Prologue

28.2K 357 19
                                    

Noong bata ako, puro laro lang ang nasa isip ko. Minsan nga ayokong pumasok sa school dahil lagi kong gusto maglaro ng maglaro. Marami akong memories noong bata pa ako pero iisang ang talagang hindi nawawala sa utak ko, ang makilala at maging kaibigan ang isang batang lalaki. Ang pangalan nya ay Jonathan Santiago. Nakatira sila sa kabilang kanto. Doon kami palaging naglalaro sa garden ng mommy nya. Nakasalamin yun si Jonathan at mas tahimik sya sa akin. Pero kapag kaming dalawa lang ang magkasama, maingay yun tsaka palagi akong inaasar.

Magkatulad kaming dalawa, pareho kaming iisang anak kaya pareho rin kaming sabik sa kalaro. Nagkakilala kami noong pumapasok pa kami sa daycare. Simula nun, naging magkaibigan na kami. Si Jonathan kasi ay hindi lumalabas sa bahay nila kaya ako na lang ang pumupunta sa kanila. Hindi sya palakaibigan, sabi nya nga sa akin, ako lang ang kaibigan nya.

Magkaklase kami sa school. Palagi syang inaasar ng mga bad naming classmates pero lagi ko syang pinagtatanggol. Inaaway ko lahat ng mga nang-aasar sa kanya. Masyado kasing mabait si Jonathan, hindi nya pinapatulan yung mga nang-aaway sa kanya. Hindi ako makatiis kaya buong tapang ko syang pinagtatanggol. Iniisip ko nga noon na baka gawin ko to hanggang paglaki namin pero ayos lang yun dahil kaibigan ko naman sya.

Ang pinakatumatak sa isip kong memorya kasama sya ay yung araw na yun. Nakaupo ako sa isang park. Magkikita kasi kaming dalawa noong hapon yun. Sabi nya, two o’clock daw kaming magkita pero one o’clock palang pumunta na ako dito. Excited ako, masaya kayang maglaro dito sa park.

“Kanina ka pa dito?” tanong sa akin ng isang batang lalaki. Tinignan ko sya at napangiti ako. Nakatayo sya habang nakangiti rin sa akin.

“Ummm. Oo, ang tagal mo nga!” paawa kong sinabi sa kanya.

“May pinuntahan pa kami nina mommy kaya matagal ako..” umupo sya sa tabi ko, “..may ibibigay nga pala ako sa yo.” may dinukot sya sa bulsa ng kanyang pantalon.

“Ano yun?” excited ako sa ibibigay nya. Kinuha nya ang kaliwang kamay ko. Napansin ko agad yung bracelet na hawak nya. Ikinabit nya sa akin ito. Tuwang tuwa ako habang tinitigan yung bracelet na nasa wrist ko. Silver ito at may mga maliliit na bilog na nakasabit. “Salamat ha..” masayang masaya kong sinabi sa kanya, “..pero bakit parang pangmalaki na yung bracelet na to?” pagtataka ko lang.

“Gusto ko kasing magamit mo yan hanggang paglaki mo..” napangiti ako sa sagot nya. Tinitigan ko ulit yung bracelet dahil gandang ganda talaga ako. “Sophie..” tawag nya sa akin kaya napatingin muli ako sa kanya, “..ilang taon ka na ba?”

“Seven. Seven years old. Bakit mo naman tinatanong?” pagtataka ko sa kanya.

“Seven ka tapos seven din ako..” kahit hindi naman nya sabihin, alam ko naman yun. “..matagal tagal pa pala bago tayo maging legal age.” patuloy nya pa.

“Legal age?” patanong kong inulit ang sinabi nya.

“Sabi kasi ni mommy bago daw ikasal ang isang tao kailangan nasa legal age na..”

Tinawanan ko yung sinabi nya at kinontra ito, “Kasal na agad ang iniisip mo, masyado pa tayong bata.”

“Kaya nga..” bigla syang nainis, “..magpakasal na lang tayo pagbalik ko, sigurado nasa legal age na tayo nun.”

Nakaramdam ako ng lungkot sa kanyang sinabi kaya tinanong ko sya, “ Saan ka ba pupunta?”

“Hindi mo pa ba alam..” pagtataka nya, “..sa America na kami titira.”

“America? Di ba malayo yun?” malungkot kong sinabi.

Tumango sya, “Pero wag kang mag-aalala, babalik ako dito kaya wag kang magboboyfriend ha. Sisiguraduhin ko na pagkabalik ko dito, hahanapin kita at magpapakasal na tayong dalawa.” pangako nya sa akin.

“Akala mo ba ganun lang kadali lahat yun, bata pa tayo..” protesta ko sa kanya.

“Babalik ako kapag malaki na tayo. Dito tayo sa park magkita ha!” nginitian nya ako para palakasin ang loob ko.

Iyon na ang huling salitang naalala ko sa batang lalaking nagngangalang Jonathan. Nung gabi ding yun, umalis na sila papuntang America. Araw araw akong bumabalik sa park hanggang makagraduate ako ng gradeschool. Umaasa ako na kahit anong araw, babalik sya pero palagi akong bigo. Tinigilan ko na ang pagpunta sa park na yun noong high school ako dahil nagkaroon na rin ako ng maraming kaibigan. Hindi ko pa rin maiwasan na hindi pumunta doon kaya once or twice a month, pumupunta talaga ako doon. Hanggang matapos ako ng college at makapagtrabaho, hindi ako nagboyfriend tulad ng  sinabi nya.

Yung utak ko, hindi na umaasa na babalik pa sya. Marami kayang magagandang babae doon kaya panigurado may girlfriend na yun o baka nga may asawa na. Pero ewan ko ba kung bakit yung puso ko patuloy pa rin syang iniintay, bata pa lang naman kami noong huli kaming nagkita pero totoo nga yata ang kasabihang ‘first love never dies’.

© 2013 PhoenixEun
All Rights Reserved
No part of this story or any of its contents may be reproduced, copied, modified or adapted, without the prior written consent of the author, unless otherwise indicated for stand-alone materials.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon