NAPAHILOT ako ng ulo habang tulak-tulak ang cart at nakasunod kay Cassy. Nasa department store naman kami pero mukha siyang namamasyal sa Enchanted Kingdom. Mangmangha siya sa mga gamit na nandito. Napapayuko nga ako sa hiya dahil pinagtitinginan na siya ng ibang customers.
"Wow! Ang cute ng pikachu cup na 'to! Gosh! I'll gonna buy this one," malakas na sambit niya na para bang nasa bahay lang siya.
"Can you lower your voice? Nagmumukha kang ignorante, mahiya ka naman," sita ko sa kanya.
"Hmp! They should mind their own business. This is my life. This is me!" walang pakialam na sagot niya at parang kunehong patalon-talon na umalis para mamili ulit.
Puro cute stuffs ang nilalagay ni Cassy sa cart na dala ko kaya alam kung hindi maaasahan sa pagbili ng mga gamit sa bahay ang babaeng 'to. Hinayaan ko nalang siya at pumunta na sa kitchen section ng department store.
Actually, meron ng aircon, closet at kama ang kwarto namin, may seven inches flat screen at couch sa sala, may stove with oven, refrigerator at table with four chairs sa kusina, at may washing machine with dryer sa laundry area na nasa likod ng bahay. Pero iyon lang, wala ng kakulay-kulay ang bahay namin.
Ang totoo ay may savings na rin ako. Kaya ko ng umalis sa puder ng mga magulang koー na nangyari na bago ko pa magawa. Kaya ko na ring bumili ng bahay na mas malaki pa. Pero hindi pwede. Ito ang binigay nila kaya dito ako titira kahit labag man sa kalooban ko.
Kumuha ako ng anim na regular size na plato, dalawang mas malalaking plato, dalawang bowls, anim rin na kutsara't tinidor, anim na glasses at anim rin na cups. I also bought rice cooker and other kitchens utensils from spatula to cooking pan. Dalawang unan at isang comforter lang ang nakita ko sa bahay kaya dinagdagan ko ng two pillows, another one comforter and two blankets. Plus four towels, a carpet for our living room and more other things na maaaring kailangan namin.
Nasa cashier na ako nang lapitan ako ni Cassy na may yakap-yakap na pikachu na stuff toy. Ngumisi siya at inilagay iyon sa cart.
"Ikaw ang magbabayad sa lahat ng 'to?"
Pinaningkitan ko siya ng mata at ibinalik sa mga kamay niya ang stuff toy.
"You told me earlier that you're rich. Why don't you pay your own things?"
"B-Butー you're my husband!"
"And so? I still have the power to say no."
"Kuripot nito!"
"No, I'm not. I'm just spending wisely. Hindi tulad mo na gumagasta sa mga walang kwentang bagay."
"How dare you?!" naiinis na bulalas niya. "May kwenta si Pikachu! He brightens my day! Hindi tulad mo na laging sumisira ng araw ko!" Mabilis niyang hinalungkat ang isang cart at kinuha ang mga nilagay niya kanina. "Fine! I'll pay my own things. I can! You jerk." Inirapan niya ako at dinala ang mga napili niya sa isang cashier.
I just smirked at her. Siya pa itong may ganang magalit, eh, hindi nga niya ako tinulongang mamili kanina. Hindi naman para sa akin ang lahat ng mga gamit na 'to. Para ito sa bahay namin. Para sa aming dalawa. Stupid childish brat!
"Asawa mo pala siya, Sir? Akala ko kapatid mo. Ang bata pa niya kasi," wika ng bagger sa akin. Feeling close ang isang 'to.
"Tsk. Mukha lang siyang bata at isip-bata, pero matanda na 'yon."
"Sana all, mukhang bata," tawa niya. "Ang cute niyo pong mag-asaran. Halatang naaaliw ka kapag naiinis siya. Sana all, mahal rin ng asawa."
"Haha," pekeng tawa ko dahil sa pinagsasabi ng bagger na 'to. Nahihiwagaan ako sa 'sana all' niya. Napatingin tuloy ako sa kinaruruonan ni Cassy. Nakita ko siyang masayang nakikipag-usap sa lalaking bagger kaya biglang napakunot ang noo ko. Nakaramdam rin ako ng inis at wala sa sariling nilapitan ko siya.
"Bilisan mo na diyan. Aalis na tayo," sabi ko at matalim na tiningnan ang lalaki bago umalis pabalik sa counter kung saan ako nanggaling.
"Kuya mo?" Narinig kong tanong nito kay Cassy bago pa ako nakalayo.
"Hindi! Asawa ko 'yon!" sagot naman niya na ikinangiti ko. "Pasensya ka na, ha? May topak kasi," dagdag niya sabay tawa kaya napasimangot ako ulit.
...
NASA kusina kami ngayon ni Cassy, kaharap ang isang malaking box kung saan nakalagay ang mga pinamili naminー este pinamili ko lang pala. Abot tenga ang ngiti niya habang nakatingin sa mga nilalabas ko na gamit.
"Ang dami pala ng binili mo?" tanong niya.
"May sariling mundo ka kasi kaya 'di mo alam," nakaismid kong sagot. Hindi ko parin nakakalimutan ang sinabi niya sa bagger kanina. "Ang sabi ko, mamili tayo ng gamit natin sa bahay. Pero ang ginawa mo, puro gamit mo lang ang binili mo."
"Aish! Hindi ka pa rin tapos diyan? Sariling pera ko naman ang ginasta ko, ah? Kainis 'to!" naka-pout na irap niya habang tinutulongan akong e-arrange ang mga gamit sa kusina.
Napasulyap ako sa gawi niya. She's sulking but she continued helping me here. I deeply sighed. Napapansin kong lage pala kaming nagsasagutan, which is weird. We supposedly be awkward with each other pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagkakasundo ang kilos namin kahit puro kami bangayan.
"Gutom ka na? It's almost three. Hindi pa pala tayo nakapag-lunch," mahinahong saad ko, secretly eyeing her.
Napatigil siya sa ginagawa at tinitigan ako sa mata. Walang kahit anong bakas na expression sa mukha niya. She's just standing in front of me, staring, when suddenly...
"Bakit ngayon mo lang napansin? Huhu," pekeng-iyak niya. "Akala ko ba mahilig kang kumain? Pero bakit mo nakalimutang hindi pa tayo nananghalian? Gutom na gutom na ako!" she whined while stumping her feet.
Napatawa ako sa naging reaksyon niya. She's really irritating, but sometimes... I can't deny na sobrang cute niya kapag kumikilos batang nagta-tantrum siya. Most specially when she pout like that, with her puppy eyes and pouting lips... Damn! Sarap kagatin ng babaeng 'to. Nakakagigil!
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...