CHAPTER 5

75 3 0
                                    

NANDITO kami ngayon ni Cassy sa may garden ng mansion. Nakaupo kami sa magkatapat na upoan na nasa lilim ng hugis mushroom na shed. Napapalibutan kami ng iba't ibang makukulay na bulaklak na mga alaga ng aking ina. Kanina pa kami nakatingin sa isa't isa habang nag-iisip ng pwedeng isulat sa kanya-kanyang hawak na papel.

"Wala akong maisip," amin ko sa kanya. I suggested this thing but nothing came up to my mind right now. I was sure that I prepared many do's and dont's in my mind during the wedding. How come I didn't remember even one of it?

"Same here," maktol niya habang pinapaypay ang papel sa mukha niya. "Kailangan ba talaga nating gawin 'to? We're not in a movie or something."

Kakatapos lang naming kumain ng agahan nang dalhin ko siya dito para gumawa ng agreement tungkol sa pagsasama namin. Because I know that we are still strangers and I thought that we need to set rules not to interfere with each other's private life. But what I had right now are all general. I can't think something specific.

Napatingin ako sa nalulukot niyang mukha dahil medyo mainit na sa bahagi kung saan kami nakatambay. She really looks young with her naked face. It's something that amaze me though. Dahil sa pagkakaalam ko, girl's can't live without make-up or there should be something they put on their face in order to look good. But Cassy is... different. She is effortlessly beautiful in her own way.

"Fine. Let's just do it some other time," I surrendered. Binitiwan ko ang hawak na papel at panulat. Inayos ko ang pagkakaupo at inilagay ang dalawang braso sa armrest ng inuupoan ko.

"I really don't understand the use of doing this. Why not we'll just act civil at each other? Kilalanin nalang natin ang isa't isa. Let's just be friends! Wala naman tayong choice kung hindi ang magsama habang buhay."

"You think so?" I stared at her with curiousity. It seems like she's not that against as I am about this marriage.

"Uhm, yeah?" she fidgetted. Iniwas niya ang tingin sa akin at tumingin sa mga halaman na nasa gilid niya. I wonder what's running in her mind right now.

"So, why don't we introduce ourselves first? Sa pagkakaalala ko, walang nangyaring proper introduction sa pagitan natin. Una kitang nakaharap sa harap na ng pari."

"Y-You don't know me?" gulat na tanong niya sa akin.

"How would I know you if I was informed just hours before the wedding?"

"Nagbibiro ka ba? I'm not that infamous. Surely you knew you'll marrying your company competitor's heiress."

"Yes, I know that."

"And?"

"Kilala ko ang ama mo, na kalaban sa negosyo ng papa ko. Pero wala akong pakialam sa pribadong buhay niya."

Napanganga siya habang hindi makapaniwalang tinitigan ako. I just raised my brow and stared back at her.

"Are you serious?" naniningkit ang mga matang paninigurado niya. "Hindi ka ba nagbabasa ng magazines? Sa laki ng mga billboards na may mukha ko, hindi mo talaga ako kilala?"

Mabilis akong napailing-iling. Malay ko ba. Hindi nga ako nanonood ng tv.

"Don't tell me you're a model? Sa liit mong 'yan?!"

Matalim na tingin ang natanggap ko mula sa kanya. Pero imbes na matakot ay mahina akong napatawa. Ang cute ng babaeng 'to. Akala mo kung sinong tigre kung makaasta, eh, mukha naman siyang pusa. No, scratch that. She's still a kitten. Nakakagigil na kuting.

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko alam kung saang kweba ka nanggaling!" naiiritang tumayo siya at agad na umalis.

Naiwan akong nakatanaw lang sa papalayong pigura niya. Hindi ko alam kung bakit naiinis siya dahil lang sa hindi ko siya kilala. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Nagsimula ako sa pagiging assistant pagka-graduate ko ng college. Iyon ang posisyon na binigay sa akin ng magaling kong ama. Magsimula daw ako sa ibaba at magsikap daw ako hanggang ma-promote ako sa mataas na posisyon. Dalawang taon lang ang lumipas at kasalukuyang nasa managerial level na ako pero ikinagalit pa rin ito ng aking ama. Napaka-slow daw ng progress ko.

Ang totoo ay kaya ko ng e-manage ang buong kompanya. Ngunit ayokong malaman ni Daddy. Dahil... hindi ito ang pangarap ko. Gusto kong maging Chef dahil mahilig akong magluto, lalong-lalo na ang kumain. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng mga pagkain, nalalanghap ang amoy ng mga ito at nalalasahan ang timpla ng bawat lutoー may kakaibang saya akong nararamdaman habang lumilitaw na parang ipo-ipo sa bilis ang mga recipe sa utak ko.

Ngunit hindi ko kayang suwayin ang plano nila sa akin. Nag-iisang anak ako kaya walang ibang mamahala sa kompanya kung hindi ako. Kaya sa ayaw ko man o sa gusto ko, wala akong ibang pagpipilian.

Nadagdagan pa ang problema ko nang bigla nalang akong ikinasal. Mas lalong bumigat ang kalooban ko at nawalan ako ng ganang gawin ang gusto ko sa buhay. Ano pa bang silbi ng pagsisikap ko kung kontrolado na ng parents ko ang magiging future ko? Pakiramdam ko ay ipinanganak ako para maging puppet, para sundin lahat ng kagustohan nila. Iyon naman ang dapat gawin ng isang mabuting anakー ang maging masunurin sa mga magulang.

"Hoy! Hari ng mga Patay Gutom! Pahiram ng charger ng laptop!" biglang sigaw ni Cassy.

Napapitlag ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko siyang nakapameywang sa harap ng pinto at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin.

"Alam mo naman siguro kung ano ang charger at laptop, 'diba?!" sarkastikong tanong niya. Napangisi tuloy ako.

"Pakihintay po, Mahal na Prinsesa. Kukunin ko lang saglit," pang-iinis ko sa kanya at lumapit sa kinaruruonan niya. Inirapan niya naman ako at bumalik na papasok ng bahay.

Hindi ko alam kung dagdag sa problema ko ang babaeng 'to. Gusto ko sanang may mabuting maidulot sa buhay ko ang pagdating niya. Dahil pagod na ako. Ayokong dumating ang panahon na hindi ko na kaya at... madamay pa siya.

MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon