Chapter 28: The Jealous Playboy

7.5K 84 2
                                    

[Sophie POV]

Nandito ako ngayon sa shop ni Jonathan dahil may big event dito. Ipapakilala daw kasi yung endorser nila at malaking tulong daw iyon sa kanyang business kaya nagcelebrate na rin sila. Syempre, ininvite nya ako dahil ako daw ang VIP ng buhay nya. Hindi ko na lang inisip na sinabi nya yun kasi hindi nanaman ako patutulugin ng konsensya ko. Friend lang po kami ni Jonathan PERIOD.

Habang tumitingin sa paligid, may isang tao akong nakita na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ikatatakot ko. Nakita ko lang naman si Ronald Tan, ang always high blood na manager ni Johnny. Kumbaga sa mga babae, parang araw araw yun nagmmenopause.

Ayun na nga, nandito sya. Ang hindi ko lang sigurado kung ano ang ginagawa nya dito! Pero sana talaga, nandito sya dahil ininvite sya ng friend nya para makicelebrate. Hindi naman sa ayoko, ngunit ayokong makita ako ni Johnny na nandito dahil kung anu ano ang iisipin nun.

“Sophie,” tawag sa akin ni Jonathan na nakatayo sa harap ko habang nakatukod sa mesa, “Ok ka lang?”

“Oo naman, umm, may nakita kasi akong akala ko kakilala ko,” ngumiti ako at tinignan ko muli ang direksyon kung saan nakatayo si Ronald Tan.

“Sophie,” isang pamilyar na boses na may pagkagulat ang tumawag sa akin. Guniguni ko lang yun dahil masyado kong iniisip na pupunta sya dito kasi nandito ang manager nya.

Nilingon ko ang ulo ko sa kabilang direksyon at halos magimbal ako nang makita ko ang isang lalaking nakatayo isang metro ang layo sa akin. Nakatingin lang sya na may pagtataka sa kanyang mukha. Napatayo ako sa aking kinauupuan at hindi ko namalayang nabanggit ko na lang ang kanyang pangalan, “Johnny.”

“Anong ginagawa mo dito?!” sabay naming tinanong sa isa’t isa. Nakatingin lang kami na may pagkagulantang sa mga mukha dahil hindi namin inaasahan na magkikita kami dito.

“Magkakilala kayo?” tanong ni Jonathan sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

“Ah ano..” tumingin muli ako kay Johnny na hindi pa rin nagbabago ang reaksyon, “Kasi.. yung..” binalik ko ulit ang tingin kay Jonathan na nagtataka na rin, “Yung drama.. tama, yung drama ng client kong si Carly,” lumunok muna ako, “Magkasama sila kaya ayun, nagkakilala na rin kami,” ngumiti na lang ako.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nilabas ng bibig ko. Iba naman ang sinasabi ng utak ko. Nakakaloka talaga, bakit ba kailangan lagi akong masangkot sa mga ganitong sitwasyon?

Narinig ko ang sound ng pagngisi ni Johnny kaya dahan dahan akong tumingin sa kanya na may pagkatakot. Ngayon pa lang, gusto ko ng bawiin yung sinabi ko at sabihin yung totoo dahil natatakot talaga ako. Feeling ko, may ginawa akong krimen.

Nagsalita sya na may pagkaarogante ang tono ng pananalita, “Kakilala pala ha.”Umiling sya habang may crooked smile sa kanyang labi. Lumakad na sya papunta sa stage.

Napahawak na lang ako sa bibig at napaupo na lang sa upuan. Anong kaengotan nanaman ang ginawa ko? Pwede bang ibalik yung oras para sabihin ko na lang yung totoo. Hay, ano ba namang klaseng bibig to, gusto laging nilalagay ako sa bingit ng kamatayan.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon