Chapter 33: Our First Date

5.1K 51 0
                                    

[Sophie POV]

"Bakit naman po nabago ang schedule?" nakapikit pa ang mga mata ko habang kausap ko si Manager Shara sa cellphone. Paano ba naman, four-thirty pa lang ng umaga. Ala una na kami natulog ni Kylie kasi nagkwentuhan pa kami ng kung anu ano.

"Pumunta ka na dito, bilisan mo! Mag-uumpisa na ang taping after thirty minutes," malakas na ang boses nya at halos madurog na ang eardrum ko.

Napabangon na ako, "Thirty minutes?! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?!" Nagising ang buo kong pagkatao sa sinabi nya.

"Kanina pa kaya kita tinatawagan, hindi mo lang sinasagot. Bilisan mo na! Pumunta ka na dito!" mas malakas pa ang boses nya at halata ng galit.

"Sige na, ito na papunta na ako!" pinatay ko na yung cellphone ko. Tumayo na ako at nagmadali ng inayos ang sarili ko.

Ano ba yan? Bakit naman kasi pabagobago ang schedule nila? Ang tino tino nakalagay na dapat mamaya pang four ng hapon ang taping ngayon tapos biglang magiging ganito ang oras. Pang-asar. Di pa nila sinabi hanggat maaga. Ang sarap sarap pa ng tulog ko.

Nakarating na ako sa set after twenty minutes simula nang tinawagan ako ni Manager Shara. Haggard kung haggard ang peg. Sino kaya ang nagpabago ng schedule? Masasapak ko talaga sya nang hindi oras.

Ang dami ng mga tao sa set. Abalang abala silang lahat na parang sila mismo ay nagulantang din sa pagbabago ng oras ng taping. Nakita ko si direk na kausap si Manager Ronald, ang hot-headed manager ni Johnny. Parang nagpapaliwanag sya kay direk at may hawak na mga papel. Tango lang ng tango ang direktor habang nakahawak sa noo.

Biglang dumaan sa di kalayuan si Johnny at hindi ko na napigilan ang bibig kong tawagin sya. "Johnny" nagwave ako sa kanya habang hanggang anet ang ngiti.

Huminto sya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nagwave din sya pero matipid lang ang kanyang ngiti. Lumapit na ako sa kanya. Inayos ko ang di nya pantay na neck tie. Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako diretso sa mga mata nya.

Kung pagbabasehan ko lang ang nakikita ko, may gusto syang sabihin sa akin. Binaba nya ang kanyang mukha sa akin hanggang dumadampi na ang kanyang paghinga sa aking pisngi.

"Sophie, sor..." hindi nya naituloy dahil biglang may sumigaw.

"Hoy, Sophie Valdes," sabay kaming napatingin sa babaeng yun, si Manager Shara pala. "Hay naku, babae ka. Mamaya ka na makipaglampungan, may kailangan ka pang make-upan dito."

Umayos na ng tayo si Johnny at binitawan na nya ang kamay ko. Binitawan ko na rin ang necktie nya. "Susunod na ako!" tugon ko sa babaeng napakabulgar. "Pang-asar" bulong ko na lang sa sarili ko. Tumingin muli ako kay Johnny na pinipigilan ang pagtawa nya. "Ganun talaga, may palaging umeentra. So, mamaya na lang ha!" Tumingkayad ako at hinalikan sya sa pisngi.

Pumunta na ako sa dressing room at ang sama ng tingin sa akin ni Manager Shara. Sinermonan nya pa nga ako pero di ko na sya pinakikinggan. Tuloy lang ako sa mabilisan kong pagpapaganda kay Carly.

Si Carly. Si Carly na walang imik. Si Carly na napakatahimik simula pa kanina. Maski ang ingay ng kanyang manager, tulala lang sya at hindi nagsasalita. Alam ko naman kung bakit. Namomoblema sya sa kalagayan ni Miguel. Maski naman ako ang nasa kalagayan nya, baka mas tulala pa ako sa kanya kasama pa ang pagtulo ng laway.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na ang ginagawa ko. Lumabas na si Carly at sumunod na lang ako. Naupo ako sa tabi ni Manager Shara na abalang kumakain ng pandesal at umiinom ng kape.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon