CHAPTER 35

43 2 2
                                    

NADATNAN namin sa bahay ang parents namin ni Casper pagkadating naming dalawa. Our mother looked too excited upon seeing us. Napapailing naman aming ang mga ama sa inaakto ng mga asawa nila.

"So, how was it? Maganda ang isla, diba?" tanong ni Mommy.

"Yes. It was a paradise," I smiled.

Nakaupo silang apat sa sofa. Magkatabi naman kami ni Casper sa upoan na kinuha niya mula sa kusina.

"Nag-enjoy naman kayo, right?" tanong naman ni Mommy Jenny.

"Of course, Mom," sagot ni Casper. Inakbayan pa ako. Mahina ko siyang siniko.

"Will we expect a grandson then?" dagdag ni Daddy Enrico na ikinagulat ko. Napatigil rin si Casper.

Nagkatinginan kami pero sabay ring nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ng ama niya. Kaya yumuko nalang ako at hindi na nagsalita.

"Gusto niyo na bang magka-apo?" balik-tanong ni Casper.

"Why not? We're not getting younger. Kasal na rin naman kayo kaya pwede na kayong bumuo ng pamilya," sagot naman ng Daddy ko.

"Hmn... We'll work for it then," sabay ng damuho. Mahinang siniko ko ulit siya. I heard our parents chuckled because of what I did.

Nag-iinit ang mukha ko. Hindi ko masalubong ang tingin ng parents namin. I don't know. I feel guilty. Dahil may nangyari naman talaga sa amin at posibleng may mabuo. Dahil wala kaming ginamit na proteksyon.

But the fact is, we did it unexpectedly. It was not intentional. Wala sa plano namin ang bumuo ng pamilya. O mas tamang sabihin na wala sa plano niya. Dahil kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko. Even if I need to give up my modelling career just to bear his child, I'm willingly do it. Wala akong pakialam sa figure ko.

"Well... Don't pressure them. Let them take their time being together," ani ni Mommy.

"Oo nga. It's still a month since they got married. They have a long way to go," sabat naman ni Mommy Jenny.

"Nakapag-lunch na ba kayo?" pag-iiba ng usapan ni Mommy.

"Opo. Kumain na kami sa airport bago umuwi dito," sagot ulit ni Casper. Tahimik lang ako sa tabi niya. Pero ang atensyon ko ay nasa isang kamay niya na nilalaro ang buhok ko sa batok. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Pero hindi ko siya masaway dahil nasa aming dalawa ang atensyon ng mga magulang namin.

"Kung ganun ay aalis na kami. Pumunta lang kami dito para mangamusta," sabi ni Daddy at tumayo.

"Magpahinga na muna kayo. Galing pa kayo sa mahabang byahe," dagdag naman ni Daddy Enrico.

Sabay kaming tumango ng katabi ko at agad na ring tumayo. Nakasunod ang tingin nilang apat sa amin. Gusto nilang makitang umakyat kami papuntang kwarto bago umalis.

Hindi ko alam kung anong iniisip ngayon ni Casper. Basta napasunod nalang ako sa kanya ng hilahin niya ako sa kamay.

LIMANG MINUTO na ang lumipas pero rinig pa rin namin ang mahinang pag-uusap ng parents namin sa baba. Ang sabi nila ay aalis na sila pero hindi pa pala. Kaya wala kaming nagawa kung hindi ang manatili sa loob ng kwarto.

Nakapagbihis na kami ng damit. Sa banyo ako nagpalit. Paglabas ko ay nakapambahay na rin siya. He's wearing a black pants and a gray shirt. Naka-white terno pajama naman ako dahil plano ko na naman talagang matulog pagdating namin.

Humiga siya sa kama. Tumabi naman ako. Wala kaming imikan. Pero naintindihan kong pareho kami ng iniisip. Dapat naming sundin ang bawat gusto ng parents namin.

Ang totoo ay kaya kong sumuway sa parents ko. I do the things I want. Pero iba ang kaso ni Casper, napakamasunurin niya sa parents niya. Kahit nalalabag na nila ang pansariling kagustohan niya ay hindi siya nagrereklamo. And I took it as my advantage.

Lihim kong tiningnan ang katabi ko. Hindi pa siya tulog. Pero nanatili siyang tahimik. Mukhang malalim ang kanyang iniisip. Tungkol kaya sa sitwasyon namin? Tulad ng pagsasama namin sa iisang kwarto, na labag sa kalooban niya?

Iba sa pakiramdam ang pagtatabi namin sa pag-aari naming bahay, kwarto at kama, kaysa doon sa isla. Nasanay ako doon na katabi siya sa pagtulog pero iba dito. Doon wala kaming choice, pero dito, kung ayaw niyang makatabi ako... pwede niyang gawin. Pagbalik namin dito, parang bumalik din kami sa dati. Na hindi naman talaga kami nagkakaigihan, na nagpapanggap lang kami.

Pero may nakadagdag lang sa tensyon sa pagitan namin ngayon. Hindi ko kayang ibaliwala ang nagyari sa amin kahapon. It happened just yesterday night. It was still fresh in my mind. Pero hindi ko matukoy kung may ibig sabihin ba ang nangyari, kung dapat bang may mag-iiba sa tratuhan namin.

Maybe... it was just lust that took over him. He did it without feelings. He did it not because he liked me. Siguro ay naakit lang siya sa katawan ko. Kung hindi ako nakatuwalya lang, kung nakadamit ako ng maayos, siguro hindi naman talaga mangyayari ang tagpong iyon. Kung maganda ang panahon nang gabing iyon, kung hindi siya nadala sa  kakaibang lamig dahil sa ulan, siguro wala lang sa kanya kahit nakahubo't hubad panako sa tabi niya.

"W-Why did you do it?" biglang tanong ko. I can't take it anymore. I want to know his opinion.

I was looking in front. I couldn't face him. Pero naglakas-loob akong malaman ang sagot ng tanong ko mula sa kanya. Pagod na ako sa paggawa ng sariling assumptions and reasons.

"I'm a man, Cassy," pabulong niyang sagot.

That's it?

Nanikip ang dibdib ko. I felt a sudden pang in my chest.

"Nagtitimpi lang ako," dagdag niya. "But last night was different... I wasn't able to control myself."

"So... it was all lust?" Biglang may bumara sa lalamunan ko.

"What do you expect? I saw you beside me, wearing just a piece of cloth. You're not properly dressed. You were like a feed ready to be feasted."

So, you did.

Nagpipigil ako ng luhang hindi na nakasagot sa mga pinagsasabi niya. Tama nga ang mga naisip ko. It will never be because he love me or even he like me a little bit. Nagawa lang niya iyon dahil sa tawag ng laman.

He just broke my hope.




MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon