HINDI AKO mapakali sa passenger's seat habang seryosong nagmamaneho si Casper. Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at sa kanya. Samantalang kanina pa nakatuon ang tingin niya sa harap.
Wala na kaming imikan pagkagising ko pa lang. Mas nauna siyang nakapaghanda sa pag-alis namin. Kakabangon ko lang sa kama, samantalang siya ay bihis na. And as usual, nakahanda na ang agahan pagkababa ko sa kusina. Hinayaan ko na rin siyang maghugas ng pinagkainan namin kahit nakasuot siya ng business suit, na hindi bagay sa ginagawa niya. Hindi na ako sumubok pang tumulong. Base pa lang sa ekspresyon ng mukha niya, hindi ko na kailangan pang umangal.
"Sabay na rin tayong umuwi. I'll fetch you after my work."
Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa narinig. Maiinis dahil ang gulo niyang kausap, na umaakto siyang may pakialam pero ang totoo naman pala ay wala. Matutuwa dahil sumusubok siya, sinusubokan niyang gampanan ang responsibilidad niya bilang asawa ko.
Kung sakaling pakitang-tao lang itong ginagawa niyang effort na pagsilbihan at alagaan ako, masaya pa rin ako. Dahil kahit ganito man, pwedeng ibig sabihin na hindi naman talaga niya ako kinamumuhian. Hindi madaling makisama sa taong ayaw mo, kaya thankful pa rin ako sa kanya sa pinapakita niyang kabutihan sa akin.
Hinintay ni Greg ang pagdating ko sa may parking lot ng building. Preskong nakatayo siya sa may gilid ng elevator, nakapamulsa ang mga kamay na akala mo may photoshoot. Matangkad ang kaibigan ko, tama lang at maganda ang pangangatawan. Siya ang lage kong kasama everytime I'll work out in the gym. Simpleng puting t-shirt at itim na slacks lang ang suot ng kaibigan ko pero ang gwapo-gwapo na niya. Kahit saan banda mo siyang tingnan, hindi mo talaga aakalaing hindi siya purong lalaki.
Pagkababa ko palang sa kotse ay patakbong lumapit na ako sa kanya. Ganun din si Greg sabay yakap sa akin. I hugged him back. Ganito naman talaga ang batian namin sa tuwing magkikita kami. Wala iyong malisya sa akin, pati na rin sa kanya. Pareho naman naming alam ang pagkatao niya. At dahil matagal na kaming magkaibigan, nakasanayan na namin. Pero iba yata ang pagkakaintindi ng lalaking kasama ko. Malakas siyang tumikhim kaya sabay kaming napatingin ni Greg kay Casper.
Nagkatinginan ang dalawa, mariin na titigan. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong tensyon at hindi pagkagusto sa uri ng tingin nila sa isa't isa. Ipapakilala ko sana sila ngunit nagdalawang-isip ako. Mabuti nalang at nagtanguan sila sa huli bilang bati sa presensya ng isa't isa. Oo nga pala, hindi ito ang unang pagkikita nila.
"Let's go," nakangiting baling sa akin ni Greg. Hinawakan niya ang likod ko at giniya ako papasok sa elevator.
"I'll go with you upstairs before I go to work," mabilis na saad ni Casper. Ilang hakbang niya lang ay nasa tabi ko na siya. Tiningnan niya ang kamay ni Greg na nakalapat sa likod ko bago ako tiningnan.
"Sigurado ka ba—"
"Oo," he answered immediately again. Mas nauna pa siyang pumasok sa elevator. Matalim niya kaming tinitigan kaya sumunod na agad ako sa kanya. Dahilan para mabitawan ako ni Greg.
Tahimik sa loob ng elevator habang umaangat ito. Palipat-lipat ang tingin ko sa magkasingtangkad na lalaki sa tabi ko. Para silang tower habang nasa gitna nila ako. Hanggang balikat lang ako ng dalawa ito.
Magkasabay na hinawakan nila ako pagkabukas ng pinto ng elevator. Si Greg sa likod ko ulit habang si Casper naman ay nasa may siko ko. They looked at each other very seriously. Dahil sa pagkailang ay nauna na akong humakbang palabas.
Akala ko hanggang pinto lang ako ihahatid ni Casper. Kaya laking gulat ko ng pumasok din siya sa loob ng condo ni Greg. Inilibot niya pa ang paningin sa paligid ng unit bago ako hinarap.
"Dito lang kayo? Wala kayong ibang lakad?"
"Dito lang ako tatambay buong maghapon."
"What about your lunch?" magkasalubong ang kilay na tanong niya. Bakit kaya ang sama ng mood ng damuhong ito? Ayokong isipin na nagseselos siya. Mas kapani-paniwalang isipin na walang tiwala sa akin ang gago. Bahala siya! Hindi ko aaminin na bakla si Greg.
"Oh... baka sa labas kami kakain o we'll cook, Greg?" baling ko sa kaibigan.
"I have stocks. Let's just cook our lunch as usual," sagot niya. Nasa magkabilang bulsa ulit ang mga kamay habang madiin ang pagkakatitig niya sa akin. Naninibago ako sa kilos niyang ganito.
"Okay. Mas gusto ko rin 'yan," I smiled at my friend bago nilingon pabalik si Casper. I saw how his forehead creased. He slightly rolled his eyes before turning his gaze away from me. I almost smirked at his action. Imbes na ma-intimidate o mamangha kapag nagsusuplado siya, mas natatawa ako, ang cute niya sa paningin ko. Baliw na yata ako.
"Fine then. Baka maaga akong makakauwi mamaya. I'll text you when I'm on my way." He glared at Greg before looking softly at me. Napangiti ako. Ewan. Kinikilig ako. Ayokong mag-assume, but I can't stop myself.
"Ah... number ko?" Nilahad ko ang kamay ko para kunin ang cellphone niya. Sa pagkakaalam ko, wala kaming contact sa isa't isa. Mali pala, I have his number.
"I have it," iwas niya ng tingin. "Alis na ako." Hindi na niya tiningnan si Greg bago siya lumabas. I heard my friend scoffed before leaving me standing in front of the door.
Nainsulto yata si Greg sa ginawa ni Casper. Instead of feeling sorry, natatawa pa rin ako. Ang saya ko yata. This is my first time experiencing this kind of treatment from Casper. Pakiramdam ko binabakuran niya ako, parang pinapaalam niya ang katayuan niya sa buhay ko. Like he owned me, his alone.
Now I wonder what happened the first time he went here. What did he feel? Did he felt a little threatened? Or a little jealousy... maybe?
"Come here, Cassy! Mag-usap tayo!" sigaw ni Greg mula sa kusina. Natawa ako ng kunti at patalong naglakad papunta sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
MY UNEXPECTED WIFE (BossSeries#3)
RomanceCasper Smith ー a half filipino, half american man. He has blue tantalizing eyes. His messy hairstyle will mess every girl's system. His perfect set of six-pack abs are to die for. His personality is... not that manly though. Madaldal siya. Dahil aya...