KATAHIMIKAN ang nakuha kong sagot mula kay Cassy. Nanatili siyang nakatutok sa muted na palabas sa tv habang ako naman ay nakayukong nakaupo sa tabi niya. Minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang imik.
Napaisip ako. Sobra ba ang nasabi ko sa kanya? Na-offend ko na naman ba siya? Tang na juice talaga! Bakit ba ang prangka ko kapag siya ang kausap ko? Kailangan ko na yatang e-tape ang bibig kong ito.
"I understand."
Napalingon ako nang magsalita na siya. She is now facing me, expressionless. Ang mapaglarong mga mata niya noon ay wala na. Seryosong nakatingin lang siya sa akin.
"I understand you, Casper. Forgive me for being insensitive," she sincerely smiled at me. Ramdam kong totoo 'yon. I secretly gulped in return. Talaga bang naiintindihan niya ako? Hindi ako makapaniwalang may ganitong side pala siya.
"Gusto lang kitang inisin kaya tinawagan ko ang parents ko. Hindi ko naman alam na may malaking impact pala 'yon sa'yo. I'll be careful next time then."
She doesn't look like a kid right now, like I used to describe her. Staring seriously at her, she seems like a mature and dignified woman in my eyes. She looks wise and strong. May bipolar disorder ba siya?
"It's almost lunch. What should we eat?" she energetically stands up, na nagpapitlag sa akin. Napakurap at napatayo rin ako.
"W-What do you want to eat? I-I can cook for you."
"Really?" she smiled widely, exposing her gums. "How about pasta? Do you know how to make it?"
"O-Of course! Lucky you 'cause I've thought to bought the ingredients last time we went to grocery."
"Woah! May clairvoyance ka siguro," biro niya.
"Maybe," I smirked and she giggles.
Pareho kaming nakangiti pagpunta namin sa kusina na para bang walang nangyaring sagutan kanina. Honestly, I still feel bad. But seeing her hopping, smiling and pouting while helping me prepare our food, pinilit kong kumilos ng natural. I don't know kung okay lang ba talaga siya. Maybe, she's also pretending that everything's alright para hindi na lumala ang sitwasyon. I wanna thank her for that. Pero nahihiya ako kaya hindi ko magawa. Siguro, idadaan ko nalang sa pagkain ang pasasalamat ko.
"Hmn... In fairness, magaling ka ngang magluto," saad niya pagkatapos tikman ang niluto kong pasta.
"Syempre, ako pa?" I jokingly bragged.
"Saludo na talaga ako sa'yo, Chef Casper Smith!" she even salute and bowed at me.
My smile suddenly faded because of the name she called me. Chef Casper Smithー kay gandang pakinggan. Pero alam kong... wala iyong pag-asang magkatotoo.
"Oh? Anong nangyari sa'yo? I've just complimented you. Pero bakit 'yan ang reaksyon mo? Na para bang nilait ko ang luto mo."
"Ha? Ah, may naalala lang ako."
"Ano naman?" she curiously asked while eating the pasta deliciously. I suddenly smirked when an idea popped up in my mind.
"Nakalimutan ko sabihin sa'yo na nalagyan ko pala ng pesticide ang niluto ko. Akala ko kasi flour 'yonー" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang nabitiwan at nahulog sa sahig ang tinidor na ginagamit niya. Habang nasa bibig ang ilang strips ng pasta na hindi niya naituloy ang pagnguya. Hindi makapaniwalang nabato siya sa kinauupoan at napatingin siya sa akin.
"Cute mo," I giggled. "Joke lang 'yon, kain ka na ulit," then I laughed hard.
Mabilis niyang nilunok ang pagkain, patakbong lumapit sa akin at hinampas ng malakas ang balikat ko.
"Kainis ka! Muntik na akong maniwala loko ka! Akala ko katapusan ko nang bwesit ka!"
Malutong akong napatawa habang sinasangga ang hampas ng mga kamay niya. Namumula na siya sa inis na mas lalong ikinatuwa ko.
"Sorry na! Hindi ko na uulitin!" nakangiti pa rin na paumanhin ko. Tumigil na siya sa kakahampas sa akin at padabog na umupo pabalik.
"Anong gusto mong inumin? Soda, juice, tea or beer?" I teased. She rolled her eyes as an answer.
"I want yogurt."
"What? Wala tayong stock na yogurt," kunot-noong complain ko.
"Then, buy outside."
"And who areー"
"As far as I can remember, someone told me that he will take good care of meー"
"Fine! Bibili na ako." Tiim-bagang napatayo ako. "Wait here, Princess."
She stick her tongue out. I clucked my tongue in return, leaving her celebrating my loss.
Pumunta ako sa pinakamalapit na supermarket. Bumili ng iba't ibang brand ng yogurt dahil hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Nag-grocery na rin ako ng kakaining snacks mamayang hapon at lulutoing ulam para sa dinner.
Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Cassy na prenteng nakaupo sa couch habang nanonood ng pokemon series sa tv. Ginaya-gaya niya pa ang pagsasalita ni pikachu. Napailing nalang ako at padabog na inilapag sa mini table na nasa harap niya ang yogurt na pinabili niya.
"Maghahanda ako ng kakainin mong snacks mamaya," sabi ko mula sa kusina habang kinukuha ang mga pinamili ko sa eco-bag.
"Go ahead," pasigaw niyang sagot mula sa sala. Hindi man lang akong tinapunan ng tingin. Tutok na tutok ang atensyon niya sa tv habang painom na kinakain ang yogurt na dala ko. Napailing ako, kumuha ng kutsarita at binigay sa kanya.
"Pagkatapos ay babalik ako sa opisina. May kailangan pa akong tapusin. Ayokong matambak na naman ang trabaho ko."
"Ah. Okay," walang-paking sagot niya.
Napabuntong-hininga nalang ako at bumalik sa kusina.
"Hintayin mo ako dito. Ipagluluto kita ng dinner pagkauwi ko."
"Sige."
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...