Casper. Naaamoy ko rin ang natural na bango niya. Sarap tuloy singhot-singhotin. Nakakaadik!
"Aww... Ang cute tingnan ng mga anak natin, Jenny!"
"Tumahimik ka, Gwen. Baka magising sila."
Napangiti ako sa narinig. Habang ninanamnam ang dumadapong hininga ni Casper sa may ulo ko at ang yakap ng mga bisig niyang nakapalibot sa katawan ko. I really wanna thanks our mothers. For letting me take advantage of this situation.
"Sa tingin mo magkakaapo na tayo?"
"I'm not sure, Gwen. Your daughter is a model. Baka napag-usapan nilang after a year or two nalang. Let's just ask them later."
"Ay, excited pa naman ako."
"Labas na tayo dito. Ipagluto natin sila."
"Sige, Kumare."
"Brr. 'Di bagay, Gwen."
"KJ mo talaga, Jenny. Buti 'di nagmana si Casper sa'yo. Ah, kunti pala."
"Shut up."
Pagkarinig ko sa pagsara ng pinto ay dahan-dahan akong dumilat. Then I looked up to the man I'm hugging right now. And I saw him looking down at me. Our eyes locked when he suddenly realize that...
"Bitaw!" sabay ko sa sinabi niya. Tinulak namin ang isa't isa at bumangon mula sa kama. Napaiwas siya ng tingin at ganoon din ako. Hindi mapakaling inayos ko nalang ang suot kong pastel yellow na terno pajama.
"S-So, ano ng gagawin natin?" basag ko sa katahimikan namin.
"T-Teyka lang. Nag-iisip pa ako ng plano. Kung tumulong ka kaya? Puro pikachu nalang 'yang nasa isip mo."
"Bakit mo dinadamay si Pikachu?" I hissed as I hugged my Pikachu pillow.
"Tsk. Pinagtatangol mo pa?" Napailing-iling pa siya na lalong ikinainis ko.
"Tumahimik ka, utak-pagkain!" irap ko sa kanya.
"Food is part of the hierarchy of needs. Eh, 'yang pikachu mo? Nangunguryente lang naman 'yang kulay yellow na matabang rabbit na 'yan!"
"Needs mo mukha mo! Gluttony na 'yong ginagawa mo! How dare you mocked my Pikachu?!"
"Not gluttony but love for food, Honey. Dahil kung matakaw talaga ako, sana overweight na ako ngayon! Nahiya naman abs ko sa'yo," he smirked.
"Ha! Wala akong pakialam sa abs mo!"
"Tell it to the marines! Girls are known for being extremely crazy of abs!"
"Not all!"
"Really? Sigurado ka na? What if I'll let you see my abs? Pustahan tayo, maglalaway ka."
"Dream on, moron!"
"Let's see then," he smirked.
He suddenly take-off his shirt, right before my eyes. Then, he walked closer and stopped right in front of me. Hindi ko tuloy napigilan ang sariling mga mata ko na dumako sa perfect set of six-pack abs niya.
Tang na juice ni Casper! Kapag abs niya, nakakalaway naman talaga.
I heard him chuckled, kaya mabilis akong napapikit at umiwas palayo kay Casper.
"Magdamit ka na nga! Ang sakit mo sa mata!" pagkakaila ko. Kabaliktaran ng tunay na nararamdaman kong paglinaw ng mata, pagkabog ng puso dahil sa excitement at lihim na pagdiriwang sa isip dahil sa tuwa. Deep down my brain, I already saved the clear image of Casper's body.
"I dare you to fool me," he laughed. Bigla niyang hinawakan ang ulo ko gamit ang magkabilang kamay niya para iharap ako sa kanya. Nasisiyahang pinilit niya akong tumingin sa katawan niya. Todo pigil naman ako, kunwari. Dahil ang totoo ay gusto ko ulit makita ang abs niya.
"Ano ba, Casper?! Bitawan mo ako!" tulak ko sa kanya. But wrong move. I suddenly felt his hot naked chest in my palms.
"You won't look at me. But you rather want to touch me, huh?" he smirked, making me blushed. Tawang-tawa siyang nginungudngod ang mukha ko sa katawan niya. Sa ginagawa niya ngayon ay sobra na akong nahihiya.
"Ohー"
Bumukas bigla ang pinto ng kwarto. Napatigil kami at sabay na napalingon doon at nakita ang gulat na mukha ni Mommy Jenny.
"Sorry! Please continue," ngisi niya sabay sara ulit ng pinto.
Nagkatitigan kami ni Casper, sabay bitaw ulit sa isa't isa. Pulang-pula pa rin ako at hindi na makatingin sa kanya. He just chuckled while wearing his shirt back.
"Bumaba na tayo," sabi niya. Pero nauna na akong mabilis na lumabas ng kwarto. Pasipol-sipol naman siyang sumunod sa akin.
Kainis! 'Di ko mapigilang kiligin. Tsk! Pa-fall ka talaga, Casper.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...