Chapter 27: First Love vs. True Love

8.1K 85 5
                                    

[Sophie POV]

Pakiramdam ko ay kumidlat at tinamaan nito ang aking utak at puso. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Dapat ba akong matuwa o dapat akong kabahan. Kasasabi ko lang na sana wala ng dumating na problema pero mukhang hindi talaga ako titigilan ng problemang to hangga’t hindi ako nagmmakeup sa mental hospital.

“Sophie,” napahinto ako sa paglalakad nang tinawag nya ako at nagsalita sya na parang nagkarambola nanaman ang aking mga emotions, Di mo na ba talaga ako natatandaan, ako ito, si Jonathan.”

Unti unti akong tumingin sa kanya kasama ang mga mata kong hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Nanginginig ang buo kong pagkatao. Buong pagkatao kasi hindi lang katawan ko ang nanginginig pati ang aking damdamin.

Puro mga tanong ang pumapasok sa utak ko at lahat ng mga tanong na yun ay nagtatapos sa isa pang tanong, ‘Totoo ba ang sinasabi nya?’

Tinitigan ko muna sya bago nagsalita na may kunyaring mga ngiti sa aking labi, “Ikaw talaga, masyado kang palabiro.”

Blangko lang ang kanyang mukha habang tumutugon sa akin, “Kung nakalimutan mo na ako, handa akong ipaalala ulit sa yo ang lahat.”

“Ha? A-ano b-bang sinasabi mo?” kinabahan na ako, “Ummm. si Jonathan, yung kababata ko,  ikaw na yun, ganun ba?” Hindi sya nagsalita sa halip, tinitigan nya lang ako.

Umiwas ako ng tingin at inisip ko maigi ang mukha ng batang yun. Yung pagkasingkit ng mata at kung paano makatingin ang lalaking to ay katulad sa mga mata at tingin ni Jonathan. Ang pagkakaiba lang nila ay matured na ang mukha ng lalaking to at mas matangkad na sya. Syempre, matanda na sya samantalang seven years old lang ang naalala kong Jonathan.

Teka, kung sya talaga si Jonathan, ibig sabihin, bumalik talaga sya tulad ng pinangako nya. Paano yun, hindi ko na natupad ang pangako ko sa kanya? At kung kailan hindi ko na pinanghahawakan yun, ngayon pa talaga sya bumalik at nagpakita sa akin.

“Kung ikaw talaga si Jonathan, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Samantalang dalawang beses na tayo nagkita,” sabi ko.

“Dahil hindi ako makahanap ng tamang tyempo para sabihin sa yo na bumalik na ako at handa na akong tuparin ang pangako ko sa yo,” meron pa pala silang pagkakaiba ng batang Jonathan, walang kaemosyon emosyong nagsasalita itong lalaking kausap ko ngayon.

“Paano mo patutunayan na ikaw talaga si Jonathan?” malay ko bang niloloko nya lang pala ako.

“Sophie, twenty years ago noong huli tayong nagkita dito, napakalungkot ko noon at ganun din ang nararamdaman mo noong mga oras na iyon, binigyan pa nga kita ng bracelet bilang alaala sa akin,” kinilabutan na lang ako sa kanyang mga salita, “Sana ngayong bumalik na ako, wag mo na akong pagdudahan dahil ang tagal nating dalawang hinintay ang pagkakataong ito para magkasama muli.”

“Jonathan..” mahina kong sinabi at dahan dahan akong lumakad palapit sa kanya. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil nandito na ang taong hinihintay ko sa loob ng dalawang dekada o uumpisahan ko ng maguluhan dahil may iba na akong mahal.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon