Chapter 43: My Childhood Sweetheart

4.7K 60 1
                                    

[Jonathan POV]

 “I can’t choose,” I wrinkled my forehead while looking to the two out of five pictures ofrings here in my table. Inutusan ko kasi ang secretary ko na pumunta sa isang malapit na jewelry shop at pilian ako ng lahat rings na maganda sa paningin nya. Since, she is a woman, malaki ang chance na magkatulad sila ng taste pagdating sa mga ganitong bagay.

I’m choosing between a silver ring na may maliliit na diamonds na bumabalot dito at yung isa naman ay golden ring na may blue topaz sa ibabaw. Both elegant kaya hindi ko alam kung ano ang magugustuhan nya dito. For sure, magugustuhan nya pareho but ano ba ang mas deserve nya dito? Kung ano ang mas mahal? Ang hirap naman.

“Sir, para kanino po ba at para saan?” nag-aalangan na tanong ng sekretarya kong si Thalia.

“Umm.  For my soon-to-be fiancé,” napangisi ako sa tugon ko, “Magppropose na ako sa kanya bukas.”

“Sir, kung wedding proposal po, dun na kayo sa silver ring. Mas attractive po yan sa mga mata naming babae,” yun naman ang kailangan ko, ang suggestion nya. First time kong gagawin to kaya napakahirap.

I nodded and gave her my credit card. “Sige, ito na lang silver ring. Pakiingatan ha.”

“Sir,” tawag nya muli sa akin pagkakuha nya nung card, “tumawag na po pala yung restaurant. Naka-set na pong lahat para bukas.”

“Oh that’s good,” I feel relief. Kanina ko pa kasi iniisip ang settings sa mangyayari bukas. Umalis na ang secretary ko para bilin yung silver ring sa jewelry shop.

Wedding proposal. I planned this ngayong araw lang kaya naman sobrang rush ng lahat. Ayoko ng patagalin pa, gusto ko ng magpropose sa kanya habang hindi pa sila nagkakabalikan ng sira ulo nyang boyfriend. Ako ang nararapat kay Sophie at hindi ang Johnny Lopez na yun.

I loved her since my childhood. First love ba ang tawag dun o puppy love? Whatever it is, she is the apple of my eye. Kaya ginawa ko ang lahat ng paraan para makabalik muli dito sa bansa at makita sya muli. Ngunit sa kasamaang palad, boyfriend na nya ang walang kwentang actor na yun.

Nagkita kami kaninang umaga ni Lopez sa isang restaurant kung saan may meeting ako. On cue ko naisip na magpropose kay Sophie kaya halata sa pagmumukha ng lalaking yun kung paano sya na-threaten. Buti nga sa kanya. Basta sa akin pa rin si Sophie hanggang huli.

Tinignan ko muli ang listahan ko para sa wedding proposal ko. Everything is checked, maliban na lang sa singsing na salukuyang binibili ni Thalia. Depende sa mapag-uusapan namin ni Sophie ang kasal. Ayoko na nga sana paabutin pa ng next year, gusto ko kung pwede rin bukas, maikasal na kami.

Pagkarating ni Thalia, kinuha ko na yung singsing at pinauwi ko na sya. Ilang minuto pa, umuwi na rin ako para makapagpahinga dahil tomorrow is a big day.

Pagkarating ko sa condominium, nilapag ko lang lahat ng gamit ko sa centertable. I loosened my necktie and dialled her number. I looked up in my window and saw the stary night.

“Hello, Jonathan,” after three rings nya sinagot.

“Hi, Sophie, bukas ha, wag mo kalimutan,” I grinned even she didn’t see me.

Narinig ko yung mahina nyang pagtawa, “Oo, hindi ko nakakalimutan.”

“Sophie, nasaan ka ngayon?”

“Nandito sa balkonahe ng apartment namin, bakit?” biglang nag-iba ang tono ng pananalita nya sa word-question nya.

“Tingin ka sa taas, ang ganda di ba? Ang daming butuin.” Star gazing. Bata pa lang ako, gustong gusto ko ng tinitigan ang mga butuin. Alam ko, naimpluwensyahan ko si Sophie ng hobby kong yun. “Naalala mo pa ba noong bata tayo, yung takot na takot kang tumingin sa mga butuin,” napapangiti na lang ako kapag naalala ko ang mga panahong yun.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon