Chapter 6: Ang First Kiss ni Playboy

13.5K 200 5
                                    

[Sophie POV]

Palihim kong sinugod si Johnny para maiganti si Kylie. Plano ko syang suntukin sa mukha at ibalik sa kanya lahat ng sakit na ginawa nya sa aking pamangkin. Dahil pusong bato sya, kailangan nyang maturuan ng leksyon. Tandaan nya, marunong din lumaban ang mga kababaihan.

Subalit… sa halip na masuntok ko sya sa mukha, ako yata ang nahulog sa patibong nya. Di ko alam kung tama itong nasa isip ko pero pinlano nyang lahat to. Sa aking natatandaan, sinabi nya na darating ang oras na ako ay lalapit sa kanya. Siguro ito na yun. Alam nya na kapag nakipaghiwalay sya kay Kylie, wala akong magagawa kundi puntahan at awayin sya.

At ginawa nyang tulay ang bagay na yun para gawin ang karumaldumal na pangyayaring ito.

Hinawakan nya ako sa aking batok at inilapit nya ako sa kanya. Itutulak ko sana sya pero nakapalibot na sa aking waist yung isa nya pang braso kaya napipigilan ang paggalaw ng mga sarili kong arms. Sinubukan ko syang suntukin sa tyan pero parang walang lakas na lumalabas sa akin.  Namalayan ko na lang na ang kanyang labi ay nakadampi na sa aking napakagandang labi.

1..2..3..4..5.. Kumuha ako ng bwelo para maitulak sya palayo. Nang nakabitaw na sya, tsaka ko naman sya sinuntok sa kanyang mukha. Halos mawalan sya ng balanse dahil sa suntok kong kasing lakas ng ray gun ni Eugene ng Ghost Fighter.

Pinunasan ko ang aking labi sa pamamagitan ng aking kamay at dumura ako ng ilang beses dahil sobrang kinikilabutan ako. Gusto kong magmura dahil ang isang playboy ang first kiss ko. Sana panaginip na lang to..

“Kasumpa sumpa ka talaga!” sigaw ko sa kanya. “Bakit mo ginawa…?” nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nakita.

Tumingin sya sa akin. May dugo sa kanyang labi at may pulang pula ang kanang bahagi na malapit dito. Pinunasan nya ang dugo at ngumisi. “Iba ka talaga Sophie, aakalain kong si Manny Pacquiao ka sa sobrang lakas ng suntok mo..” pagbibiro nya.

“Bastos ka, di naman kita kaanu ano pero hinalikan mo ako… ikaw pa tuloy ang…” napahinto muli ako sa pagsasalita dahil may pumasok sa aking isipan. Dapat ko bang sabihin na sya ang first kiss ko. Sa edad kong to, panigurado pagtatawanan nya ako.

“Hmmm. Bakit di mo ituloy?” tanong nya na hindi ko sinagot, “Nahihiya ka at iniisip mong pagtatawanan kita kasi ako ang first kiss mo, tama ba?” tumawa sya pero pinigilan nya lang agad.

Paano nya nalaman yun? Nababasa nya ba utak ko? Ano, Edward Cullen lang ang peg? Tssss. Kainis talaga. “Hoy, dalagang Filipina ako at hindi ako katulad ng mga babaeng pumapatol sa yo… Umm except syempre sa pamangkin ko.” conservative naman talaga ang aming lahi.

“Naku..” hawak hawak nya yung part ng kanyang mukha na nasuntok ko, “..panigurado, mababalita tong pasa ko mukha, ano kayang sasabihin ko sa mga reporters?”

“Eh di sabihin mong sinuntok kita at sabihin mo kung ano ang dahilan para naman malaman na ng lahat yang baho mo..” matatapang kong mga salita. Akala nya ba matatakot ako sa kanya, ha, akala nya lang yun.

The Playboy's Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon