Chapter 7: Please Be My Boyfriend

12.1K 120 4
                                    

(A/N: Ayan after 6 chapters, pagpahingahin muna natin si Sophie dahil baka masuffocate na yun sa bigat ng mga scenes nya. charot! Anyway, enjoy nyo ang b2b2b chapters ni Kylie na ippublish ko this week. Thanks! Leave your comments XD)

[Kylie POV]

Kylie Flores, yan ang maganda kong pangalan. Isa akong freelance model at malapit ng maging super model. Anak ako nina Mr. and Mrs. Valdes at may isa pa silang anak na ang pangalan ay Sophie Valdes. Iba ang surname ko sa kanila kasi ampon lang ako, yes, ampon. Pero I’m so happy and satisfied with them dahil they loved me kahit na ako ay bastardang anak ni Leila Flores. Siya daw ang nanay ko na hindi ko naman tinuring maski minsan na nanay ko talaga sya. Hindi ako galit sa kanya, actually, thankful pa nga ako sa kanya kasi kung hindi nya ako iniwan kina mommy at daddy baka isa na rin akong katulad nya.

Wag nang pag-usapan si Leila Flores dahil mas masarap pag-usapan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Sina mommy and daddy ay minahal ako na parang tunay nilang anak. Wala na akong masyadong matandaan tungkol kay mommy dahil five years old pa lang ako nang mawala sya sa mundo ngunit hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang pagmamahal nya sa akin. Inalagaan muna ako ni daddy for five years bago rin sya mamatay. Kaya ayun, kaming dalawa na lang ni Sophie ang naiwan. Masaya ako dahil siya ang tita, bestfriend, nanay, kapatid, tropa at kung anu ano ko pa. Kahit pasaway ako, pinagpapasensyahan ako nun at pinagtatanggol ako sa lahat ng nang-aaway sa akin. Yun nga lang, si kontra bolate ang babaeng yun.

Si Sophie ay mabait naman kapag mabait ako pero minsan parang tinotopak yun. Ito kasi ang tsismis, yan si Sophie hindi makamove on sa puppy love nyang si Jo.. ano nga ba yun? Ummm. Jo-Jonathan, ayun. Tignan mo naman, maski 2 decades na silang di nagkikita, may nararamdaman pa rin daw sya sa batang yun. Ang tanging masasabi ko lang sa kanya, kasing tanda ko na ang kanilang paghihiwalay. So my age is lovely 20, kasing lovely at fresh ng face ko. Yun si Sophie twenty seven na, di naman halata sa mukha nya, pero matanda na yun at hindi pa nagkakaboyfriend. Cute sya at maganda pero talagang nainiwala syang ‘si Jonathan lang ang pwede nyang maging boyfriend’. Well, speaking of boyfriend, pag-usapan na ang lalaking nagpabago ng simple kong pamumuhay.

Let’s start the story here…

               

Kinakabahan ako habang naglalakad sa hallway papuntang restaurant kung saan gaganapin ang meet and greet namin with Johnny Lopez. Tama ang nabasa nyo, si Johnny Lopez.. ang sikat na sikat at gwapong gwapong actor ng modernong panahon.  Kahapon lang ako naging official member ng fansclub nya at ang ganda ng timing ko dahil kinabukasan ay meron agad meet and greet. Hindi alam ni Sophie na dito ako pupunta dahil hater yun ni Johnny baby.  Ewan ko ba dun kung bakit ganun sya, wala naman ginagawa sa kanya yung tao pero asar na asar sya. Anyway, ang paalam ko sa kanya ay may photoshoot ako ngayon at grabe ha, para pahiramin nya ako ng kanyang dress at shoes, kailangan ko ibigay yung sweldo ko sa kanya. Paano kaya yun? Bahala na, basta mag-eenjoy muna ako ngayon.

Pagkapasok ko sa restaurant, hinanap ko agad yung mga co-members ko sa Johnnista. Sa FB at twitter ko lang sila nakikita kaya di ko sure kung makikilala ko sila personally. Malay ko ba kung gumagamit sila ng camera 360 o photoshop kaya magaganda sila sa mga profile pictures nila. Never mind, nakita ko na sila na nakaupo sa isang mesa. Labing lima silang puro babae, syempre ano pa ba ang aasahan mo sa fansclub ng isang actor. Kung may lalaki man dito, aba, di na lalaki ang tawag dun.

Lumapit ako sa kanila at binati, “Hi! I’m Kylie..”

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon