Chapter 21.2: I Miss You

6.7K 74 1
                                    

[Carly POV]

Taon ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Miguel. Grumaduate ako ng high school na wala sya, nagcollege ako na hindi ko man lang nakita maski anino nya. Nakakalungkot kasi habang tumatagal, unti unti ring nawawala ang aming communication.

Ten years ang lumipas at totally, wala na kaming tawag na natatanggap sa kanya. Sobrang miss na miss ko na sya at everytime na may tatawag sa akin o di kaya, kakatok sa pinto ng aking apartment, feeling ko, sya na pero palagi akong bigo.

Buti na lang, palagi kong kasama sina Candace at Johnny. Si Johnny ay si Juanito. Binigyan namin sya ni Candace ng screenname. Actually, si Candace lang ang nakaisip nun at nakisabit na lang ako. Maski yung dalawang yun, nag-aalala na kay Miguel. Wala na kasi kaming balita, hindi namin alam kung magaling na ba sya o ang pinakakatakot sa lahat, kung patay na sya.

Ngayon, salukuyan akong nagttrabaho sa theatre ngayon bilang theatre actress. Hangang hanga nga sila sa akin kasi ang galing ko daw umiyak, hindi nila alam, may pinanghuhugutan ako.

Nitong makailan lang, pinasok ko si Johnny dito sa theatre. Sayang kasi yung lalaking yun, may talent sya sa pag-acting pero ang problema, ayaw nyang ilabas yun. Kaya naman, ako ang mentor nya at nakilala na rin sya sa mga palabas. Ayaw nya talaga ng mga leading man roles kaya extra stager lang sya. Ayos na yun nuh, at least, naeenhance ang acting skill nya.

Nakilala ko si Dennis Prado dito sa theatre. Hindi sya part ng mga palabas namin pero taga nood sya. One time kasi noong nanood sya, nagustuhan daw nya ang acting ko at napapicture sya sa akin. Kinuha nya ang name ko at naging magkaibigan kami. Naging kaibigan na rin sya ni Johnny. Sa totoo lang, bantay sarado ako ni Johnny at ayaw nun na may mga lalaking umaaligid sa akin na hindi nya kilala. Siguro, pinag-usapan nila ni Miguel yun kaya ganun makabantay sa akin.

Ngayong araw, birthday ni Candace. (A/N: See Chapter 19: I’m Serious.. I’m in Love with that Girl (Part 1) for the next scenes) Pumunta kami ni Johnny sa isang restaurant na sinabi ni Candace sa amin. May ipapakilala daw sya. Sobrang kinabahan nga ako ng sinabi nya yun. Loko naman kasi tong si Johnny, hindi pa inamin kay Candace na matagal na nyang gusto ang babaeng yun. Kaya nararamdaman ko nang mauunahan na sya ng ibang lalaki.

At hindi nga ako nagkamali dahil ipinakilala ni Candace ang isang lalaking nagngangalang Angelo Gonzales. May lahing koreano at bukod sa gwapo, mayaman din. Next month na sila magpapakasal at doon na sila titira ni Candace sa Korea pagkatapos.

Pati ako, nabroken hearted din dahil sa nangyaring to. Kasi naman si Johnny, hindi pa sinabi kay Candace ang tunay nyang nararamdaman, ayan tuloy, mawawala na ang babaeng dati, abot kamay nya lang.

Hindi nagsalita si Johnny at nararamdaman ko na galit sya. Wala naman akong nagawa kundi pakisamahan ang mga tao sa paligid ko at sumakay sa pinag-uusapan nila. Mamaya na ako makikisimpatya sa kanya, sa ngayon, kailangan ko munang makipag-usap sa dalawang nagpasira sa araw ng aking bestfriend.

Hinatid ko na muna sina Candace palabas ng restaurant at hinintay na lang ako ni Johhnny sa loob na tulala pa rin sa kanyang mga narinig ngayong gabi.

Pagkarating namin sa parking lot, pinauna na ni Candace si Gelo at kinausap muna nya ako.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon