Chapter 49: Acceptance

4.6K 62 2
                                    

(A/N: Reminder lang fellas, dahil medyo natagalan ang update ko, may mga readers na nakalimutan na ang story lalo na yung POV ni Kylie. Pwede nyo pong basahin ulit yung ibang chapters tungkol sa kanya para makacatch up. And don’t kill me after this chapter. Thanks)

[Kylie POV]

“So, wala na talagang atrasan to?” tanong ni Sophie habang tinitignan ang mga documents ko. Documents na magdadala sa akin sa mga pangarap ko. Ilang linggo ko rin itong pinag-iisipan, pero ngayon, buong buo na ang aking desisyon.

“Wala na. Wag ka ng magtangkang pigilan ako dahil hinding hindi ako magpapapigil sa yo.”

“Sino namang imbentor ang nagsabi sa yo na pipigilan kita?” sinimangutan ko sya sa kanyang sinabi, “Ang gusto ko lang iparating sa yo na wala ng balikan to. Kapag nandun ka na, hindi mo naman ako pwedeng tawagan at papuntahin dun. Mahal ang pamasahe, tandaan mo yan.”

“Di na ako bata, Sophie, nuh? Syempre, gusto ring magkaroon ng buhay. Yung ibang buhay,” nagbuntong hininga ako, “Wag kang mag-alala, kapag ako sumikat at kumita na ng malaki, papatayo ako ng bahay doon at doon na tayo titira.”

Natawa naman sya at niyakap ako, “Kahit naman nasa malayo kang lugar, lagi mo lang tandaan na nandito ako para suportahan ka.” Tumango ako ng mabilis at abot tainga ang aking mga ngiti.

Tumahimik kami ng ilang minuto nang tumayo na sya at aakma nang umalis, “Oo nga pala, tatawagan kita mamaya huh, sana naman bago ka umalis, maging ayos na ang lahat para maging panatag ang loob mo doon, okay?”

“Wag kang mag-aalala, di kita iindyanin,” kinakabahan kong tugon.

Siguro maraming nagtataka kung ano ang pinag-uusapan namin, paano ba ko ba ito uumpisahan? Bale, aalis na ako sa inang bayan. Hindi naman ibig sabihin nun na dahil ayoko na dito, kundi dahil may isang malaking offer sa akin sa France. Yes, sa France! Di ko nga alam kung paano ako makikipag-usap sa mga tao doon. Bahala na, basta magppose lang naman ako dun.

Kasasabi ko lang, magppose. Kinuha ako ng isang agency doon dahil nakita nila yung magazine na pinagtrabahuhan namin ni Paul. Marami pa akong ikkwento, mamaya na pag-usapan si Paul. Balik sa topic, syempre noong una kinabahan ako, baka kung anong pose ang gawin ko doon pero malaki silang agency sa France at sikat ang mga models nila.

Nang pinakita nila sa akin ang kontrata na naging pabor naman sa akin, um-oo na rin ako. Bukas, aalis na ako para umpisahan na ang bago kong buhay. Malayo sa aking nakaraan. Malayo sa mga taong nanakit at sinaktan ko.

Nandito man ako o wala, life is still moving on. Makakahanap din sila ng mga bago nilang buhay. Yung nakaraan ay isa na lang memorya na maswerte ang kung sino mang makakaalala nito paglipas ng maraming taon.

Habang hinihintay ang tawag ni Sophie, pumunta muna ako ng mall. Mamimili ng konting baon at ng kung anu ano pang kailangan.

(A/N: Please play Someone Like You by Adele here.)

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon