Chapter 37: My Decision

4.8K 55 1
                                    

[Sophie POV]

Mabagal kaming naglalakad sa park habang inch na lang ang layo namin sa isa’t isa. Ewan ko ba pero nakakaramdam ako ng pagkailang sa kanya. Dahil siguro sa nangyari three days ago, yung hinalikan nya ako at nasigawan ko sya. Kasalanan naman nya kasi, bigla na lang syang nanghalik. Paano kung makita kami ni Johnny, eh di nagalit yun sa akin.

Speaking of Johnny, ayun ok naman kami. Lagi kaming nagkikita sa set at nakakapag-usap pa ng matino. Sobrang busy sya ngayon dahil naghahabol sila ng taping kaya hindi na rin kami makalabas na dalawa. Pero, hindi ko talaga tanggap yung sagot nya sa akin noong araw na yun. Parang itinutulak nya lang ako sa desisyon na iwan sya.

At meron pa pala, nung araw ding yun, dumating si Leila. Yung magaling na nanay ni Kylie na iniwan sya. May nireveal sya sa akin na hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamangkin ko. Mas matanda si Paul kay Kylie ng limang taon kaya imposibleng maging anak sya ni Leila. Hello, kung anak sya ng babaeng yun, ibig sabihin, eleven years old pa lang nabuntis na sya.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kylie na ang boyfriend nya ngayon ay ang batang inalagaan ng nanay nya habang sya ay iyak ng iyak ng panahong yun. Naawa talaga ako kay Kylie nun dahil hindi namin alam kung paano papatahanin dahil ang hinahanap lang nya ay kanyang nanay. Iniisip ko nga kung paano matatanggap ni Kylie ang nanay nya pati si Paul. Syempre, masakit sa kanya yun na magstep-siblings sila.

Ay nakakainis! Bakit sa araw na yun, napakadaming gumulo sa isip ko? Buti na lang, tatlong araw pagkatapos ng araw na yun, wala ng nagbadyang manggulo sa akin.

Naupo na kami sa bench na pagmamay-ari na yata naming dalawa. Walang nagsasalita dahil pareho kaming nakatingin sa mga batang naglalaro sa harap namin. Ganyan din kasi kami two decades ago.

“Sophie,” tumingin ako sa kanya, “May gagawin ka ba mamayang gabi?”

“Mamayang gabi?” actually, katatapos lang ng taping ni Carly ngayong tanghali. Ito nga galing ako doon, sinundo nya lang ako kaya nandito kami sa park. “Wala naman, bakit?”

Invited kasi ako sa isang party na puro bigating mga tao ang inimbitahan nila, businessmen, politicians and even artists. Anyway, gusto ko sana na ikaw ang makadate ko mamaya, ok lang ba?” yung mga tingin nya sa akin ay parang hindi na ako pwedeng tumanggi.

Kung sa bagay, malaking party yun at maraming pagkain dun. Kaysa magluto lang ako ng instant noodles sa bahay, makakakain ako ng masasarap na pagkain na hindi ako gagastos. Kahit nag-aalangan ako, sige na nga. “Ok lang naman,” tugon ko.

Ngumiti sya ng walang kasing kasaya. “Wear your best dress. Susunduin kita at six.”

Pinahirapan pa ako ni Jonathan, hindi ko alam kung ano ang best sa mga best dress ko. Biro lang, sobrang mahangin lang kasi dito sa kwarto ko. Nagdecide ako na itong orange long sleeve dress ang susuotin ko. Pinartneran ko na lang ng wedge sandals. Konting makeup at winave ko lang ang dulo ng aking buhok. Sinuot ko rin sa aking wrist ang bracelet na ibinigay ni Jonathan sa akin noong bata pa kami. Bumagay naman sya sa aura ko. Simple lang pero kaayaaya naman ang itsura ko. (A/N: Pakitignan na lang sa side kung kaayaaya nga ang itsura nya XD)

Wala pang ilang minuto pagkatapos kong mag-ayos, dumating na sya. Napangiti na lang sya nang makita ang itsura ko at speechless sya. Ganun ang kamandag ko. Nakasuot sya ng white polo with neck tie na pinatungan ng black coat, at slacks ang kanyang pangbaba. Palagi naman ganyan ang suot nya kaya parang ordinaryong araw lang.

“Naitago mo pa rin pala yan!” nakangiti syang nakatingin sa bracelet na suot ko.

Inangat ko ang aking kamay, “Syempre, sayang naman kung iwawala ko lang, di ba?” Sabay kaming tumawa.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon