Chapter 9: Si Paul na Photographer

11.4K 144 1
                                    

[Kylie POV]

Two weeks na ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami ni Johnny. Every night, I cried pero habang tumatagal, paiksi na ng paiksi ang aking pag-iyak. I know, I can move on pero hindi ko pa alam kung kailan at sa papaanong paraan. Kung kasing dali lang ng paghinga ang magmove on, kahit ilang beses pa akong masaktan, ok lang.

Sa loob ng two weeks, dakila akong tambay. Wala akong trabaho dahil sa hindi ko pag-attend ng meeting na dapat magandang opportunity sa advertisement. Kasalanan to ni Johnny, kung hindi sya nakipagdate sa akin, sana may trabaho ako ngayon at may mga magagandang pang offer na parating para sa akin. Nangyari na, hindi na pwedeng balikan kaya wala ng magagawa kundi tanggapin na lang.

Ang tanging hinihiling ko ngayon, sana makarap na ni Johnny ang babaeng katapat nya. Yung babaeng pahihirapan at sasaktan sya katulad ng ginawa nya sa mga ex girlfriend. Ouch! Ex girlfriend.. di ko alam pero ang sakit sakit pakinggan. Parang sa tuwing naiisip ko ito, yung puso kong unti unting nabubuo, nagiging pulbos nanaman.

At ang isa ko pang wish, kung sino man yung lalaking mamahalin ako ng totoo, sana wag munang dumating ngayon kasi hindi pa handa ang aking puso na magmahal. Hmm tulad nga ng sabi ng aking mahal na mahal na tita, hindi ako makakamove on agad agad kasi ilang linggo pa lang ang nakakalipas. Siguro it will take half a year to move on.. ayos lang kung ganun katagal, basta ang mahalaga ay makamove on.

“Kylie..” tawag sa akin ni Sophie “..hindi ka pa ba kakain? Subukan mo kayang bumangon na at baka unahan ka pa ng mga unan mong bumangon, sige ka..” Hayy, kaaga aga, si Sophie napakacorny!

“Ito na, babangon na nga eh..” tumayo na ako sa aking kinahihigaan at pumunta sa kusina kung saan nakaready na ang aming almusal na pritong talong with bagoong, tuyo, kanin at mainit na mainit na kape.

“Ayan ha, kumain ka ng marami para lumaki ka pa..” sabi ni Sophie na may mga ngiti sa labi. Umupo na kami.

“Sophie, bakit parang masaya kaya ngayon compare noong mga nakaraang araw?” pagtataka kong katanungan.

“Kasi ano…” mabilis na biglang tigil nyang salita tapos nag-isip pa sya kung itutuloy nya ang kanyang sasabihin.

“Sabihin mo na, curious ako eh..” pamimilit ko.

“Umm. kasi the day after tomorrow,  magkahiwalay na ang taping ni Carly at Johnny kaya ayun, ang saya saya...” medyo alangan pa nyang sinabi nung una pero habang natatapos ang kanyangpagsasalita, unti unti syang nagiging excited.

“Johnny?” bulong ko. Ewan ko ba pero tuwing naririnig ko ang pangalang yun, nagkakagulo gulo ang emosyon ko.

She cleared her throat, “Alam mo Kylie, yang si Johnny.. hindi yan ang lalaking tipong iniiyakan..” sa fourteen days na paghihiwalay namin ni Johnny, mga fifty-six times ko nang naririnig sa kanya ang mga salitang to.

“..o hinahabol, dapat sa susunod, maghanap ka ng mamahalin ka ng tunay, at higit sa lahat, matino.” sabay naming sinabi. Sa dami ba nyang beses na pinaulit ulit to, talaga namang makakabisado ko na.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon