Chapter 4: They're Dating

13.3K 168 6
                                    

[Sophie POV]

Napakaganda ng atmosphere sa restaurant kung saan kami nagtatangkang kakain ngayon ni Ryzza. Pagkapasok pa lang, nakakawala na ng stress, ano pa kaya kapag nakaupo at kumakain na. Mukhang masasarap ang pagkain dito pero yun nga lang, napakamahal! Di afford ng budget ko ngunit sagot naman ng aking friend kaya ok lang.  Ravioli nga yung inorder ko, gustong gusto ko kasing matikman yun at hindi ko akalaing sa ganitong kasyosal na lugar ko pa matitikman yun.. I’m so excited.

But dahil sa isang scene na salukuyang nangyayari ngayon sa restaurant na to, lahat ng good vibes ko at excitement ay naging dugo at umakyat lahat sa utak ko. Sino ang matutuwa na makita ang kanyang kamag-anak na nakikipagdate sa playboy ng bayan? Isang himala kapag hindi umiyak ang kamag-anak na ito sa huli dahil sinaktan sya ng walang kwentang pusong batong lalaki.

Napatayo ako nang makita ko si Kylie na nakaupo sa isang mesa, na ilang metro lang ang layo sa amin, na kasama si Johnny.  Ok lang naman sana kung friendly dinner lang to pero hindi, as in HINDI. Magkahawak ang kanilang kamay habang nakapatong mesa, yun ba ang tinatawag na friends? Tapos kinikilig kilig pa tong pamangkin ko kaya kahit sino mag-iisip na may ‘more than friends’ relationship sila.

“Hoy, Sophie! Umupo ka nga..” utos sa akin ni Ryzza ngunit hindi ako sumunod dahil patuloy lang ang makagigil tingin ko sa dalawang tao sa aming gawing kanan, “Ano ba’ng ginagawa mo? Hoy!” tanong nya na may pagtataka.

Tinignan ko lang sya bilang sagot sa tanong nya. Hindi na ako nagdalawang isip, naglakad ako papunta sa mesa nina Kylie at Johnny. Naramdaman ko ang pagtayo rin ni Ryzza sa kanyang upuan at sinundan nya ako ng tingin. Hindi ako napapansin ng dalawang lovey dovey dahil busy sila.. busy silang magharutan.

“Oh my gosh! Johnny!” gulat na gulat na sigaw ni Kylie na nagpabalik sa aking malay na nandito na pala ako sa mesa nila at binuhusan ko na ng tubig sa mukha ang Johnny na to. Naramdaman ko ang mga mata ng aking pamangkin na nakatingin sa akin, “Sophie! Ano ang ginagawa mo dito?” napatayo sya sa upuan nang tinanong nya ako.

Tumingin ako sa kanya ng walang kasing sama, “Ako… ang dapat nagtatanong nyan sa yo. Ano ang ginagawa mo dito kasama ang lalaking to!” tinuro ko ang lalaking kasama nya at sinigaw ang mga huling salita.

“Pwede ba, Sophie..” lumapit sa akin si Kylie at hinawakan ako sa aking dalawang braso, “..wag kang magskandalo dito.” pakiusap nya sa akin.

“Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ka na nga lang ng boyfriend. Isa pang walang kwentang lalaki na tulad ng Johnny Lopez na yan..” malakas ang aking boses, “..marami na syang nasaktang babae at sigurado na sasaktan ka rin nya!” lalo ko pang nilakasan ang boses ko.

“Ano ba, Sophie? Tama na..” nilakasan na rin ni Kylie ang boses nya.

Tinignan ko lang sya ng mas masama pa at inirapan. Pumunta muli ako sa mesa namin ni Ryzza. Kinuha ko ang aking bag at paper bag na may lamang cellphone.

“Sophie, kalma ka lang..” paalala ni Ryzza.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon